Chapter 1

2K 66 4
                                    

Kazumi's note: A very lame chapter. Pagpasensyahan. Ayaw kasi akong saniban ng mga characters kaya hindi ko feel yung pagta-type.

-------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1

Renny's POV

"Uy sino 'yun?"

"Nagtatrabaho ba 'yan dito?"

"Malay ko! Ngayon pa lang natin nakita eh!"

"Bakit siya sumusunod kay sir?"

"Balita ko siya na raw yung pumalit kay Raquel eh."

"Oh talaga?! Ang swerte naman ng babaeng 'yan!"

"Oo nga eh!"

"Paano kaya siya naging secretary? Sineduce niya kaya?"

Kanina pa ako nagpipigil ng galit dito dahil sa bulungan ng mga kung sinu-sino. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho, malamang sinigawan ko na 'tong mga 'to! Ako kasi yung tipo ng tao na palaban. Hindi ko hinahayaang basta-basta na lang ako sabihan ng kung anu-ano.

Pumasok na kami sa elevator at hindi na talaga maganda ang mood ko. Mukhang naramdaman 'yon ni Rency kaya tumingin siya sa'kin.

"What's the problem?"

Problem?! Sipain kaya kita?! "Pwede ko bang sabunutan yung mga employees dito?! GRABE NA SILA HA!!!" halatang nagulat siya sa sinabi ko kasi hindi agad siya nakapagsalita.

"Why? Dahil ba sa mga sinasabi nila? Ganun na talaga sila, matagal na." pinindot niya papunta sa 20th floor kaya hindi na nakapasok pa yung ibang tao or should I say: wala talagang pumapasok. Naku, imagination ko lang yata.

"So, ibig mong sabihin, hahayaan ko na lang sila?! Ganun ba ha?! My God!!!"

"Oh sige, don't worry, leave it to me." leave it to me! Dapat sa mga 'yun tinuturuan ng leksyon!

Nang tuluyan na kaming makapunta sa 20th floor ay sinundan ko siya patungo sa opisina niya. Nagtitinginan pa nga yung ibang tao eh. Naririnig ko yung iba na nagtataka at yung ina naman ay kaiba na yung tingin sa'kin especially yung mga babae. Hindi ko alam kung bakit pero ini-snob ko na lang sila. Ayoko ng away. Hindi bagay sa'kin. First day ko pa lang 'to kaya dapat magpigil ako.

"Sir good morning po." 'yan ang bati ng mga employee rito habang maluwang na nakangiti. Mukhang kilig na kilig naman yung mga babae kahit na hindi sila nginingitian ng Rency na 'to. Tapos may mga malalanding tili pa nga eh. Kesyo ang gwapo gwapo daw tapos ang bango bango. Lechugas marimar! Napagkalalandi! Mga hipon naman! 'Nu ba 'yan!

"Wow." ang linis! Grabe ha! Black and white ang color ng office ni Rency. Favorite niya siguro yata 'yun tapos sumalubong pa sa ilong ko yung amoy, ang bango!!! Langhap sarap! I wonder kung ano ang pabango niya?

I don't believe in Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon