Chapter 6

1.7K 60 9
                                    

Chapter 6

"Happy birthday," inabot ko sa kanya yung regalo ko.

"Salamat! Ano bang laman nito?"

"Basta mamaya mo na lang buksan."

Nilagay niya iyon sa table kung saan nakalagay ang mga regalong natanggap niya. "Siguraduhin mo lang na puso mo yung laman nito ah? O kaya yung matamis mong oo para maging masaya na talaga ako."

"Corny mo,"

"Haha!" isinabit niya yung braso niya sa braso ko at maglalakad pa lang sana kami nang biglang may lumapit sa'ming babae.

"Sera, pwede ko ba kayong picture-an?"

"Sure!" dumikit pa lalo sa'kin si Seraiah at saka nagpose. Ngumiti na lang din ako sa harap ng camera.

"Salamat! Bagay na bagay kayo!"

Nakita kong lumapad ang ngiti ni Seraiah. Malamang tuwang-tuwa 'yan dahil sa narinig. "Thanks din!" Umalis na yung babae at naglakad na ulit kami papunta sa kinaroroonan ni Grizelle. "Narinig mo ba yung sinasabi nila, Kevin? Bagay na bagay daw tayo!"

"Tapos?" Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang lakas ng loob niyang ipagsigawan kanina sa lahat ng tao dito na mahal niya ako. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganung babae.

"Anong tapos ka dyan? Bakit ba kasi ayaw mo pa akong sagutin?"

"Ayoko pa eh,"

"Bakit? Ano pa bang kulang? O baka naman nakikigaya ka sa mga teenager na namimili pa ng number? Naku, kung ganyan pala gusto mo edi sabihin mo sa'kin."

"Hindi ako namimili ng number."

"Eh bakit nga kasi? Isang buwan na kaya kitang nililigawan. Hindi na uso pakipot ngayon."

"Wala, basta." Hindi na siya nagsalita after nun. Nagdiretso lang kami sa table nina Grizelle.

"Pwedeng maki-join?" tanong niya kina Renny.

"Of course! Happy birthday nga pala ulit!" Tumabi siya kay Grizelle at umupo naman ako dun sa tabi ni Sazer kahit na may upuan pa sa tabi ni Seraiah.

"Ayos lang ba yung food? Masarap ba?"

"Oo naman, ang galing magluto ng chef niyo." sagot ni Grizelle.

"Salamat, sasabihin ko mamaya kay chef Maxwell 'yan."

Nag-usap usap silang babae habang kaming mga lalaki ay may sariling mundo. Kaya ang nangyari ay nagtabi na lang yung mga babae at magkakasama naman kaming mga lalaki.

I don't believe in Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon