Chapter 9
Kevin's POV
Kakatok na sana ako kaso hindi ko naituloy dahil pinangunahan ako ng kaba. Huminga muna ako nang malalim bago ulit magplanong kumatok kaso 'di ko na naman naituloy. Ano ba 'to? Natatanga ba ako? Ano naman ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Malamang galit na galit sa'kin 'yun.
Tss. Hindi ko akalaing ganito na pala ito. Ang tanga ko, kailangang pang magkaganito para lang ma-realize ko.
"Sino po sila?" Nanlamig agad ang buong katawan ko nang marinug ko ang boses niya mula sa likod ko.
"U-uhh...Seraiah,"
"Kevin?" Kumunot ang noo niya nang makita niya ako, "Anong ginagawa mo dito?"
Pakiramdam ko umatras yung dila ko. "M-may---ano kasi---yung ano---"
"Ano ba talaga?"
Napatingin ako sa suot niya, medyo maayos na kumapara noong isang araw nang makita ko siya sa bar. Pero ang buhok niya ay naka-ponytail pa rin kaya ang cute niya lalong tingnan.
"Pinuntahan kita,"
Lalong kumunot ang noo niya, "Bakit? Anong kailangan mo?"
"Papasukin mo muna ako,"
"Kapal talaga ng mukha mo eh." Inirapan niya muna ako bago siya pumasok. Medyo natawa ako habang sumusunod sa kanya. Buti naman medyo nawala na yung kabang nararamdaman ko. "Baka gusto mo rin ng juice, sir?"
"Sige, paki-bigyan ako."
"Oh siya lumayas ka na,"
"Ang highblood mo kasi masyado." pagbibiro ko sa kanya pero mukhang nainis lang siya lalo. Okay, seryoso na Kevin. Baka hindi ka niyan pakinggan. "S-seraiah---"
"Ano? I'm sorry? Hindi mo sinasadyang gawin 'yun 'Yun ba ang sasabihin mo?"
"Paano mo---"
"Makakaalis ka na,"
"Ano?"
"Sabi ko umalis ka na." Hindi ako umimik sa sinabi niya. Tumalikod siya kaya't hinabol ko siya at hinawakan sa kamay. Hindi pwedeng matapos ito sa ganito lang. Ayoko, ayoko nang maulit pa.
"Seraiah, please!"
Humarap siya sa'kin at pansin kong nangingilid ang luha niya. Para bang pinipigilan niyang umiyak. Ang bilis na palang maipon ang luha niya, dahil 'to sa'kin. "Ano bang gusto mo ha?!"
"T-tanggapin mo yung sorry ko,"
"Diba tinanggap ko na nga?! Kaya umalis ka na!" Itutulak niya sana ako ngunit nahawakan ko agad ang magkabilang wrist niya. Nararamdaman ko yung feeling na naramdaman ko noon kay Marjorie nung umiiyak siya dahil sa nalaman niyang hindi pala siya tunay na anak ng kanyang nanay. Bumabalik na naman yung sakit pero parang doble ngayon.
"Galit ka pa sa'kin, alam ko 'yon."
"Bakit?! Agad-agad na ba kitang mapapatawad ha?! Tingin mo ganun lang kadali yung ginawa mo sa'kin, Kevin?! Akala mo ba ganun kadali kalimutan yung nangyari?! Hindi! Masakit pa rin sa'kin! Masakit pa rin sa'king pinagmukha mo akong tanga! Pinaasa mo ako! Hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi ka gumagawa ng dahilan para mas lalo akong nahulog sa'yo!" Sinuntok-suntok niya yung dibdib ko at hinayaan ko lang siya, mas mabuti na ito para maibsan kahit papaano yung sakit na nararamdaman niya. "Ang sakit sakit Kevin, first time ko lang 'tong maranasan at ayoko nang maulit pa. Kaya please, lumayo ka na sa'kin."
"Ayoko, hindi ako lalayo sa'yo." Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Hindi ako lalayo sa'yo, mahal mo ako diba?"
Nag-iwas siya ng tingin, "Hindi na ngayon, Kevin."
BINABASA MO ANG
I don't believe in Happy Ending
Teen Fiction[My Kontrabida Love sidestory] I don't really believe in happy ending...until she came.