Chapter 4

1.7K 61 3
                                    

Chapter 4

“Sorry,” sabi niya at pagkatapos ay nagbuntong hininga. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon dahil nga sa sinabi niyang gusto niya daw akong alagaan.. As in gusto ko nang sumabog dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Kevin, bakit ka ba ganyan? Ang lakas talaga ng epekto mo sa'kin. Simpleng words lang 'yun pero tumagos talaga siya sa puso ko. Paano pa kaya kung sabihin niya na sa'king mahal niya ako, diba?

“Para saan?” Oo nga, para saan nga ba yung sorry niya? Diba ako nga dapat yung nagso-sorry kasi naabala ko pa siya? Dinala niya pa ako sa condo niya para lang maalagaan ako.

“Sa nangyari kanina, kung hindi dahil sa'kin hindi ka sana napahamak. Hindi sana sumasakit yung ulo mo.”

Napangiti ako. Kinikilig na naman ako! Concern siya sa'kin! Enebeyen! Pero syempre kailangang i-compose ko ang sarili ko. Nakakahiya sa kanya kapag naging kiti-kiti ako dito dahil sa kilig. “Ah 'yun ba? Wala 'yun! 'Nu ka ba! Wag mong sisihin 'yang sarili mo. Ako naman may gusto nito eh.” Handa akong masaktan para lang sa'yo. Of course gagawin ko ang lahat.

“Bakit ba naman kasi sinalo mo yung palo nung siraulong lalaking 'yun?” lumabas siya saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang tray. Nilagay niya ito sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

Hindi mo naman ako maintindihan Kevin eh, sinalo ko nga 'yun kasi ayokong masaktan ka. “Ah wala na 'yun, nangyari na eh.”

Tumawa lang ako pero seryoso yung mukha niya kaya ayun, napatigil na lang ako sa pagtawa. Mukhang napaka-seryoso niya nga. Hindi naman ganun kalala yung nangyari eh.

Haay, dahil sa ginagawa mo mas lalo akong umaasa eh.

“Kumain ka muna, alam kong gutom ka na. Pinagluto kita ng miso soup. Sabi ng doktor bawal ka daw kumain ng karne o isda dahil may sugat 'yang ulo mo. Baka mangati lang 'yan o ang masama, lumala pa.”

Ganun? Gusto ko pa naman ng karne. Haay, hayaan mo na nga, vegetarian na lang muna ang peg ko para lalo akong sumeksi. Kailangan kong pagandahin lalo ang figure ko para mas mapansin ako ni Kevin.

“Anong oras na ba?”

“Past 3 na kaya kailangang kumain ka na.”

“Okay,” tutal gutom na nga talaga ako, hindi na ako nahiyang kumuha ng kutsara't tinidor at humigop ng soup. Nahiya lang ako nang mapansin  kong titig na titig siya sa'kin. Na-concious tuloy ako bigla sa sarili ko. Baka kasi ang baboy baboy ko kumain. Wala man lang akong manners. “M-may dumi ba ako sa mukha?”

“Wala,” 'di pa rin niya inaalis yung pagtitig niya kaya lalo akong nailang. Sobrang tungong-tungo na talaga ako habang kumakain. Nakakahiya naman kasi eh.

“Sandali,” bigla niyang iniharap ang mukha ko sa kanya. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Nahihirapan akong huminga. Nagsimulang lumamig yung mga kamay ko. Para bang laging may kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagkakadikit yung balat namin. Tapos kakaiba pa yung way ng pagtitig niya sa'kin. Feeling ko matutunaw ako.

“B-bakit?” Sinigurado kong walang dumi sa mukha ko kaya nakakapagtaka kung bakit iniangat niya yung mukha ko. Tapos nakatitig pa siya sa labi ko kaya lalo akong kinabahan. Dito na ba magaganap ang 2nd kiss ko?

“Nagdudugo ang ilong mo,” pinunasan niya ang dugo sa ilong ko. Ngayon ko lang namalayan na tumutulo na pala ito. At doon ko lang din napagtanto na sumasakit na lalo ang ulo ko.  Akala ko pa man din hahalikan niya ako pero nagkamali ako, hindi pala siya sa labi ko nakatingin kundi sa ilong. Akala ko pa man din...“Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?”

“Ah hindi okay lang ako. Nahihilo lang ako atsaka sumasakit lang yung ulo ko, mawawala din ito.”

Kinuha niya yung isang tissue doon sa tissue box sa bedside table at ibinigay niya ito sa'kin. Agad ko naman itong tinanggap. Aminado ako na medyo nalungkot ako kasi akala ko talaga may sasabihin siyang something or may gagawin siya pero 'yun lang pala. Pero bakit nga ba ako maga-assume? Wala naman siyang gusto sa'kin eh. Sadyang concern lang talaga siya kaya masyado akong nagi-imagine na may lihim din siyang pagtingin sa'kin.

I don't believe in Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon