Three: It's a Date Then

107 2 0
                                    


"You're here." He said with a hint of smile on his voice.

I glance at him and look back again to the ocean. "Obviously?"

Nandito ako sa tabing dagat, sa spot kung saan kami palagi nakaupo ni Third.

I heard him laugh. "Suplada ahh. Ganyan ba talaga kapag love sick?" Umupo sya sa tabi ko.

"Love sick? Sinong may sabi na love sick ako?" I glare at him.

"Hahaha.. Come on M, wag kang masyadong seryoso. Papangit ka nyan, sige ka! How about we grab some food?"  Bago pa ako makatanggi , tumayo na sya at hinila ako paalis.

--

"Hey guys!" Iggy fist bump with his team mates.

"Yo Igs."

"Bro."

"Hi Miru."

"Miru."

Ngumiti na lang ako sa kanila. Ipinaghila ako ni Iggy ng upuan and he sat beside me. Nandito kami ngayon sa cafe near at our school, at nandito rin ang mga varsities. Syempre except kay Third dahil may inaayos sya. He'll be gone for weeks.

"What do you want to eat M?" Tanong sakin ni Iggy when he got up from his seat to buy our order.

"Yun oh, dumada moves si Iggy boy." Kantyaw sa kanya ni Calvin.

"Lagot ka kay Third." At nagtawanan silang lahat. Napatungo na lang ako.

"Mga gago! Wag nga kayo, nahihiya si Miru oh." Nakangising sagot ni Iggy sa mga kaibigan. "So M, anong sayo?"

"Kung ano na lang ang specialty nila ngayon." Nakangiti kong tugon sa kanya.

--

"Miru, how long you've been going out with Third again?" Tanong sakin ni Farley while busy eating his cake.

"Uhm, three months."

"Three months? Three months tapos sa loob ng three months na yun hindi ka pa nya naiisama kapag lumalabas kami."

Nagsitanguan naman ang mga kaibigan nila.

I shrug. "Because you don't like me."

"WHAT??" They asked in unison at napatigil sa pagkain. They're looking at me na parang tinubuan ng mata sa noo.

"Bakit? Hindi ba? Hindi ba ayaw nyo sakin para kay Third?" I narrowed my eyes at them.

"Of course not!"-- Farley

"Who said that?"-- Calvin

"Kasinungalingan!"--Harem

While Iggy, nakakunot lang ang noo habang nakatingin sakin.

Ako? Nganga.

"But-- But t-that's what I thoug--"

"Just a thought." Pagputol sakin ni Calvin.

"Sino naman kami para tutulan ang relasyon nyo kung talagang nagmamahalan kayo?" Si Harem na naghigh five kay Iggy.

"Lalim non dude." Iggy said while laughing.

"Baka takot lang maagawan si Third." Harem again laughing.

"Sa ganda mo ba naman Miru." Iggy while sipping on his frappe.

I cleard my throat. "Uh..I Ahmm..thanks?"

"How about this, why don't you join us tonight at the fair?" --Farley

"Yeah, that would be fun." --Iggy

"Huh? Sa--"

"-sama ka. Yun oh! Pumayag na si Miru. Masaya to! Sama ko din girlfriend ko." Putol ni Harem sa sasabihin ko.

My Boyfriend's Bestfriend❤Where stories live. Discover now