Seven: I'm Sorry

82 4 0
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa dagat na kumikislap dahil sa tama ng sinag ng araw.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko at sa bestfriend pa ng boyfriend ko?

Wala sa sariling sinampal ko ang sarili ko. "Snap out of it Miruna! You're not supposed to feel this way. For Pete's sake, he's your boyfriend's bestfriend, and you, you're his bestfriend's girlfriend, nakakahiya ka!"

Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha ko. Nagulat pa ako ng may burger sa harapan ko after I face palmed my face.

"A burger for your thoughts?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng tumingala ako sa nagsalita at bumungad sakin ang pamatay na ngiti ni Iggy.

"My God Iggy! Alam mo bang ginugulo mo ang tahimik ko ng mundo?!!" Pero syempre hindi ko sinabi yun, dyahe kaya.

Nakanguso kong kinuha ang burger sa kamay nya and eat it like there's no tomorrow. I heard him laugh but I didn't look at him, baka mag collapse na ako nun. Hindi ko sya pinansin at tahimik lang na inubos ang ibinigay nyang burger. Inabutan nya rin ako ng tubig pero hindi ko pa rin sya pinansin.

I heard him sigh at naramdaman ko na lang na umupo sya sa batong katabi ng kinauupuan ko.

"Hey, are you alright?" Tanong nya sakin ng marealize nya ata na wala talaga akong balak magsalita.

Para akong nabato sa kinauupuan ko when he touched my chin at iniharap ako sa kanya. "If you have a problem, you know you can always talk to me about it M." He said with a worried tone.

"I uh-- ahmmm.." I wanted to say something pero parang nalulon ko ang dila ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. I can even smell the fragrance of his breath. Lumikot ang mata ko dahil hindi ko na kaya pang salubungin ang nakakalunod nyang tingin.

Lalo pang nawindang ang katawang lupa ko ng lumipat ang tingin nya sa labi ko at dahan dahang tinatawid ang maliit na espasyo sa pagitan namin.

May kung anong kiliti akong nararamdaman sa puson ko at the same time para akong masusuka sa sobrang kaba ....at..... Excitement??!!!

One part of my mind is telling me na kabingin ko na ang batok ni Iggy to feel his lips on mine again. But the other part says, this is so wrong!

Anong gagawin ko?

Iiwas ba ako?

Tatakbo?

Itutulak?

Sasampalin at sasabihing my lamok sa pisngi nya?

Pipikit?

Ano???

At dahil sadyang may kalandian nga ata talaga akong taglay, hahaha. I unconsciously  closed my eyes and waited...

And waited....


And waited.




And still waiting.

Pero bakit wala?

I opened my eyes and gasp.

"Oh my God!"

Nakahiga na si Iggy sa buhangin and on top of him ay ang galit na galit na si Third.

Ng makahuma sa pagkakagulat, tumayo ako at pilit na inalis si Third sa ibaba ni Iggy na putok ang labi.

"Hayop ka talaga Iggy! Sinabi ko na sayong pabayaan mo si Miru, pero anong ginawa mo??? Papatusin mo pa rin talaga ang girlfriend ko??" Galit na sigaw ni Third habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.

Sa halip na gumanti, ngumisi lang si Iggy at pinahid ang dugo sa labi nya.

"Now you know how it feels to be betrayed Third. How does it feel, masakit ba?" Iggy said mockingly.

My Boyfriend's Bestfriend❤Where stories live. Discover now