Eight: Iggy Ives Amsel

123 5 4
                                    

One year after college....

Car honks here, car honks there, car honks everywhere.

Ugh! Ano pa bang bago? Sa araw araw kong pagpasok sa trabaho palagi namang ganito. Kaya thirty minutes before seven ako umaalis sa apartment ko kahit ang totoo nyan, fifteen minutes drive lang ang layo ko sa trabaho. Pero ito, ilang minuto na lang at malalate na ako sa trabaho ko.

Haaaayy.... Kahit anong pangako ng mga newly elected na solusyon sa traffic na to, wala na talaga silang magagawa, tsk!

Oh well, bakit ba yun ang pinoproblema ko? Dapat ang problemahin ko ay late na talaga ako, huhubels lang talaga!

Two months na akong nagtatrabaho sa Amsel Corparation and I'm at R&D department. May meeting pa naman kami ng mga kasama ko this morning kasi kailangan may maipresent kami bago matapos ang araw na to na bagong product! Pero ano?? Heto ako ngayon..

Basang basa sa ulan ...

Aish! Heto ako ngayon at stuck sa traffic! Kulang na lang babain ko itong taxi at takbuhin ko na papunta sa building ng Amsel. Pero syempre hindi ko gagawin yun, di bale ng ilang minuto na late wag lang haggard noh.

Finally! The traffic slowly moved, lakad takbo ang ginawa ko papasok ng Amsel Corp. pagkababa sa taxi.

Five minutes late. When the elevator opened sa floor ng department namin, masasamang tingin ng team mates ko ang bumungad sakin. Tapos na kaagad ang meeting? I awkwardly smiled at them at nakatungong naglakad papunta sa cubicle ko.

When I bumped into someone, I looked up at bumungad sakin ang mataray na mukha ni Shana, with matching taas kilay pa.

"H-hi. He.he" Lalo pang tumaas ang kilay nya na kulang na lang umabot sa bumbunan.

"Oh!" At pabalag nyang iniabot sakin ang makapal na folder na hawak nya pala. "Dalhin mo yan sa head ng department natin ng my pakinabang ka naman!" At tumalikod na sya at lumakad pabalik sa cubicle nya.

Ouch ha! Sinundan ko sya ng masamang tingin at hinaplos haplos ko ang dibdib ko kung saan tumama ang makapal na folder.

Oh well. Dumiretso muna ako sa cubicle ko para maibaba ko muna ang gamit ko. Konting retouch ng make up at pabango, syempre kailangang presentable akong kapag humarap sa head. Ngayon lang kami magkikita ..

Yeah, you heard it right. Sa two months kong pagtatrabaho dito hindi ko pa nakikita ang head namin. Palagi kasing absent o kaya naman secretary nya lang ang tumatanggap ng kailangan nyang pirmahan. Tsk! Napakairesponsable, palibhasa malakas daw ang kapit kaya hindi mapatalsik talsik.

Nang satisfied na sa hitsura ko, kinuha ko ang folder sa table ko at naglakad papunta sa opisina ng head. Himala ata at pumasok ngayon ang head. Pagdating ko sa labas ng opisina, wala ang secretary nya.

Ahh, kaya siguro pumasok dahil wala ang PA, napailing iling na lang ako sa naisip ko. Bakit kasi hindi na lang yung secretary ang gawing head, tutal sya lang din naman ang gumagawa ng gawain dapat ng boss nya?

Dumiretso ako sa pinto kung saan my nakaengrave na R&A Head and then knock.

Nakailang katok na ako pero wala akong naririnig na "Come in".

Mamaya na lang kaya ako bumalik? Para kasing walang tao, pero baka naman mulagaan ako ni Shana neto.

I sigh.

Silipin ko na lang kaya? Tama, sisilipin ko na lang for assurance, baka busy ang head.

I touched the doorknob and checked if it's locked or not. I sigh in relief ng bukas iyon, dahan dahan kong inikot ang sedura ng pinto hanggang sa bumukas iyon. Ipinasok ko ang ulo at bumungad sakin ang table ng head namin but to my dismay walang tao doon.

My Boyfriend's Bestfriend❤Where stories live. Discover now