Red Tide

68 13 1
                                    

Chapter 19

Saturday na ngayon at kailangan kong pumunta sa bahay nila Joy dahil nga may gagawin kaming group project.

Hayyy may project na naman. Sana maging successful yung gagawin namin mamaya, kasi kung hindi sayang effort ko ay namin pa—

"Tok!Tok!Tok"

Shete sino kaya yun? Nagbibihis pa ako.

"Sandali lang! Nagbibihis pa ako!" Sabi ko naman

"May bisita ka!" Sigaw ni kuya Tanix, sure akong siya yun

Ano? Bisista? Eh may gagawin kami ngayong araw eh! Ano bayan!

Dali dali kong sinuot yung maikli kong pangbahay na short then nagsando na lang ako

"Ano?" Sabi ko sabay bukas ng pinto

OMAYGASH! K-kala ko si Tanix yun?! Agad agad kong sinara yung pinto. Shit nakakahiya! Humarap ako sakaniya ng ganto suot ko?

Bigti na mga bes! Bat kasi siya andito? Huhuhu

Shin's POV

Kausap ko ngayon yung kuya ni Firah dahil nandito ako sa bahay nila ngayon. Susunduin ko kasi sana siya.

"Oh sige tara tawagin na lang natin sa taas bro" sabi ni kuya Tanix

Habang paakyat kami sa taas....wala pa rin palang pinagbago yung bahay nila, nag bago lang yung designs hehehe. Pero yung mga place kung saan bawat nakalagay yung gamit nandun pa din.

Kumatok si kuya Tanix sa kwarto ni Firah.

"Sandali lang! Nagbibhis pa ako!" Ang ingay talaga ni Firah hahahaha

"May bisita ka!" Sigaw din ni kuya Tanix, may balak ata silang sirain eardrums ko?

Bigla namang tumahimik.

"Sige Shin hintayin mo na lang si Firah dito" kuya Tanix

Tinaguan ko na kang si kuya Tanix. Sususnduin ko kasi si Firah para sa group project namin. Nakapagpaalam na ron ako kay kuya Tanix na balak ko siyang sunduin.

Flashback

"Ah kuya Tanix, susunduin ko lang sana si Firah para sa gagawin naming group project." Sabi ko

"Group project? Bakit anong meron? Hindi pa ata siya nagpapaalam sa akin para sa group project" hala patay, pano toh?

"Baka naman kuya mamaya pa siya magpapaalam." Sabi ko. Kasi baka hangang ngayon ganun pa rin siya. Gustong gusto niya kasing nakabihis muna siya bago siya magpaalam para payagan siya hahahaha.

"Ah sige. Basta ikaw ang bahala kay Firah ah. Ingatan mo siya! Dapat bago mag 7:00 andito na siya" yun lang pala

"Sige kuya, akong bahala"

End of the flashback

So yun. Kelangan 7:00 nandito na siya.

Biglang nagbukas yung pinto, siguro ready na s—

"Ano?"

Ako: O_____O
Siya: >______<

Shit bat ganyan yung suot niya?! Aish!!!!!!

Bigla naman niyang sinara yung pinto. Halaaaaa bat kasi ganun suot niya? Sando tapos ang ikli ng short niya? Grabe....pero ang hot ng bespren ko! Ano? HOT? Hindi...erase, erase, erase!

"Uhmmmm Firah sorry! Hindi ko sinasadya!" Sabi ko

Naku lagot talaga ako nito.

Wala ng sumagot. Siguro nagbibihis na siya ng maayos?

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon