Move on

67 11 1
                                    

Chapter 17

Hindi ko pa rin talaga tanggap na wala na talaga si dad....

Kakacrimate lang namin kay dad nung isang araw, bali 3 days binurol si dad, then pinacrimate namin siya nung pang apat na araw na niya. Ako at si kuya Kurt yung nagsabing ipa crimate si dad.

Miss na miss ko na si dad. Ok lang sana kung in comma pa rin si dad, kaso wala eh...wala na talaga si dad.

Simula nung na comma si dad, nagbago ako, pano kaya ngayong namatay na si dad? Pero ayokong maging ganito habang buhay. Yung parang ang sama sama ko sa lahat ng tao. Ayoko ng ganun...i think eto na yung time na ibabalik ko na yung dating ako, para kay dad. Ayaw naman siguro ni dad na maging ganun ako habang buhay. Gusto ko kahit nasa langit na si dad, sa mata niya, good girl ako.

Ayokong magmuk-muk na lang habang buhay....

I think its time for me to move on...

Pero hindi ko kakalimutan yung memories namin ni dad, espacially si dad, ung pagmamahal na binigay ni dad sa akin.

*Tok!Tok!Tok!*

"Pasok!" Sino na naman kaya yun?

"Hoy babae pwedeng pumasok?" Sabi ni kuya Tanix sakin

"Kuya nakapasok ka na..." Tamad kong sabi kay kuya

Pumasok si kuya T at umupo sa tabi ko. Ewan ko kung ano na namang problema nito.

"Firah tara puntahan natin si mommy parang hirap na hirap pa rin siya eh kahit sinasabi niyang okay siya, naaawa na ako kay mommy" hinang hina na sabi ni kuya T sakin.

"Tara kuya"

Lahat kami, kahit si kuya K nahihirapan kay mom. Laging sinasabi ni mom na okay lang siya, pero sa pinapakita niya hindi.

"Momm" sabay katok ni kuya sa pinto ni mom.

"Bukas yan!" Sabi ni mom

Pumasok kami sa loob ng kwarto nila mom and dad at umupo kami ni kuya sa tabi ni mom.

"Mom okay lang po ba kayo? Kain ka na sa baba mom" sabi ni kuya T

Kumain na kasi kami nila kuya kanina ng dinner kanina, eh si mom wala daw siyang gana. Simula na nung nawala si dad, lagi na lang ganyan si mom. Wala daw siyang gana kumain.

"Mamaya na anak" mahinang sabi ni mom samin

"Mom...please kumain ka na, ilang araw ka ng walang ganang kumain" sabi ni kuya T

"Ayoko....ayokong kumain." Walang ganang sagot ni mom kay kuya Tanix

"Mom ano ba?! Tanggapin mo na wala na si dad! Wala na siya....alam mo mom kami rin nahihirapan na wala na si dad!" Sigaw ko kay mom. Ewan ko kung bakit ko nasigawan si mom, nabigla nga rin ako eh.

"Oo nga wala na ang dad niyo! Kaya ayoko ng kumain kasi gusto kong manghina! Para mamatay na rin ako, gusto kong makasama ang dad niyo sa langit! Gusto ko ng magpakamatay!" At humagulgol na ng iyak si mom...naiyak na rin ako, nahihirapan na talaga kami ngayong wala na si dad.

"Sige ma! Gawin niyo! Magpakamatay kayo kung gusto niyo! Pero alam mo mom, hindi mo makakasama si dad pag nagpakamatay ka, kasi sa impyerno ang punta mo mom!" Hindi ko na napigilang sagutin si mom.

Sandaling tumahimik si mom, pero umiiyak pa rin kami, kahit si kuya.

"Mga anak sorry...sorry kung ganito ako. Dapat ako yung nagiging malakas para sa pamilya natin pero ako pa tong nahihirapan. Pasensya na talaga kayo mga anak" sabi ni mom. Ngayon naiintindihan na niya yung point namin.

Sabay niyakap namin si mom. "Mom alam naming nahihirapan kayo pero mas nahihirapan kami dahil pati ikaw mom, nahihirapan ka. Kailangan ka namin ma." Sabi ni kuya kay mom.

"Siguro nga mga anak kailangan ko ng tanggapin na wala na ang dad niyo, pero hindi ko kakalimutan yung mga ala ala natin kasama ang dad niyo." Sabay ngiti ni mom.

Niyakap ulit namin si mom. "Kakaselos naman di niyo ako sinasali. Nagbobonding pala kayo ah!" Sabi naman ni kuya Kurt habang nakangiti.

"Hindi mom wag natin isali yan!" Sabi ni kuya T, baliw talaga.

"Mom oh si kuya Tanix!" Sabay pout ni kuya K hahahaha.

Tumawa naman kaming lahat. Napangiti na lang ako dahil feeling ko ito na yung time na babalik na ulit sa lahat.

"Sorry talaga mga anak" sabi ni mom. Nginitian na lang namin si mom.

At kumain si mom sa baba at sinamahan namin siya nila kuya, pero kumain din kami nila kuya kasi gutom dun kami.

Dad kung asan ka man ngayon sana gabayan mo kami, sa mga gagawin namin. Dad mamimiss ka namin!

====================================================

A/N: Hayyyy salamat. Ang hirap pala gumawa ng nakakaiyak na part ng story hehehe. Sabi nga nila...."Pagsubok lang yan", kaya kung may mga problema kayo, kaya niyo yang lagpasan, wala naman kasing binigay si God na hindi natin kayang lagpasan.

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon