DSG 25

66 9 0
                                    

Chapter 25

(Uwian)

Habang inaayos ko ang gamit ko ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Marco dahil parang hindi siya mapalagay na ewan.

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko...syempre lalabas na ako HAHAHA! Ay joke...nakita ko si kuya Tanix sa harap ng room ko, siguro ay para sunduin ako.

"Tara na Firah" pag yayaya ni kuya Tanix.

"Ahh..kuya, kasi may group project kami kaya hindi muna ako makakasabay. Kaya kuya pwede mo ba akong ihatid kila Joy?" Tanong ko kay kuya

"Ok sige. Umuwi ka na muna sa bahay ng makapagpalit ka. Okay?" Sabi ni kuya at tumango naman ako.

"Hi Firah" biglang singit ni Marco

"Hello" sabi ko naman

"Di ba ngayon manlilibre si Shin?" Tanong niya at tumango naman ulit ako

"Oo kaso nga lang hindi ako pwede at hindi rin siya pwede kasi nga diba may ginagawa kaming group project?" Sabi ko, at sumimangot naman siya

"Sige na nga, basta ah! Walang kalimutan!" Sabi niya

"Oo, sige na bye bye na at mukang naiinip na ang mahal kong kuya" sabi ko habang nakatingin kay kuya Tanix. Hindi na naman kasi makapag hintay!

"Bye" sabi niya at tumalikod. Naglakad na din kami ni kuya Tanix.

"Uy Tanix! Walangya ka bakit hindi mo kami hinintay?!" Sabi ni Dustine

"Hi babe!" Sabi sakin ni Alextot. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Tch! Tara na" sabi ni kuya Tanix

"Sandali! Asan si Chris?" Tanong ni Alex

"Busy siya eh..wag na kayo magtanong dahil hindi ko kayo sasagutin"sabi ni kuya Tanix at nagsimulang maglakad, kaya sumunod naman kami
Ihahanda ko lang ang sarili ko sa mga bulong at sigaw na maririnig ko. Oo bulong, kahit na medyo malakas.

"Omaygadddd gurls andiyan na ang baby Tanix natin!"

"Ayieeee ang gwapo talaga ni Dustine! Hihihi"

"Bat ang gwapo niya bes? Nakakainis naman"

"I love you Alex!"

"Huhuhu sayang Allyssa hindi niya kasama si Chris!"

"Oo nga Nhyrel! Ang gwapo pa naman ni Chris, pero kay Dustine ako"

"Hindi mas gwapo pa din si James ko!"

"Hindi wala Letty hahahaha! Basta J kami ni Nhyrel! Hehehe kilala mo na kung sino yun!"

"Syempre naman" sabi ata nung Letty

"Ang ganda mo Firah!" Sigaw nung isang guy

Hindi na lang namin pinansin at nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa parking lot.

Sa hindi ko inaasahan ay may kausap si kuya Kurt na babae! Omayyy! Sino yun?!

Agad kong sinenyasan yung tropa ni kuya na tuamahik. At sinunod naman nila ako.

"Anong meron babe?" Tanong sakin ni Alex

"Manahimik" sabi ko at saka mas lumapit kila kuya Kurt. Yumuko ako at yumuko din sila, in one word...para kaming mga TANGA! Sino ang lider? Ako, ang pinaka tanga! Hahahahah

Kaso hindi ko pa din makita yung babaeng kausap ni kuya Kurt, dahil nakatalikod siya samin.

"Ah eh...k-kasi..ano uhmmm, matagal na kitang gusto" sabi ni kuya Kurt! OMOOOO kanino baaaa? Shems!

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon