DSG 28

61 9 0
                                    


A/N: Hi guys...sorry sa napakatagal na update hehehe. May short story ako sa wattpad. Visit niyo lang yung account ko..ang title po ay "Always Smile" support niyo rin ah 😘

====================================================

Firah's POV

Agad naming dinala si Shin sa ospital dahil baka umatake yung sakit niya sa puso.

Chineck nila yung vital signs...hindi daw okay. Vital signs lang kasi ang alam kong sinasabi ng nurse, yung iba ay hindi ko na maintindihan.

King ina naman kasi eh! Sana okay lang siya. Naiiyak tuloy ako.

"Firah...magiging okay din si Shin. Dont worry"

Napa lingon ako kay Marco pagtapos niyang sabihin iyon.

Nginitian ko na lang siya ng pilit.

Maya maya pa ay dumating na si tita, ang mama ni Shin.

Nagbless ako kay tita.

"Anong nangyari sa anak ko?" Tanong niya at bakas ang pagaalala sa mukah niya.

"Broken hearted po ang anak ninyo eh" sabi ko

"Bakit? Break na sila ni Kris?" Tanong ni tita

Legal pala sila

"Opo" sagot ko.

Walang maski isa ang nagsalita sa amin. Ang tahi tahimik ng lugar....nakakabingi.

Biglang lumabas ang doctor sa ER at napatayo naman kaming lahat.

"Doc, kamusta po ang anak ko?" Si tita

"Ah maam...kelangan na pong operahan ang pasyente sa lalong madaling panahon, dahil palaki na ng palaki ang butas sa kaniyang puso" paliwanag ng doktor

Palaki na ng palaki...

"Opo dok"

"Sige maam mauna na ho ako" sabi ng doktor at umalis na

Inilipat na muna si Shin sa private room at pumasok na kami sa kwarto.

Nakakaawa siyang tignan, may mga nakakabit na ewan tapos may oxygen siya.

"Mga anak, bantayan niyo muna si Shin ah? Bibili lang ako ng makakain, dahil lunch na din." Sabi ni tita sa amin at tumango naman kami ni Marco

"Kawawa si Shin noh?" Sabi ni Marco

"Oo nga eh...bakit kasi siya pa ang nagkaganyan?" Tanong ko

Napatitig na lang kami ni Marco kay Shin, hinihintay kung kelan siya gigising.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako...

~~~~~~~

Marco's POV

Habang nakatingin ako kay Shin ay hindi ko maiwasang hindi maawa.

Bakit kasi kaibigan ko pa ang meron ng ASD? (Atrial septal defect)

Napatingin naman ako kay Firah, at ayun tulog na.

Ang ganda niya talaga. Matangos na ilong, makapal na pilik mata, ang cute pa ng pisngi. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sayo.

Oo, nahulog na ako sakaniya. Ang bait niya kasi....at marami pang iba. Hindi ko alam kung kelan ako nahulog sakaniya pero alam kong pwedeng mahulog ako sakaniya, kaya heto ako ngayon...nahulog na

"Oh...tita andyan na pala kayo" sabi ko kay tita

"Kain na muna kayo Marco. Ay tulog pala si Firah." Sabi ni tita

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon