DSG 30

49 10 2
                                    


Shin's POV

Ngayon na ang alis namin at nandito na kami sa airport. Buti na nga lang at pinayagan kami ng doctor na umalis sa bansa, dahil kapag may sakit ka sa puso o di kaya hindi mo kaya...hindi ka pwedeng sumakay sa eroplano.

Sa ngayon...okay pa naman ang pakiramdam ko. Salamat sa mga iniinom ko. Hayyyy.

"Are you okay Shin?" Tanong sakin ni mommy

"Opo" ngumiti na lang ako

Hindi daw makakapunta si Marco, dahil inapoy ng lagnat. Nagpaulan kasi, tch! Si Firah naman hindi ko na pinapunta,baka sumikip lang ang dib dib ko kapag nakita ko siyang umiiyak. Bawal kasi masyado ang papalit palit na emosyon dahil nakakaapekto yun sa puso ko. Kaya naman, pinipili ko na lang maging kalmado imbes na malungkot.

~~~~~~~~~

Firah's POV

"Kuya, pwedeng magusap tayo?" Tanong ko kay kuya Tanix

"Nauusap na tayo" tatawa tawa niyang sabi

"Seryoso ako"

"Tungkol saan?" Kumunot ang noo niya

"Narinig ko yung pinagusapan niyo ni mommy kagabi. Totoo ba?" Tanong ko. Nakita ko naman ang emosyon ni kuya na para bang kinakabahan.

"A-ano? Tch! Anong s-sinasabi mo?" Utal utal niyang sabi

"Hindi ka magaling magsinungaling, kuya. Uulitin ko...totoo ba?" Tanong ko ulit.

"Ano bang narinig mo?" Tanong niya.

"Na may kakambal ako" sabi ko

Hindi agad nakasagot si kuya at napangisi ako. "Again...is it true?" Tanong ko ulit

"Firah...nalaman ko lang rin last last day. Nung una, hindi din ako naniwala pero nung kinausap ko si mom kahapon...sabi niya totoo daw"

"Hindi namin alam kung papaano sasabihin sayo na may kambal ka. Kasi baka magalit ka na hindi namin sayo sinabi, at bumalik ka na naman sa dati mong ugali." Aniya

"Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan niya?" Tanong ko

"Kirah Friszelle Trinidad. Pero...wala kaming balita kung ano ang pangalan niya sa ngayon dahil baka napalitan ito. Pero sabi ng investigator, Ramirez daw ang apilyedo ni Kirah" paliwanag ni kuya

"R-ramirez?" Tanong ko

"Oo, bakit?" Tanong din ni kuya

"Nothing" sagot ko

"Pero...papaanong nawala si Kirah?" Dagdag na tanong ko

"Noong ipinanganak kasi kayo ni Kirah...sabi ni mommy, hindi niya na daw kayang suportahan ang pagpapalaki, isa sa inyo. Nung mga panahon kasing iyon ay mahirap lang tayo Firah" sabi ni kuya Tanix

"Eh panong, hindi mo alam na may kambal ako nung mga panahong iyon, eh nandoon ka?" Tanong ko

"Five years old pa lang ako non" sagot ni kuya

Kaya pala...

Kaya pala hindi alam ni kuya dahil, bata pa lang siya noon.

Tanix's POV

"Pano mo nalamang may kakambal ako, kuya?" Tanong sa akin ni Firah, tila gulong gulo.

*FLASHBACK*

"Kamusta ang pagiimbestiga niyo sa anak ko?" rinig kong tanong ni mommy sa isang lalaking may edad na at medyo may katangkaran. Nakita ko na siya dati, pero hindi ko matandaan kung kelan, at kung saan.

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon