DSG 26

46 11 1
                                    

Chapter 26

"Kaya ako naghanda ng ganito dahil...gusto kong magthank you sa lahat, dahil kahit konting panahon pa lang tayo nagsasama ay nararamdaman kong may care ka sakin, at iniintindi mo ako sa lahat ng pagkakamali ko. Salamat sa lahat lahat!" Sabi niya pero pinutol ko ito

"Oo na nagthank you ka na! You're welcome! Sabihin mo na kung ano yung gusto mong sabihin ano ka ba?! Ang dami mong sinasabi eh...dun din naman ang punta nun!" Sabi ko sakaniya. Alam ko naman kasing aamin yan sakin na may gusto siya sakin hehehe

Anong sabi ko?!

Aiiish! Magkaibigan lang kayo Firah okay?!

"Ah kasi Firah...aalis na ako"

"Psh! Yun lang pala! Bakit may emergency ba sa inyo? Go ahead" sabi ko na may halong pagalala dahil baka may emergency sakanila

"Hindi yun ang ibig kong sabihin...aalis na ako ulit"

Ulit?

Nang marinig ko ang salitang yun, ay nagsimula na akong kabahan.

"S-saan ka pupunta?" Sabi ko

"Babalik na ako sa Canada." Hindi ko alam pero feeling ko ang bigat bigat na naman ng pakiramdam ko.

"Canada? Ano na namang gagawin mo dun?" Sabi ko

"Magpapaopera ako..." Nagsimula ng mangiligid ang luha ko ng marinig ang mga salitang iyon

"B-bumalik ang sakit ko sa puso, at kailangan ko magpagamot uli doon" Nang marinig kong may sakit siya sa puso...dun na pumatak ang mga luha ko.

"M-magkwento ka, bakit ng-ngayon ko lang nalaman ito? Kelan ka pa nagkasakit sa puso?" Ako

"Nung mga bata tayo...nung pumunta ako sa states, yun ang din ang dahilan. Hindi ko din alam na may butas na pala ang puso ko noon. Nalaman ko na lang nung pumunta kami ng ospital at narinig ko na sabi ng doctor na, mahina daw ang puso ko...."

"Naagapan naman, dahil nga mas advance ang sakanila doon. Tapos nung gumaling ako ay pinabuti muna ni mommy at daddy na wag umuwi dito, kaya noon lang ako nakabalik. This past few days, ay nakaramdam ulit ako ng pananakit ng dib dib...minsan nahihilo din at nanghihina...sinabi ko kaagad yun kay mom. Yung araw na hindi ako nakaattend ng group project ay pinacheck na naman ang puso ko at sinabing bumalik nga daw ang sakit sa puso ko."

"Kaya...babalik kami sa states." Pagpapatuloy niya.

Tumayo siya at tsaka niyakap ako muka sa likod...naramdaman ko ang mga luha niyang maiinit na dumadampi sa balikat ko.

Naaawa ako sa kaniya dahil nga may sakit pala siya sa puso..

"Mamimiss kita" sabi niya at dun ako mas lumuha

"M-mamimiss din kita" sabi ko habang umiiyak

"Pag nandun ka...ayos ayusin mo yung pinagagawa mo dun! Wag ka masyadong magpapagod. Pagka may naramdaman ka, sabihin mo agad kila tita? Ok?" Ako

"Opo maam! Para sayo" Shin

"Wag para sakin, dapat para sayo at sa pamilya mo" Ako

"May sasabihin pa ako..." Sabi ni Shin, at humarap naman ako sakaniya

"Wala na kami ni Tine..."

"ANO?!" Napatayo ako dahil, hindi ako makapaniwala talaga!

"Kahapon lang." Sabi niya. Ramdam ko naman yung sakit na nararamdaman niya sakaniyang puso.

"Anong nangyari?"

Ngumiti muna siya bago magsalita..."Wag na muna nating pagusapan." Tumango na lang ako dahil naiintindihan ko naman siya. Siguro ay hindi niya pa kayang sabihin.

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon