Gf

65 12 1
                                    

Chapter 12

Naglalakad na ako sa corridor ngayon kasi uwian na. Nakakatamad naman kasi maglakad ano? Psh

"Hi Firah!" Sabi sakin ni.....Shin, bat siya andito?

"Bakit? Kelangan mo?" Tanong ko sakaniya

"Kelangan agad? Baka ikaw, ikaw ang may kailangan" huh? Ako may kailangan?

"Huh? Anong sinasabi mo? Wala akong kailangan sayo noh" sabi ko

"Ah wala pala eh, sayang ililibre la naman kita ng isang gallong ice cream, pero sabi mo wala kang kelangan eh. Ok" ice cream? Oo nga ililibre ako nun

"Oy dejoke lilibre mo ako ng ice cream eh" sabi ko naman

"Tara na" may lakad ata toh eh! Nagmamadali

"Easy sasabihin ko lang kay kuya Tanix na hindi ako sasabay" mag cocommute na lang ako pauwi

"Anong Tanix?" Kabute na rin ata toh si kuya eh, sumulpot na rin bigla

"Uhmmm kuya di muna ako sasabay" sabi ko

"Bakit ano gagawin mo?" Kuya T

"Lilibre niya ako eh." Ako

"No" kuya T

"Sasalubungan kita kuya" sabi ko

"Yown! Hahahah gesge, ingat kayo, ihatid mo toh ah, shin!" Sabi ni kuya T

"Geh bro!" Sabi ni Shin

Umalis na nga sila kuya. Kasama nga pala namin si Marco, ewan ko ang tahimik niya eh. Wait Firah ano bang pake mo sakaniya? Psh

"San tayo?" Tanong sakin ni Shin

"Nasa school" sabi ni Marco, abnoy din tong si Marco eh hahaha

"Metro na lang tayo!" Sabi ko

(Metro)

Hayyyy ang lamig salamat naman. Nakakainis si Shin pinaglakad ba naman ako?! Buset. Pero ok lang yan at least noh, naranasan ko ulit yun hehehe

"San ba may ice cream dito?" Shin

Well kabisado ko na tong Metro, dito ako tumatambay eh

"Tanga jan sa supermarket meron!"sabi ko

"Oo nga bro tanga mo naman!" Marco

"May sinasabi ka?" Sabi ni Shin

"Oo bingi mo!" Sabi niya kay Shin at nagtawanan sila. Ang kulit pala nila noh? Dapat pala hindi nakang ako sumama, parang bonding ata nila toh eh.

"Oh ano maglalandian lang ba kayo jan?" Oo na ako na panira ng moment, antagal eh.

"Yieeee selos ka na ba kulit?" *lub dub lub dub lub dub* bakit ganito yung puso ko, ang lakas ulit ng tibok nung tinawag niya akong kulit. Namiss ko na talaga siya.

"Psh, tara bili na tayo"

---------------------

Andito kami ngayon sa family mart at kumakain ng isang gallon na ice cream, ayoko sana ishare pero, baka magutom sila hahaha. Bumili na rin si Shin ng donut dito sa family mart.

"Ahhh kulit kamusta ka na nga pala ngayon? Balita ko may boyfriend ka na" huh? San naman niya nakuha yung balitang yun? Kekeltukan ko talaga nagsabi nun sakaniya

"Wala noh" wala naman talaga eh

"Seryoso sa ganda mong yan walang nanliligaw sayo?! Naku kung ganon mga bulag sila" sabi ni Shin

"Wala talagang gustong manligaw sakin kasi ayokong may lumalapit saking lalaki, saka takot sila sakin." Ako

"So kung ganon ako manliligaw sayo" what?! Omygosh hahahaha yieeeee liligawan daw ako ni crush, pero wag umasa "JOKE LANG!" Sabi ni Marco, oh diba? Kaya masama umasa eh

Kaya kayong mga nagbabasa nito, wag kayong umaasa agad masasaktan kayo!

"So ikaw Shin may gf ka na?" Nacucurious ako eh

"Ah ako? Oo meron na" bakit ganun? Yung puso ko parang...ewan bigla nalang akong nalungkot. Siguro baka, aish ewan!

"Ahhh ok, nakakalungkot naman, sabi mo hintayin kita kaya di ako nag boyfriend eh" natahimik naman silang dalawa. Nakakatawa yung mga face nila hahahahaha. "Pft! Hahahahahaha just kidding!" Sabi ko naman

"Psh" sabi naman nilang dalawa

"So ano maganda ba yung girl? Ano name niya ng makilala ko naman" sabi ko.

"Eto oh" sabay pakita niya ng pic ng gf niya sa cp niya.

Seryoso ba siya?! Girlfriend niya si Tine.

"Si Kristine yan ah! Kristine Quntana" hindi talaga ako makapaniwala, hindi ko alam na sila pala. Di man lang sinabi ni Tine sakin, nakakatampo tuloy

"Kilala mo siya?" Tanong sakin ni Marco

"Oo siya yung bestfriend ko, omygosh wala man lang siyang sinabi sakin na may boyfriend na pala siya, nakakatampo tuloy" sabi ko. Seryoso talaga kelan pa?

"Kelan pa Shin?" Ako

"Last month lang hehehehe" last month? Eh pano niya niligawan si Tine?

"Eh pano mo niligawan si Tine, eh diba nasa states ka?" Ako

"Ganto kasi yan...nung matapos ang school year namin pumunta na kami ng pilipinas. Kasi magkakilala na talaga kami ni Tine noon nung pumunta tayo ng airport nun, siya yung nakatabi ko nun sa plane. Diba vacation nun? Tapos yun last year nakita ko yung acc niya sa fb kinamusta ko siya tapos, feeling ko nainlove na ako sakaniya, so through chat niligawan ko siya. Tapos nung umuwi ako ng Philippines ayun hinanap ko siya...bakasyon nun nung umuwi kami, tapos niligawan ko siya nung vacation, tapos sinagot niya ako last month."

Nung vacation pa pala siya nakauwi. Nakakainis kasi, bakit? Bakit di ako sinabihan ni Shin? Sabi niya ako daw yung una niyang hahanapin pagbalik niya, tapos iba pala. Eh nung di na nga kami magkasama nun, ni hindi niya ako kinamusta. Alam kong minsan kang ako nagool pero, shit lang bakit ni isang kamusta wala? Tapos si Tine na nakatabi niya lang sa upuan kinamusta niya?! Nakakainis. Pero wala naman ata ako sa pwesto para magalit kasi KAIBIGAN lang naman ako diba?! Andami niyang sinabi na pagka dating niya sabay daw kaming kakain ng ice cream, tapos yun nga ako daw yung una niyang hahanapin, tapos ano? Iba pala? Psh

"Huy ano? Nakatulala ka na lang jan? Kilig ka noh?" Sabi ni Shin

No Shin, hindi ako kinikilig kasi naiinis ako. Bwiset!

"Well congrats sainyo ni Tine. Kayo na pala. Sige una na ako, kayo na lang kumain niyan" tamad kong sabi

"Hatid na kita" sabi ni Shin

"Ah hindi na. Kahiya naman sayo, ako na lang kaya ko naman." Ako

"no sabi ni kuya Tanix ihahatid daw kita." Shin

"Okay sige tara na" sabi ko

"Bro! Una na ako ah" sabi ni Marco

Tumango na lang si Shin. Naiinis talaga ako.

(Car)

Pinapasok na ako ni Shin sa kotse niya, well hindi siya yung nagdradrive, si manong yung nagdradrive. Medyo malayo nga pala yung bahay namin mula sa school.

Habang nasa byahe kwento ng kwento si Shin pero wala talaga akong naiintndihan. Naiinis kasi ako. Puro na lang Tine, Tine, Tine bwiset

"Shin pwede ba tumahimik ka muna?" Cold kong sabi

"Sorry heheheh daldal ko kasi eh" buti alam niya

Yun tumahimik na nga siya, pero bigla niya kinuha yung isa kong earphone

"Shin ano ba? Ang epal mo noh? Kita nakikinig ako ng music eh tapo kukunin mo yung isa? Akin na nga yan! Kainis" hindi ko na napigilan yung inis ko. Basta naiinis ako

"Firah may problema ba tayo? Kanina ka pa tahimik eh." Oo meron

"Meron... Nabubwiset ako sayo okay?!" Nasigawan ko na siya.

====================================================

Bitin ba? Hahahahaha thank you sa mga nagtyatyagang magbasa ng story ko

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon