Thank you

68 12 0
                                    

Chapter 13

"Meron... Nabibwiset ako sayo ok?!" Nasigawan ko na siya

"Ano, i mean bakit ka naiinis sakin?" Shin

"Naiinis ako kasi, diba bilang childhood FRIEND mo! Ni isang kamusta nung hindi na pa nakakauwi dito, WALA. Tapos lahat ng promises mo sakin, ni isa walang nataupad! Nakakainis, nung vacation ka pa pala nakauwi!" Ako

Nakakainis talaga. Tsssss

"Sabi mo ako unang hahanapin mo pagnakauwi ka! Sabi mo kakain agad tayo ng icecream pag dating mo, tapos dapat yung anklet araw araw mong suot, pero ano? Diba hindi?! Tapos yung mga deal natin nung bata pa tayo binalewala mo! Ano kang klaseng kaibigan huh? Sabi mo walang kalimutan, pero ano? Nakalimutan mo diba?! Oo ako nakalimutan kita pero yung memories natin hindi. Bwiset na mga sinabi mong yan eh noh! Sana hindi ka na lang nagsabi kung hindi mo matutupad! Letche" napaiyak na lang ako. Nagiging childish na naman ako,nakakainis.

"Tangina naman Shin diba?! Nakakainis" bwiset na luha toh eh, labas ng labas.

"Look Firah, ang babata pa natin noon, tapos lahat ng yun sineryoso mo? Mga batang deal naman natin yun eh, malalaki na tayo. Hindi na tayo tulad ng dati, na ang daming kaetchusan sa buhay na deal deal deal na yan." Mas lalo akong nainis sa kaniya.

"Eh gago ka pala talaga eh! So lahat ng sinabi mo nung bata pa tayo, hindi seryoso?! Tapos lahat pala ng ginagawa natin dati na deal para sayo kaechosan lang yun?! Shin nakaka tangina eh, alam mo yun?! Bwiset... Eh di pala nung umamin ka saking gusto mo ko kaechusan mo lang rin yun? Gago ka Shin, gago ka"

"Firah, bata pa tayo nun. Yung pagamin ko sayo, seryoso ako nun, pero crush lang naman yun eh. Tsaka bata pa tayo nun, para sa love love love na yan. Hayyy Firah, grow up." Sabi ni Shin sakin

"Manong stop the car" sabi ko

"No manong dont stop the car" Shin

"Ano ba Shin? Sabi ko manong stop the car! Bingi ka ba?" Itinigil naman ni manong yung kotse. Agad agad akong bumaba at nagsimula ng tumakbo para hindi ako maabutan ni Shin. Buti na lang, hindi niya ako naabutan.

Pupunta lang muna ako sa park ng subdivision  namin tutal, mag sisix pa lang naman.

Pumunta ako sa may swing at pinaswing ko ito.

San maging bata na lang ulit ako, yung walang problema yung tipong naglalaro lang ako. Hayyy

Dito, dito sa park na toh kami nagkakilala ni Shin. Hoy Firah wag mo na isipin si Shin.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo yung luha ko. Pero bakit? Konting oras pa lang naman yung time na nagusap kami ni Shin pero ang lakas ng epekto ng nangyari sakin?

Oh shit umaambon na! Putspa sumabay pa talaga toh oh. Sumilong ako dito sa malaking puno ng...ewan di ko alam tawag dun.

Maya-maya lumalakas na yung ulan at nilalamig na rin ako. Basa na nga ako eh. May bagyo ba? Hala baka magalala sila kuya sakin. Ok lang yan 6:05 pa lang naman. Pero nilalamig na talaga ako

"Miss wala ka bang payong?" Teka boses yun ni Marco ah.

Siya nga..."F-Firah? Anong ginagawa mo dito?" Sabi sakin ni Marco "Tara hatid na kita, tamo nilalamig ka na rin oh" obvious ba masyado?

Omayyyy bat siya naghuhubad sa harap ko?! "Hoy Marco bat ka naghuhubad?" Tanong ko sakaniya

"Tatanggalin ko lang po jacket ko maam" ahhhh, psh kala ko naman. Nako!

Maya maya binigay niya sakin yung jacket niya. "Anong gagawin ko dito?"

"Try mo isampay sa puno, malamang isuot mo. Nilalamig ka eh" yieeee ang sweet naman ng crush ko.

"Pano ka?" Tanong ko

"Ok lang ako" ang gentleman niya naman

"S-salamat" sabay ngiti ko sakaniya, landi ko

"Tara na Firah hatid na kita, malamig na oh." Bat ganyan ka kaconcern Marco? Huhuhu

"Marco pwedeng samahan mo muna ako dito?" Huh? Ano sabi ko?

"Sige, bat ka nga pala magisa dito? Asan si Shin?" Hayyy naiinis na ulit ako

"Ah wala...kelan pa kayo magkakilala ni Shin?" Tanong ko sakaniya

"Dati pa nung 8 years old ako" ahhh antagal na rin pala nilang magkakilala

"Ahhh"

Hayyy Shin, ayoko na talaga sayo. Masyado mong binalewala lahat ng memories natin.

"Uy bat ka umiiyak?" Tanong sakin ni Marco

"Marco, alam mo ba yung feeling na binalewala ng kaibigan mo yung mga sinabi niyo noon, kasi bata pa daw kayo. Ung feeling na kinalimutan niya lahat lahat kasi kaechusan lang naman daw yun." Ayoko sanang magdrama eh kaso, hindi ko kayang kimkimin tong nararamdaman ko.

"Bakit Marco? Huhuhuhuhu... Ang dami niyang sinabi tapos hindi niya tinupad lahat ng yun. Dapat sana di niya na kang sinabi kung di niya kayang panindigan."

Niyakap na lang ako ni Marco..."Sige umiyak ka, gawin mo muna akong unan ngayon"

Wala akong nagawa kundi umiyak na lang. Masyado kasi akong nasaktan sa sinabi ni Shin.

Maya-maya biglang nagsalita si Marco "Firah uwi na tayo, hatid na kita" nginitian ko na lang siya, at tumayo na.

"Samahan na lang kita pauwi" Marco

Hinawakan ko yung kamay ni Marco...."Uhmmm alam ko ngayon palang tayo nagkakilala, at napakasama ko sayo, salamat Marco ah. Babawi ako promise." Sabi ko sakaniya. Pagtapos ko sabihin yun binitawan ko na yung kamay niya

---------------

"Salamat sa paghatid Marco ah?" Ako

"Ah wala yun" hahaha ang cute niya

"Sige see you tomorrow" ako

Papasok na sana ako pero..."Firah, kung ano man yan problema mo, malalampasan mo rin yan. Wag mo masyadong dibdibin ah? Baka may dahilan siya kaya ganun." Sabi ni Marco

"Oo sige thanks ulit" ako

"Ahhh Firah ngiti ka na ah?" Naramdaman kong naginit yung pisngi ko

Ngumiti naman ako..."Thank you Marco, ingat ka ah" tinalikuran ko na siya, at pumasok na sa loob.

Hayyy salamat hindi nakaabang si kuya..."Hoy nandito na ako". Pagtapos ko sabihin yun ay pumasok na ako sa kwarto ko

====================================================

Galit din ba kayo kay Shin?

Kinilig ba kayo kay Marco? Hahahaha

Dont Say Goobye | On-Going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon