Meron ka bang Makapal na salamin?Meron ka bang braces?
Eh pimples?
In short
Panget ka ba?
Isang panget na lagi na lang bigo sa taong gusto nya?
Isang panget na lagi na lang nabubully?
Isang panget na Desperada?
Desperadang mapansin man lang ng taong nagugustuhan nya?
Si Calyx Mariano ang panget na desperada sa Eastern University (EU). A prestigious school in Bulacan. Kilala ito dahil sa naggagandahan at naggwagwapuhang estudyante na nag aaral dito, dahil rin sa katalihunan ng mga mag aaral, at higit sa lahat mayayaman.
Calyx ay isang scholar sa EU, nagiisang scholar, nagiisang mahirap at higit sa lahat nag iisang PANGET.
She met a guy na talagang gustong gusto nyang makuha dahil sa pagiging desperada nya napunta sya sa isang lugar na nakakakilabot, maraming mahika at mga gamit na pangkulam.
Nakilala nya ang isang matadang babae, binigyan sya ng isang boteng naglalaman ng isang itim na mahika, na pag nilagay mo sa inumin ng taong ninanais mo ay mapapasayo ito at pag sa kinaiinisan mo ay magiging slave mo. Kahit ano ang hilingin mo makukuha mo.
Dahil sa kagustuhan na makuha ang taong ninanais nya kinuha nito ang itim na mahika.
Pero sadyang nakamali sya sa isang bagay ang inumin na nalagyan nya ng itim na mahika ay sa taong kinaiinisan nya, ang taong kaaway nya.
Ano kaya ang mangyayari sa kanya at sa taong kinaiinisan nya at sa taong ninanais nya?
Sino sa kanilang dalawa ang makakatuluyan nya?
Eh paano kung malaman nila na ginamitan lamang ng itim ng mahika?
Makukuha ba nya ang inaasam asam nya o habang buhay na lang syang magiging mag isa?
Halika at tunghayan ang kwento ni Calyx at ang dalawang lalaki na dadaan sa buhay nya.