Chapter 6

2 0 0
                                    

Calyx POV:

"Sir, Maam can I take your order?" Tanong ko.

"Isang blah blah, at blah blah blah." Order ng lalaki. Sinulat ko yung order nya.

"How about you hon?" Tanong nito sa asawa.

"Hmm. Ito." Turo nito sa food na nasa menu.

"Ito, at ito. And I want ice tea as my drink." Sabi nito. Nilista ko na at inulit ang order nila.

"Anything else?" I ask.

"Hmm. Maybe later thanks." Sabi nito kaya pumunta na ko ng counter.

At nang makarating ako sa counter binigay ko na sa cook yung order. And look at the clock beside the counter, it was 5 in the afternoon.

Malapit na palang matapos ang shift ko. I look around sa buong resto. Puro couples ang nandito, nakakainggit naman. Nakalimutan ko palang sabihin, itong resto na ito ay isang sikat na resto sa buong mundo, di lang sa Pilipinas, pati sa Buomg America, Europe at magkakaroon na sa Australia, oh ano ka pa.

Sikat ito because lahat daw ng nagdadate dito o kumakain, tumatagal ang relationship o kaya nahahanap mo yung forever mo. Nung una naniniwala ako, I try to eat here twice nung naisipan ko, at nung bday ko. Pero di ko naman nahanap yung taong magmamahal sa akin.

(After 2 hours)

"Goobye Calyx. Ingat." Sabi ng isa kong kasamahan.

Hanggang 7 lang kasi ang shift ko. Naglakad na ko pauwi. Naglalakad lang naman kasi ako lagi eh. Kung tatanungin nyo kung may nagtatangka sakin, waley, sino ang magtatangka sa isang panget ha? Pero di naman sa pagmamayabang, maganda ang katawan ko.

Nagtuloy ako sa paglalakad ng maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at binaliwala na lang kung ano man yun. Sa pagtuloy sa paglalakad, nararamdaman ko pa rin na may sumusunod sa akin.

Di ba ito yung sa mga pelikula, paglumingon ka sa likod ay bigla na lang may makikita kang lalaki at sasaksak sayo? Oh My! Sino naman ang gustong pumatay sa akin? Dahil sa takot ko, nagtatakbo ako at naririnig ko rin hinahabol nya ko.

"Aaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!" Sigaw ko ng may biglang humila sa akin.

"Bitawan mo ko halimaw ka." Sabi ko rito at nagpapapalag.

"Nung una unggoy, ngayon naman halimaw, ano sunod? Alien?" Narinig kong sabi nung lalaking humawak sakin.

Napatigil ako sa sa sinabi nya at napatingin sa kanya. Medyo madilim sa part na ito kaya di ko makita kung ano ang itsura nito.

"Bakit ka ba nagtatakbo ha?" Tanong niya at tumapat sa liwanag.

O_O

"Haha ang cute mo talaga." Tawa nito.

"Hoy!!! Okay ka lang ba?" Tanong ulit nito.

"Mahal ko." Tawag nito sakin habang niyuyugyog ako.

"G*go ka!!!!! Alam mo bang tinakot mo ko ha?!?!?" Sigaw ko rito ng mahimasmasan ako.

Kung tinatanong nyo kung sino, balikan nyo yung part na nagsisigaw ako.

Ano? Alam nyo na kung sino? Kung hindi panget kayo. Joke! Si Cloak East Villanueva lang naman for short East aka King kong.

"Bakit ba kasi sumusunod ka na parang gusto mo akong patayin ha?" Inis, kaba, at takot na sigaw ko.

Halo halo na ang nararamdaman ko. Sinong di kakabahan ha? Na maysumusunod sayo ng di mo kilala. Sinong di matatakot? Eh kung bigla kang saksakin ha. at sino ang di maiinis? Kung bigla kang gulatin ha?

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon