Chapter 9

4 0 0
                                    

Calyx POV:

Today is Monday, ibig sabihin may pasok na naman. Naglalakad ako ngayon papunta sa room ko dahil limang minuto na lang ay magsta-start na ang klase. Pero ng makarating ako ng room ay sarado na naman ang room. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nang totally ko nang nabuksan yung pinto ay wala namang nahulog na kung ano, wala rin akong mga kaklase. Wala kayang klase? Paano mo malalaman kung mag-isa ka lang. Hay! Nababaliw na naman ako. Maka-pasok na nga. Lumapit na ko sa upuan ko at nilagay yung bag ko at umupo na.

Pero pagkaupo ko, nabasa ko ang nakalagay sa board. "Happy Birthday Calyx Mariano." Basa ko sa nakalagay. S-sinong gumawa nito? Lumapit ako sa board at buburahin ko na sana ang nakalagay sa board ng may biglang nagbato ng papel sa akin.
Napahawak ako sa ulo ko at pinulot yung papel. Yung papel ay ginawang eroplano bali binato nila ako nang eroplanong papel. To: Calyx Nakalagay dun sa parang pakpak ng eroplanong papel. Binuksan ko yung papel at binasa ang nakalagay.

"Go to Soccer Field. At bakit naman ako pupunta dun?" Basa ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ako. Kasi baka pinagtritripan na naman ako ng mga kaklase ko.

"Tama pinagtritripan lang ako ng mga kaklase ko. Di na ko pupunta." Sabi ko sa sarili kaya binura ko na yung nasa board at umupo at nagbasa ng wattpad.

Makalipas ang isang oras ay tawa pa rin ako ng tawa sa binabasa ko. Paanong di ka matatawa sa mga kalokohan nila Sebastian Lerwick at Kaizer Lamperouge?

(A/N: My Husband is a Mafia Boss by Yanajin. Sa mga di pa nakakabasa please read this. Cool and funny. )

Tuloy lang ako sa kakatawa ng biglang nagbukas yung pinto ng room. At pagtingin ko, isang higanteng unggoy ang nagpakita.

"Alam mo bang kanina pa kita hinihintay sa Soccer Field ha?" Galit na sabi nito. Ngayon ko lang sya nakitang galit.

"Ano pa tinatanga-tanga mo dyan ha?" Sabi nito sabay hila sakin patayo at palabas ng room.

"Handali, saan mo ba ko dadalhin ha?" Tanong ko rito habang hinihila yung kamay ko sa kanya. Pero hinigpitan lang nya at hindi ako sinagot.

Nang malapit na kami sa soccer field ay bigla sya huminto at binitawan na yung kamay ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Bipolar talaga itong isang to. Kanina galit sya, ngayon ngingiti sya.

"Happy Birthday Calyx." Biglang sabi nito. Nabigla ako sa sinabi nya. Dahil sa bigla ko di ako nakapanlaban ng hilahin nya ulit ako papunta sa field.

At lalo akong nabigla ng makita ko ang buong soccer team ay may hawak na illustration board na may nakalagay na letter sa bawat illustration.

'H' 'A' 'P' 'P' ' Y' 'B' 'I' 'R' 'T' 'H' 'D' 'A 'Y'

At biglang tumugtog yung My Answer ng EXO at ang nagpia-piano ay si East. Yung piano ay yung keyboard.

Habang nagpia-piano si East ay kumakanta naman si Prince at yung dalawa pang kateammate nila. Yung iba ay lumalapit sa akin upang ibigay ang Roses na red at isayaw ako.

Nang malapit nang matapos ay lumapit sakin si Prince at isinayaw ako. Hanggang sa tuluyan nang matapos ang kanta.

Akala ko ay huli na si Prince pero hindi, dahil biglang tumugtog ang Your Guardiam Angel ngRed Jumpsuit. At lumapit sakin si East at binigyan ng isang bouquet na Violets at isinayaw ako.

"Happy Birthday, no, belated pala. Dapat kahapon namin gagawin ito pero may pinuntahan ka kaya naisip ko na ngayon na lang gawin. Belated Happy 18th Birthday Calyx." Sabi ni Cloak. Di ako sumagot at tiningnan sya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nito habang kami ay sumasayaw.

Di ko mapigilan ang umiyak. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon