Chapter 8

8 0 0
                                    

Calyx POV:

(Hello anak. Bungad sakin ng tatay ko ng sagutin ko ang tawag nya.

"Hello tay." Sagot ko rin dito.

(Happy birthday nak. Kamusta ka dyan?) Bati nito.

"Okay lang tay, kayo? Kamusta kayo dyan?" Tanong ko rito.

(Ito medyo malungkot, ala kasi ang pinakamaganda kong anak. Haha.) Biro nito. Ngumiti lang ako sa sinabi nya.

(Pasensya ulit anak ha. Di na naman kita makakasama sa birthday mo. Patawad anak ha.) Hingi nito ng sorry.

(Carlo tinigilan mo muna yan dadating na si boss.) Rinig kong sigaw ng katrabaho ni tatay.

(Sunod ako. Anak kailangan ko ng bumalik sa trabaho ha. Mag iingat ka lagi. Happy birthday ulit nak, love na love ka ni tatay.) Paalam nito.

"Sige. Ingat rin po kayo dyan. Mahal ko rin po kayo. Paalam tay." Sabi ko.

(Sige nak, paalam na.) Paalam nito sabay patay ng tawag.

Nandito na ko sa bahay ng saktong tumawag ang tatay ko. Inuwi ako ni East ng tumigil na kong umiyak. Naalala ko pa ang sinabi nya ng nasa simbaham pa kami

(Flashback)

"Alam kong ayaw mong sabihin yung problema pero tandaan mo di ka na nag-iisa. Andito ako para sayo ano mang oras." Sabi nito habang pinapahid yung mga luha ko gamit yung hinlalaki nya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong bakit?" Tanong rin nito.

"Bakit ganyan ka sakin? Bakit ka concern sakin? Diba ayaw mo sakin?" Tanong ko.

"Dahil mahal kita. Di ko alam kung bakit pero isa lang masasabi ko." Sabi nito habang hawak ang mukha. Yumuko ako pero tinaas lang nya.

"Saranghae." Sabi nito ng nakatingin sa mga mata ko.

At yung tingin nya na naman na yun, yung tingin na alam mong nagsasabi sya ng totoo. Umiwas ako ng tingin, at lumingon sa kaliwa ko.

"Paano kung dahil sa magic? Sa gayuma kaya minahal mo ko? Mamahalin mo pa rin ba ko?" Tanong ko rito at bumitaw sa hawak nya at lumayo.

Tumalikod na ko at maglalakad na paalis ng hatakin nya yung kamay ko paharap sa kanya at hinalikan ako sa labi. Hindi na sa noo sa labi na.

"Oo. Mamahalin pa rin kita, kahit ginamitan mo ako ng kung anong mahika, wala akong pakielam, dahil mahal kita Calyx, mahal na mahal." Sabi niya pagkahiwalay ng mga labi namin. Nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Kaya hayaan mong mahalin kita Calyx, pangako ko di kita sasaktan." Sabi nito at niyakap nya ko.

(End of Flashback)

Hawak hawak ko ang labi ko, bwisit yun ah, nakascore. Gusto lang ata nun makascore eh, pero yung mga sinabi nya, sana nga totoo yun. Makaligo na nga, di pa pala ako nakakaligo.

Makalipas ang ilang minuto natapos na ko sa pagligo at naggagayak na para sa lakad ko. Mamasyal ako kasama ang mga tinuturing kong kapatid. Makalipas ang kalahating oras ay tapos na kong gumayak at umalis ng bahay.

Pagka-alis ko ay sumakay na ko sa tricycle at umalis na. Naglive ako sa work para sa ngayong araw.

"Manong sa terminal ng bus nga po." Sabi ko sa tricycle driver.

Luluwas kasi ako, nasa bulacan kasi ako nakatira, at dadalawin ko ang mga kapatid ko. Nang nasa terminal na ko ay bumaba na ko at nagbayad sa tricycle driver. Pumunta na ko sa bus na may nakalagay na Tanay Rizal

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon