"Aaaahhhh!!!!!! Ang galing mo talaga Prince!!!!!" Tili ng mga tao dito sa gym.
"Aaaaahhhhh!!!!!! Go Cloak!!!!"
Ang sakit na ah. Tsk. Nandito kami ngayon sa gym dahil PE namin, naglalaro ang boys ng soccer. Kung di lang graded ito di ako pupunta dito. Lintek.
"GOAL!!!!!" Sigaw at tili ng mga tao.
"Ang galing talaga ng baby Prince ko." Tili ng katabi ko sa kaliwa.
"Mas magaling si Baby Cloak." Sigaw naman ng nasa kanan ko.
Napatakim ako ng tenga sa ingay. Makatili at sigaw naman kasi akala mo mga artista ang nakita. Tumayo na ko at umalis na sa bleacher, nakapag attendance naman na ko.
Nakakainis talaga ang mga babae na ganun. Porket gwapo at magaling makasigaw. Paano ko nalaman na gwapo? Kasi lahat ng nag aaral dito sa school na 'to ay puro gwapo at maganda, sadyang naligaw lang ako.
Kanina pa ko reklamo ng reklamo dito di pa nga pala ako nakakapagpakilala.
I am Calyx Mariano, 17 years old, grade 11 here in EU. ABM ang kinuha kong strand dahil yun ang gusto ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kung tatanungin nyo ako about my physical appearance, I have braces, makapal na salamin sa mata at may pimples di naman ganun karami, in short PANGET. Wala naman akong dapat ikahiya eh. Alam ko na iyon. Di rin ako nako conscious, sanay na ko na ganto ang itsura ko. Pero hinding hindi ako magbabago ng itsura ko. Kahit anong mangyari. Hindi pa ako ganun kadesperada para mag ayos para lang magustuhan ng taong gusto ko.
Naglalakad na ko papunta ng canteen dahil mas gusto kong tumbay sa canteen kesa manuod ng soccer, wala naman akong hilig dun. Atleast dito sa canteen maraming pagkain, yun nga lang napakamahal naman, paano ba naman ang isang boteng tubig dito 25 yung maliit pa ha. 10 piso nga lang yun samin eh. Kaya ako lagi akong nagbabaon ng pagkain pero pagtinanghali, di ako kumakain, pasensya poorita ang bida nyo.
Paupo na sana ako ng may mangbunggo sakin buti nailapag ko na yung baon ko kundi wala na akong pagkain. Tinawag ko yung bumunggo sa akin. Nilagpasan ako ng di man lang nagsosorry.
"Hoy!" Tawag ko dun sa nakabunggo ko. Nakatalikod kasi sya papunta sa bilihan ng tubig. Pero di pinansin ang ugly face ko.
"Hoy!!!!" Tawag ko ulit, pero nga nga ang facelak ko. Isa na lang pag di pa ko pinansin nito sapok ang abot nito sakin.
"HOY KUYANG NAKAJERSEY NA ASUL NA BUMUBILI NG TUBIG!!!!" Pag sya di pa lumingon sa lakas ng bibig ko. Aba eh bingi sya. Lahat ng tao dito sa canteen nakatingin sa akin ngayon. Buti nga konti lang eh.
"Are you calling me?" Napalingon ako sa nagsalita, pero ang nakaharap ko ay yung dibdib nya, kaya inangat ko yung ulo ko, syete, ocho nueve, diyes, aba'y kay gwapong nilalang naman nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hey miss! Tinawag mo lang ba ako para lang pagmasdan ang gwapo kong mukha?" Aba ang yabang naman nito. Di porket matangkad to sakin ay di ko na to papatulan ha.
"Ang kapal mo naman." Sabi ko sa kanya.
"Tsk. Iyan na ba ang bago paraan para magpapansin sakin?" Sabi nya. Bigla atang lumakas ang hangin.
"Hoy mister kapal muks. Sino ka ba para magpapansin ako sayo?" Tanong ko rito.
"Di mo ko kilala? Aba lahat ata ng nandito ay kilala ako. Ako lang naman si Cloak East Villanueva. Eh ikaw?" Sabi nito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Aba alam kong panget ako nuh.
"Mister kapal muks, tinawag kita kasi di ka marunong magsorry, tinuggo mo kaya ako. Buti di natapon yung baon ko." Inis na sabi ko dito.
"Tsk. Ako? Magsosorry sa Panget na katulad mo? Okay pa sana kung kasing ganda nila eh." Sabi nya. At dahil sa sinabi nya nagtawan ang buong canteen even yung mga staff ng canteen.
"Atleast alam kong panget ako, eh ikaw ba?" Sabi ko, sabay tingin sa kanya tulad ng ginawa nya. Up to down, at humarap sa mga mata nya.
"Ano? Gwapo?" Sabi nito sabay smirk.
"Hindi. Unggoy lang naman." Sabi ko sabay smile yung nakakainis na ngiti. Sabay kuha ng gamit at baon ko sa lamesa, pero pagtalikod ko, may bumuhos sakin ng isang malamig na tubig.
At lahat ng nakapaligid ayun lalong lumakas ang tawa at bulungan.
"Ang kapal kasi ng mukha sabihan na unggoy si Cloak yan tuloy napala nya." Sabi nila at tumawa.
"Akala mo naman kasing ganda natin sya." Bulong na naririnig ko naman.
Humarap ako dun sa unggoy na makapal ang mukha at ngumiti ng malapad.
"Bakit gus-" di nya natuloy dahil sinuntok ko sya ng malakas.
Syete ang sakit tuloy ng kamao ko.
"Thank you gift ko sayo dahil sa pagbuhos mo ng tubig sa akin." Sabi ko at ngumiti ng nakakaasar at tinalikuran ko na sya at umalis ng canteen.
Bwisit na unggoy na yun. Akala naman nya kung sino sya. Tsk. Ano pa ba aasahan ko sa mga gwapo. Syempre masama ang ugali. Paano ako uuwi nito? Wala pa naman akong baong damit. Buti PE lang subject ko ngayon. Huhuhuhu. Sanay akong mabully at mapahiya pero di ko keri ang maligo sa harap ng ibang tao.
Tuloy lang ako sa paglalakad ng may mabunggo na naman ako. Nahulog yung mga dala nya, kaya tinulungan ko sya. Pagkapulot ko ay ibibigay ko na sana pero pag angat ko ng mukha a very handsome face was seen. Mukha syang babae pero ang datingan at porma ay lalaking lalaki. Medyo matangkad sya sa akin ng konti di katulad ng unggoy no king kong na yun na hanggang dibdib, hanggang balikat lang nya ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ah miss?" Sabi nya. Napatulala pala ako sa kanya. Napaka gwapo naman kasi eh.
"Ah sorry. Ito yung gamit mo oh. Sorry di kasi ako tumitingin." Sabi ko at yumuko nahiya naman aketch.
"Okay lang, ako din naman eh." Sabi nito.
Lumakad ako ng nakayuko, nakakahiya ang panget ng itsura ko, mukha akong basang sisiw sa ayos ko. Lumagpas ako sa kanya pero pinigilan nya ako.
"Ah miss." Tawag nito
"B-bakit?" Utal na sabi ko habang nakayuko pa rin.
"Ito panyo. Para mapunasan mo naman ang sarili mo. Wala ka bang pamalit?" Tanong nito sabay bigay sa akin ng panyo.
Tiningnan ko lang yung panyo at umiling bilang sagot.
"Abutin mo na yung panyo. Isa pa bakit ganyan itsura mo?" Tanong nya.
Di ko pa rin inaabot yung panyo nya. Di ko rin sinagot yung tanong nya. Kasi naman eh. Ang gwapo nya talaga.
"Ah miss? Okay ka lang ba?" Tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot.
"S-salamat." Sabi ko at tumuloy sa lakad. Nang makaalis na ko. Bigla akong nagtititili.
Syete ang swerte ko ngayong araw. Sino kaya sya? Ang gwapo nya, mabait pa. May bago na kong crush hihihi. Dapat pala tinanggap ko yung panyo. Sayang naman. Ano kaya pangalan nya? Anong year na sya? Strand o coarse nya? Ilan taon na kaya sya? Hay!!! Calyx huminahon ka. Istalk ko kaya sya?
Calyx kelan ka pa naging ganyan? Stalk for real?
Hay!!! Ang ganda tuloy ng araw ko. May magandang naiidudulot rin pala ang pagkabunggo mo. Haha okay lang kahit mukha akong basang sisiw kung may mabait namang gwapo ang tutulong sakin at magbibigay ng panyo. Hihihihi