Calyx POV:Dalawang linggo na, dalawang linggo na mula ng mangyari yung sa room at dalawang linggo na rin akong pinepeste ng King Kong na'to.
"Hoy Panget na dilaw!" Tawag ni King Kong. Papasok kasi ako ngayon sa school. Naglalakad lang naman ako kasi malapit lang. At sya nakamotor, pinepeste na naman ako.
"Umagang umaga King Kong pwede mamaya mo na kong pestehin. Sinisira mo yung magandang araw ko eh." Sabi ko rito.
"Ayaw mo nun? Lagi mo pang makikita yung gwapo kong mukha." Napaka yabang talaga ng King Kong na'to.
"For your information, di ka gwapo, Unggoy ka, higanteng unggoy na umakyat sa building." Sabi ko. Sabay lakad ng mabilis.
"Alam ko naman na may pagnanasa ka talaga sa akin." Ang kapal talag nitong unggoy na'to.
"Hindi ikaw si Prince para pagnasahan ko." Sabi ko rito.
"Prince? May gusto ka kay Prince?" Syete. Lintek na bibig naman to oh.
"W-wala akong s-sinabing Prince." Utal na sabi ko.
"Naku! Wala kang pag asa dun. May girlfriend na yun." Sabi nya
"Tseh! Lubayan mo ko." Sabi ko. At lumakad ng mabilis. Pero sadyangang makulit at peste itong King Kong na'to.
"Alam ko naman na sinasabi mo lang na si Prince ang gusto mo pero ang totoo, ako yung pinagnanasahan mo eh." Bigla ata lumakas yung hangin.
"Kapal muks ka talaga nuh? Si Prince kaya ang gusto ko at di ikaw. Hmp." Sabi ko at iniwan sya dun sa gate ng school. Buti nga andito na kami sa school eh.
Kung nagtataka kayo kung bakit nalaman ko kung ano name nila ay dahil sa kaingayan ng mga kaklase ko. Tili dito sigaw duon pag dumadating yung dalawa. Paano di mo malalaman pangalan nila.
Naglalakad na ko sa hallway papuntang locker ng bigla na lang akong hinarangan nung mga bitches. Si Alice in the wonderland, at mga kampon nya.
"So andito na pala ang taong lapit ng lapit sa baby ko." Sabi nito.
"Well andito na pala si Alice na naligaw sa wonderland." Sabi ko rin dito.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Sino ka para sabihan mo ako ng ganyan ha?" Tanong nito.
"Bakit may manipis bang mukha? At ako nga pala si Calyx Mariano ang magbabalik sayo sa wonderland." Sagot ko sa kanya.
Lalagpas na sana ako ng harangan ng mga buntot nya yung dinadaanan ko.
"Ano ba talaga ang kailangan nyo sa akin?" Inis na tanong ko rito.
"Gusto kong layuan mo si Cloak at si Prince intindi mo? Malanding panget." Eh ako ba ang lumalapit? Dapat yung unggoy na yun ang sabihan nya.
"Walang anuman kamahalan." Sabi ko sabay yuko na parang nagbibigay galang sa isang reyna.
"Mabuti naman at marunong kang lumugar." Sabi ni Alice in the wonderland at binunggo ako.
Nagtuloy ako sa lakad ko papuntang locker. Nang makapunta akong locker merong nag uusap.
"Hon. Wag ka nang magselos. Wala lang naman sya sakin eh." Sabi nung guy.
"Kung wala lang sya sayo, bakit lapit ka pa ng lapit sa panget na yun ha?" Inis na sabi nung girl.
Lumapit ako at tiningnan ko kung sino. Si Prince kasama si Karlene. So totoo nga sinasabi nung unggoy na yun.
"Tsk. Nilalapitan ko lang naman sya dahil gusto syang pagtripan ni Cloak eh. Calyx is nothing to me. Ni di ko nga type yun eh." Paliwanag nito.
Umalis na lang ako at di na tumuloy. Masakit talaga pag yung taong gusto mo sinasabihan ka ng kung ano. Sana di na lang sya lumalapit sa akin. Akala ko may pagasa na magkagusto sya sa akin. Tama nga sila laging mali ang akala. Nanaginip lang pala ako ng gising.
