Calyx POV:Nandito ako ngayon sa bahay ko. Di parin ako makapaniwala na kinuha ko ang boteng naglalaman ng kung ano mang mahika. Siguro gayuma ito? Hmm. Baka di naman gumagana ito kaya libre lang? Well susubukan natin bukas. Pag di ito gumana, ibig lang sabihin niyon ay pinagtritripan lang ako ng matandang yun.
"Sana magtagumpay itong itim na something na ito kundi ay wala na talagang pag asa na meron magkagusto sa akin." Hiling ko.
Makatulog na nga.
(Kinabukasan)
Nandito ako ngayon sa canteen at naghahanda na para ibigay itong chocolate drink para mahalin ako ni Prince. Nilagyan ko na ito nung itim na something kanina.
Habang masaya akong nakangiti ay biglang nagtilian yung mga babae at bakla dito sa canteen. Ibig sabihin andito na sila Prince. At di nga ako nagkamali. Hay! Ang gwapo nya talaga. Nagtitingin sya kung may mapwepwestuhan pa sila ng mapatingin sya sa pwesto ko.
"Oh Calyx! Mag isa ka ata?" Bungad na tanong ni Prince ng makalapit sya sa akin.
"Wala naman kasi akong kasabay eh." Sabi ko rito.
"Ah ganun ba? Kung ganun dito na lang kami. Cloak dito na lang tayo!" Tawag nito kay Cloak.
"Oh! Panget na dilaw ikaw pala." Sabi nito.
Di ko sya pinansin at tumingin na lang kay Prince.
"Ah! Prince nauuhaw ka ba? Ito oh. Chocolate drink." Alok ko kay Prince.
"Naku! Di ako mahilig sa chocolate eh. Itong si Cloak tsak di tatanggi. Mahilig sya sa chocolate drink." Tanggi nya sa alok ko.
"Naku salamat Calyx. Sabi na nga ba ako talaga yung gusto mo eh." Sabi nito sabay kuha nung choco drink at inumin iyon.
"Wa-" di ko na natuloy. Napakatakaw naman kasi ng isang to, ang kapal pa talaga ng mukha.
"Dude anong nangyari sayo?" Tanong ni Prince ng bigla na lang napatigil si Cloak sa pag inumin. Ang totoo nyan halos ubos na yung choco drink.
"Wala. Alis muna ko pare ha." Sabi nito. Mukhang walang bisa yun. Buti naman. Kundi, anong gagawin ko kay Cloak incase na gumana iyon?
(Fast forward)
"Okay class dismissed." Sabi ni Sir. Yes!!! Uwian na. Nag aayos na ko ng gamit ko at tumayo na ko.
Naglalakad na ko pauwi ng may bumusina. Napalngon ako sa bumusina. At si King Kong lang naman. Di ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bumisina lang sya at humarang sa dinadaanan ko.
"Ano bang problema mo ha King Kong? Di ba sabi ko tigilan mo na ko?" Bulyaw ko dito.
"Tsk. Ano pa edi ihahatid ka sa inyo." Sabi nito.
"At bakit ha?" Tanong ko rito. Ano bang naisipan ng unggoy na'to ha?
"Tsk. Wala nang tanong tanong. Sumakay ka na lang." Sabi nito.
"Eh kung ayaw ko? Anong gagawin mo ha." Tanong ko rito sabay irap at lumakad na. Pero di pa ko nakakalayo ay may humila na lang sa akin.
"Hay! Bakit ang kulit mo." Wow ha. Ako pa daw ang makulit, sapakin ko 'to eh.
"Diba sabi ko tigilan mo na ko. After what you said to me, sa tingin mo sasabay at sasama pa ko sayo? Neknek mo." Sabi ko rito sabay hila ng braso ko.
"S-sorry"
"H-ha?" Tanong ko. Di kasi malinaw yung sinabi nya.
"Ang sabi ko sorry." Sigaw nito sakin.
"Kailangan sigawan ako?" Sigaw ko sa kanya.
