Chapter 2

7 0 0
                                    


Calyx POV:

Naglalakad na ako papasok no, tumatakbo, late na ako, nagbasa pa kasi akong wattpad kagabi. Kaya ako ito puyat at nalate ng gising. Nang makarating ako ng room, nakasarado na yung pinto. Ibig sabihin late na talaga ako. Kumatok ako. At dahan dahan na binuksan yung pinto.

At may naglaglag lang naman na isang baldeng puno ng puting malagkit, i think glue ito. Ang agang bully naman ito. Hinayaan ko na lang at lumabas ng room at pumuntang cr. Buti pala nagdala ako ng extrang damit.

Pagkapalit ko ay lumabas na ako at bumalik ng room, pero sadyang malas talaga ako kasi ba naman pagbukas ko ng pinto, ay isang malagkit na kulay dilaw, mukhang pintura ito. Dahil wala na akong extrang damit ay tumuloy na lang akong room.

"Ang kapal magpapansin kay Prince ko. Yan bagay sayo." - Bitch #1

"Di lang yun, sinuntok ba naman si Cloak baby." Bitch #2

"Tsk. Buti nga sa kanya. Ang panget panget naman." Bitch #3

Iba na pala ang ibig sabihin ng bulong. Kasalan ko bang maging panget ha? Kayo na magaganda. Buti na nga lang at walang teacher sa first two subject. Pero lintek ang lagkit ko na. Huhuhuhuhu pag ako gumanda who you kayo sakin.

Hanggang sa magrecess nandito pa rin ako sa room. Ayoko ngang lumabas, malas na nga ang umaga ko gagawin ko pa bang buong maghapon? Pasalamat sila maganda silang lahat sa akin. Huhu anong gagawin ko dito sa room? They left me here all alone. Makapagbasa na nga lang ng wattpad.

Makalipas ang 20 minutos, nagbell na so ibig sabihin time na. Unti unti nang nagsipasukan ang mga kaklase ko. At syempre tuwing nakikita nila ko nagiging clown ako sa paningin nila. Sige tawa pa more ubuhin sana kayong lahat.

Dahil magaling ang wishing power ko, ayun nagsiubo nga sila hahaha, yan kasi tawa pa kayo ng  tawa.

"Oh bakit kayo nagsisiubuhan? And Ms. Mariano, bakit dilaw na dilaw ka? Mukha kang sisiw, no mas maganda pa ang sisiw sayo." Sabi ng halimaw kong teacher.

Dahil sa sinabi ni Maam Menopause nagtawanan sila. Lahat na lang ata sa school na to masasama ugali, pati teacher, lahat, pera na lang dun sa gwapo kahapon.

Nagklase na lang sila, sila lang di ako kasali. I am not belong in this school. Kaya lang naman ako pumasok dito sa school na ito dahil sa scholarship eh. Mahirap lang ako ateng, kung mayaman lang ako edi sana nagparetoke na ko.

Mag isa na lang ako sa bahay, hindi sa buhay ha. Hiwalay na parents ko. Iniwan kami ng nanay ko at pinagpalit sa mayaman. Samantalng ang tatay ko nasa abroad para dun magtrabaho, para makatapos ako ng pag aaral at wala akong kapatid kaya ito lonely ang peg ko.

Okay naman na ko sa gantong buhay, pero ang mahirap lang, hindi ka magugustuhan ng taong gusto mo. Habang nagdidiscuss si Maam menopause merong kumatok ng tatlong beses at pumasok sa room.

Dahil nasa dulo ako ay di ko makita kung sino yung dumating. Malabo ang mata ko sobrang labo, eh maharang pang pintura edi lalong di ko nakita, natutuyo na rin yung pintura sa katawan ko.

"Aahhh!!!! Prince!!" Tili ng mga kaklase ko, puro pala kaming babae.

"Hi Cloak!!" Bati nung isa kong kaklase. Sino ba ang mga yun?

"Class keep quiet." Pagpapatahimik ni Maam. Tumahimik naman.

"So Mr. Villanueva and Mr. Castillo what can we do for the both of you?" Tanong ni Maam menopause.

"Dito na po kami magkaklase maam. Nalipat po kasi kami eh." Sabi nung may magandang boses. Its sounds familiar.

"Bakit maam? Ayaw nyo po ba kami dito?" Tanong nung malalalim ang boses, pati yung boses nito pamilyar din.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon