Calyx POV:
"Di ko alam na maganda pala ang boses mo." Puri ko sa kanya. Di porke magkaaway kami di na ko namumuri ng kaaway ko."Aba, napuri mo ata ako ha?" Sabi nito at nagsmirk.
"Ayaw mo ba? O sige binabawi ko na. Ang pa-" di ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang lumapit sya sa akin.
"Thank you." Sabi nito at sabay hinalikan ako sa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Noo
Oh wag kayong mag assume, masasaktan lang kayo. Buti pala di ako pumikit.
"Sige baba na ko dito na naman na yung bahay ko eh." Sabi ko rito.
Lumayo na sya sa akin at hinayaan na akong bumaba. Pagkababa ko ay sumilip muna ko sa bukas na pinto at nagpasalamat.
"Ala iyon, basta para sayo, gagawin ko lahat." Sabi nito.
"Sige bye, ingat sayo yung mga tao. Hahaha" biro ko at kumaway na sa kanya. Sinarado ko na rin yung pinto ng sasakyan.
Umatras ako ng konti at hinintay syang makaalis. Nang umandar na yung sasakyan, ay lumabas ang kamay nito sa may binta sa driver sit at kumaway at umalis na ng tuluyan.
Hay! Its a long night, makapasok na nga at makatulog.
(Kinabukasan)
Tok tok, tok tok, tok tok
Wag mong pansinin Calyx,matulog ka lang.
Tok tok, tok tok, tok tok
Wala lang yun Calyx, ituloy mo lang yung tulog mo.
Tok tok, tok tok, to-
"Andyan na!!!!! Handali!!!!!!" Sigaw ko.
Istorbo naman sa tulog ko. Kinuha ko yung cp ko and look what time is it, and unggoy na kilabo ng sampung bakla naman oh. It was 5 in the morning.
Aga namang mangistorbo ng bwisita na 'to. Lumabas na ko sa kwarto at pumunta sa may pinto. Wala akong pake kung di pa ko, nagtoothbrush, o magsusuklay o ano pa man itsura ko. Ang ayoko ay yung naiistorbo tulog ko. Sinong hindi maiinis? Ang ganda ng panaginip ko. Magkakatuluyan na dapat kami ni Prince, nang may biglang kumatok kaya ayon, si East daw ang nakatuluyan ko.
"Ano bang kailangan mo ha?!?!!!?" Sigaw na tanong na bungad ko kung kanino man. Speaking.
"Alam mo bang nakakaattract ang isang babae pag bagong gising at ganyan pa itsura." Sabi ng isang higanteng unggoy.
Napatingin ako sa suot ko. Short shorts and sleeveless na fit.
"Wala akong pake. Ano ba ang ginagawa mo ng gantong kaaga ha?" Inis na tanong ko ulit rito.
"Aayain kang magsimba,sabay date na rin tayo." Sabi nito.
"Manggigising ka para lang mag aya ng kasamang magsimba? Di ako relihiyosong tao nuh. At may pupuntahan pa ko, kaya shoo, shoo." Sabi ko rito sabay sara ng pinto.
Makabalik nga sa pagtulog. Pahiga pa lang ako ng kumatok ulit yung asungot na yun.
"Sabi nang di ako magsisimba eh." Sigaw ko rito.
"Sige na. Para makapagdate rin tayo oh." Sigaw nito.
"Di nga ako pwede eh." Sigaw ko pabalik.
Kung bakit kami nagsisigawan ay dahil sa labas sya ako nasa loob at nakahiga na. Well the truth us may pupuntahan talaga ako. Sa lugar kung saan walang manghuhusga sakin.
"Pwede ba magpatulog kayo ang aga aga." Sigaw nung kapit bahay namin.
"Please naman oh, sumama ka na." Pakiusap nito.
