Chapter Eight

3 0 0
                                    

Inayos niya ang sarili na nagulo kanina. Hindi niya alam kung pano niya haharapin si Ken pagkatapos ng nangyari. Nakakahiya siya.

Pinunasan niya ang luha niya saka humarap sa salamin na naroon. Pinunasan niya ang lipstick na nagkalat sa may labi niya. "You will get over this." sabi niya sa sarili.

Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Ken. Tiningnan lang siya nito ng malamig. Walang emosyon na nababakas sa mga mata nito.

"My mom and Dad wants to talk to you." Biglang kumabog ang puso niya sa kaba. Huminga siya ng malalim ng hawakan siya nito at igiya sa kinaroroonan ng magulang nito. Napansin niyang ang mga ito na lang ang tao sa bahay na iyon.

Pinaupo siya nito sa harap ng mga ito.

"Tell me about you iha?"

Sa tono pa lang ng boses ng ina nito ay alam na niyang strick ito. Grabeng kaba ang nararamdaman niya. Malala pa yata ang kaba niya noong interviewhin siya ng mga panelist noong nag-uumpisa pa lang siya magturo.

"I'm Cheryl Astronomo and I'm Highschool teacher po." magalang niyang sabi.

"So what else do you do for living?" ang ama naman nito ang nagtanong.

Hinawakan ni Ken ang nanlalamig niyang kamay at pinisil iyon.

"Dont interogate my fiancee like she's a criminal."

Ngumiti siya ng bahagya. "It's okay Ken, No harm done." tugon niya dito. Ikaw lang naman ang nananakit sakin.

"Welcome to our family Cheryl iha."

Napanganga siya sa sinabi ng mga magulang nito. Ganun lang yon? Hindi ba siya nito tatanungin kung anong uri ng tao siya o kaya naman ang parent niya.

Tumayo ang ina ni Ken at yumakap sa kanya. "From now on call me mom, mommy or mama." nakangiting sabi nito. Ganun din ang asawa nito.

Magsasalita pa sana siya pero hinila na siya ng binata palabas ng bahay ng mga magulang nito.

"Bitawan mo nga ako." sabi niya dito ng makalabas na sila ng bahay. "Ano ba ang problema mo huh?" Hindi siya nito sinagot. Pinapasok siya nito sa loob ng kotse niya pero hindi siya pumayag.

"I said get in" mariin nitong sabi sa kanya, pero hindi siya papatalo dito.

"Alam mo ang gulo mo, hindi kita maintindihan. Bipolar ka ba o talagang baliw ka na? Bakit mo ba kailangan ako pa ang pumalit sa ex-fiance mo huh? Alam kong ako ang may kasalanan pero pwede naman kitang ikuha ng iba. Dahil sayo nagulo ang buhay ko. Dahil sayo hindi ko na alam ang gagawin ko." tuloy-tuloy niyang sabi.

"Okay fine. Ang babaeng kasama ko sa coffeeshop ay hindi ko totoong fiance or girlfriend. Wala akong fiance. I mean wala na dahil I already fired her for some reason. Then you came and that fucking video na kumalat dahil sa lintik na mga paparapzi. Ikaw ang gumulo sa sarili mong mundo. Fuck you and your fucking dare. If you dont kissed me sana wala tayo sa sitwasyon na to. My mom wont demand from me na ipakilala kita sa kanya and my father won't blackmailed me."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pero wala siyang pakialam sa narinig. Hindi pa rin tama ang ginawa nito. "Your parent deserve to know. Kung hindi mo kayang sabihin ako ang magsasabi ipapaliwanag ko sa kanila ang totoo."

"Too late now honey. Baka bukas o kaya ngayon, alam na ng buong mundo na ikakasal tayo. When my company and my father company already merge, maari mo nang makuha ang kalayaan mo. Don't worry sweetheart I'll dont demand anything from you. Kapag nangyari yon pwede ka nang bumalik sa dati mong buhay."

"You'r selfish, you jerk!" sigaw niya dito.

"I am, that the price for messing with this jerk."









Nagngingit-ngit siyang pumasok sa sarili niyang silid. Hindi siya pumayag na tumuloy sa bahay nito hanggat hindi pa sila kasal. Doon niya ibinuhos lahat ng sama ng loob niya. Bakit ba nainlove siya sa gagong lalaking iyon? Niyakap niya ng mahigpit ang unan niya. Ipinikit niya ang mata niya dahil sa pagod na rin itong umiyak.








Nagising siya dahil sa ingay ng ng telepono. Tinatamad siyang sinagot.

Inilayo niya ang telopono sa tenga niya dahil sa sigaw ng mga kaibigan niya sa kabilang linya.

"Ano ba, ang iingay ninyo." saway niya sa mga ito na para bang nakikita niya ito.

"Gaga, kanina ka pa namin tinatawagan hindi ka man lang sumasagot. Alam mo ba kung anong oras na?" panenermon sa kanya ni Antonette.

Tiningnan niya kung anong oras na. "It's already three p.m" walang pakialam niyang sagot.

"Exactly, alas tres na pero wala ka man lang kaalam-alam na ang parent mo ay nasa pinas na. Nasa bahay ng mamanugangin mo to be exact."

"WHAT???" sigaw niya dahil sa gulat.

"See? wala ka ngang alam. Kanina ka pang tinatawagan nang parent mo pero hindi mo sinasagot."

"O sige, sige maliligo na ako." Pinatay niya ang tawag at dali-dali siyang naligo at nagbihis. Pano napunta ang parent niya sa bahay ng parent ni Ken?



Dug-dug dug-dug. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Pagkababa niya sa kanyang kotse ay biglang may bumusina sa likod niya.

"Ay tikbalang na bakla." napatalon siya sa gulat. Nakilala niya kung sino ang sakay ng sasakyan na bagong dating.

Hindi sana niya papansinin ito pero huli na. Hinawakan siya nito sa kamay. Sabay silang pumasok sa loob.

Sinalubong naman sila ng ina nila.

"Baby, I miss you so much." Niyakap siya ng kanyang ina.

"Ma, bakit po di kayo sa bahay umuwi?" bulong niya dito.

"Darling, kung hindi pa ako tinawagan kagabi ng tita Marcela mo, hindi pa namin malalaman ng papa mo na engaged ka na." tampo nito sa kanya.

"Magkakilala kayo ni Tita Marcela?"  Hindi siya sinagot ng ina niya dahil bumaling ito sa kasama niya.

"Ikaw na ba si Ken-ken? Ang gwapong-gwapo mo na."

"Ma," saway niya sa ina dahil niyakap nito si Ken.

"Hindi ba noon pa man sila na ang para sa isa't- isa." sabat ng ina ni Ken.

"Iba talaga ang tadhana kung kumilos diba bestfriend?" ani ng ina niya.

"Parang kami lang ng hubby ko. Bagay na bagay talaga sila." sabi ng kanyang tita Marcela na parang nangagarap ng gising.

Doon nasagot ang tanong niya kanina sa ina kung magkakilala ang mga ito. Hindi lang pala basta lang magkakilala ang mga ito.

Nahihiya siya sa mga pinagsasabi ng ina niya. Alam niyang pulang-pula na siya. Gusto na niyang bumuka ang sahig at lamunin siya ngayon din.

Pero bago pa man lamunin siya ng sahig ay hinapit siya ni Ken palapit dito. Tiningnan niya ito ng masama pero ngumiti lang ito at ginawaran siya ng halik sa noo. Kikiligin na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Parte lang iyon ng pagkukunwari.

"You're cute when you are blushing. It's turn me on." bulong nito sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya mapigilan na hindi kiligin.

"Ohh, so sweet." Doon siya natauhan. Lalayo sana siya pero hindi siya nito hinayaan.

Nagwawala ang puso niya sa oras na iyon. Alam niyang may katapusan ang bawat simula. Pero bago iyon magtapos sisiguruhin niyang magiging masaya ang katapusan na iyo.
She will make him fall in love to her the way she is and that's a promise!


Captivate Attraction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon