She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5

18.4K 211 53
                                    

Chapter Four

Lianne's POV

On the way kami ngayon ni Mark papuntang university. Kukuha ako ng schedule ko at ihahatid niya lang ako tapos pupunta siya sa interview niya. Sabi ko nga, huwag na niya akong ihatid, kaso mapilit ang dakila kong boyfriend. Kaya 'ayan, nagpahatid na lang din ako. Sweet, eh.

Mabagal ang takbo ng mga sasakyan. Traffic na naman. Naalala ko tuloy iyong nangyari noong nakaraang naipit din kami sa traffic. That anticipated kiss!

Sayang!

Tumingin ako kay Mark at nakita ko ang nakakunot niyang noo. Mukhang naiinip na siya sa traffic katulad ko. Ibinalik ko ang tingin sa unahan namin. Slow motion talaga ang usad ng mga sasakyan. Nakakaantok.

Matutulog na lang saan ako nang naramdaman kong may mainit na palad na pumatong sa kamay ko. Lumingon ako kaya Mark. Kami lang naman ang nandito sa sasakyan, malamang kamay niya iyon.

"Bored?" tanong niya.

"Not really," sagot ko na may kasama pang pag-iling. "Medyo inaantok lang ako."

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa harap at isinadal ako ang ulo ko sa head rest ng seat, saka ako pumikit.

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Then I felt him entwined his fingers with mine. Napangiti ako habang nakapikit pa rin.

"Why are you smiling?" narinig kong tanong niya.

Gosh... Nakatingin pa rin pala siya sa akin?!

Nahiya naman ako kaya humarap ako sa bintana ng kotse. Feeling ko kasi, mukha akong hinog na kamatis sa sobrang pula ng mukha ko dahil ramdam ko ang pag-iinit niyon.

I heard him chuckled. Iyong mahinang tawa na naman niyang parang nang-aakit. Ewan ko talaga kung nang-aakit ba talaga ang tawa niya o sadyang naaakit lang talaga ako! Tsk!

Hindi ko na lang siya pinansin. Gusto ko na lang talaga matulog, ang kaso, nililikot niya ang kamay ko! It's like, he's writing something on my palm. Nakakakiliti na makati sa kamay pero hinayaan ko lang siya. Busy ako sa pag-intindi kung ano ang isinusulat niya roon para pansinin ang pagkakiliti at pangangati ng palad ko.

Maya-maya ay binitawan niya na rin iyon. Umandar na kasi ulit ang mga sasakyan sa harap namin.

Asar lang. Hindi ko man lang na-gets kung ano iyong sinusulat niya sa palad ko. Dapat pala binigyan ko siya ng ballpen para mabasa ko kung ano'ng sinulat niya.

Pero gosh... I'm really enjoying the traffic! Dahil sa pakikipag-holding hands nagustuhan ko ang traffic? This is weird.

Being in love is really weird.

Nakarating kami sa school at mukhang ako yata ang late ngayon sa aming apat. Ako yata ang masesermunan ni Myleen ngayon. Siyempre gagantihan niya ako sa panenermon ko sa kanya noong nakaraan.

"Bye, Babe," paalam ko sa kanya and I kissed him on his cheek.

I'm such a sweet girlfriend.

"Bye! Be good," paalam niya rin na may kasama pang bilin.

Ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na ako ng kotse, then I head towards our meeting place, sa study area ng second floor sa building ng business administration.

Nang makarating ako ay nandoon na nga ang tatlo kong magagandang kaibigan na naghihintay sa kagandahan ko. Tracy is not with her boyfriend which is very unusual. Pero dahil magbo-boy hunting kami, hindi talaga siya puwedeng sumama. Of course, kahit naman seryoso si Tracy sa kanya, hindi pa rin magpapahuli ang bruha sa mga ganoong bagay.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon