Chapter Thirty-Eight
Lianne's POV
Dinala ako ni Renz sa MOA! O.A. na kung O.A. pero hindi talaga ako bumibitaw sa pagkakakapit ko sa braso niya. Mahirap nang maligaw ako at hindi makauwi.
Ang sabi ko naman kasi sa kanya, sa malapit na mall na lang kami pero ayaw niya. Choosy ang lolo ko. O baka sinadya niya lang talaga para hindi ko siya takasan.
"Best, ano ba?!" Pumiksi siya sa pagkakakapit ko sa braso niya pero hindi ako bumitaw. "Para ka namang tuko kung makakapit, eh," reklamo niya pa.
Ang ganda ko namang tuko. Pero dahil kailangan kong mag-behave dahil baka iwanan niya na lang ako bigla dito, nag-pout lang ako. Irap naman ang isinukli niya sa akin.
Ngumiti ako nang maalis ang tingin niya sa akin. He called me 'Best.' Ang tagal ko ring hindi narinig iyon sa kanya and I missed it.
"What do you want to do?" tanong niya sa akin maya-maya.
"Uhm... eat?" Of course, what else do I want to do? Siyempre, bubusugin ko muna ang tiyan ko bago kami mag-iikot-ikot para may energy.
"Where?"
"Old place." I beamed.
"Ayaw mo mag-fine dine?" tanong niya na halatang hindi niya gusto sa gusto kong kainan.
"Eh..." I stamped my feet. "Sa McDonalds ko lang gusto kumain."
"I just want to remind you that this is a date and—"
"What's wrong with McDonalds?"
"We are on a date—"
"And I am your date and I want to eat at McDonalds," I said with finality.
"Fine!" suko na niya sa pakikipagtalo.
I beamed again. Wala akong balak na gawing seryoso ang date na ito, so kanina pa lang ay naisip ko nang gawin lang ang mga usually naming ginagawa kapag lumalabas kami. Katulad na lang ng pagkain namin noon sa McDonalds dahil tinitipid niya ako parati.
Nakarating kami sa McDonalds. He ordered food and I looked for a table for us. Habang naghihintay ako sa kanya at sa pagkain, pinag-iisipan ko na kung ano ang mga itatanong ko sa kanya at paano ko siya mauusisa.
Siguro sisimulan ko na lang sa pagkukuwento like we usually do after a long day, may it be full of stresses or happy moments. I missed those times already. When was the last time we did that? Noong bago pa yata kami pumunta sa Boracay. Matagal-tagal na rin iyon, ha? Ang dami ko nang na-miss ikuwento sa kanya at siguradong ganoon din siya.
Dumating si Renz dala ang sandamakmak na pagkain—actually, fries lang naman talaga ang marami. Nag-umpisa kaming kumain nang walang nagsasalita. Nakakapanibago. Hindi naman kami ganito. Noon pagkaupo niya pa lang, pareho na kaming may sinasabi.
"Uhm... Renz," basag ko sa katahimikan. Mukha kasing wala siyang balak magsalita.
Tumingin siya sa akin pero hindi pa rin nagsalita. Parang gusto ko na lang mapabuntong-hininga at manahimik na lang, pero wala akong mapapala kung sasabayan ko lang siya sa pananahimik.
"How's life?" I asked, smiling.
His shoulder squared. "Nothing important."
Dead air. End of conversation agad. Ang ganda naman kasi ng sagot niya.
Pero huwag ka agad susuko, Lianne! I encouraged myself.
"How about Wendy?" tanong ko ulit.
Iyon lang ang naisip kong topic na latest sa buhay niya na makakakuha sa atensyon niya. At hindi nga ako nagkamali dahil napatigil siya sa pagkagat sa burger na kinakain niya.
BINABASA MO ANG
♡ Playing Love Games ♡
Novela Juvenil"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with us. And we don't know when the perfect time is for us again." ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED...