Chapter Nineteen
Lianne's POV
"Where are we?" tanong ko agad pagkahinto ng kotse ni Mark sa tabi ng puno sa isang open field.
"We are here in 'bring me anywhere, I don't care'," he mimicked what I said a while ago at inilahad niya pa ang magkabilang braso niya.
Bakit ba kasi nagtatanung-tanong pa ako? Alam ko namang wala siyang isasagot na matino sa akin dahil hindi yata siya mauubusan ng kapilosopohan ngayong birthday niya. Kahit ano yatang sabihin ko ay may pang tapat siya.
Hindi na lang ako nagsalita ulit. Binuksan ko na lang ang pinto sa tabi ko at lumabas ng kotse. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin kaya napayakap ako sa sarili ko habang naglalakad papunta sa unahan ng kotse.
Lumabas din si Mark at sumunod sa akin. Umupo siya sa hood ng kotse.
"Umupo ka. Baka tumangkad ka n'yan," utos niya sa akin na may halong pang-aasar pa rin.
Iyong feeling na kanina niya pa ako inaasar? Hindi ko malaman kung seryoso ba siya sa sinabi niya kaninang, 'let's make things up now.' Nakakapikon lang. Tapos ang sakit na rin ng mga kamay ko kahahampas sa kanya.
Hindi ko na lang ulit siya kinibo. Tiningnan ko na lang kung malinis ba 'yong uupuan ko.
"Malinis 'yan. Nagpa-car wash lang ako kay Renz," pagyayabang niya pa.
"At kailan pa naging car washer ang propesyon ni Renz?" taas-kilay kong tanong habang umuupo sa tabi niya.
"Noong isang gabi lang. Pagkatapos niya akong gawing punching bag," seryosong sagot niya.
Nang tumingin ako sa mukha niya ay seryoso pati ang ekspresiyon niya. Ang galing lang. Nagpabugbog siya para lang may taga linis ng kotse niya?
"Kaya ka nagpabugbog para lang may maglinis ng kotse mo? Hindi ka naman kuripot n'yan?" sarcastic kong sabi.
Tumingin din siya sa akin. "Bakit? Nag-alala ka ba no'ng nakita mong binubugbog ako ni Renz?" Nangingiti siya pero pinipigilan niya.
"S'yempre! Kawawa naman 'yong kamay ni Renz. Malamang nasaktan din 'yon. Tsaka kawawa rin 'yong mga damong binagsakan mo." Huh! Akala niya, ha!
Nawala ang pinipigil niyang ngiti. "Hay..." Humawak siya sa tapat ng puso niya. "'Lagi mo na lang ba akong sasaktan?"
"Alam mo, ang O.A. mo kanina pa," natatawa kong inirapan siya. Ang O.A. kasi talaga!
Tumawa rin siya tapos humiga siya at hinawakan na naman ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay inilagay niya sa likod ng ulo niya. Itinaas niya pa ang isa niyang paa. Para lang siyang nagsa-sun bathing sa ilalim ng buwan. Moon bathing? Iyon yata ang dapat na itawag.
"What are you thinking?" tanong niya maya-maya habang nakatingin sa langit.
"Ang kamay ko na hawak mo na naman."
Pareho kaming tumingin sa mga kamay namin. I entwined our fingers. Kanina ko pa gustong gawin iyon pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kasi hindi ko na siya bitawan. At ngayong nagawa ko na iyon, I felt like it fills the emptiness in me.
"Baka kasi mawala ka." Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "Baka sumakabilang-bahay ka na lang bigla. Buti sana kung sa bahay ka lang namin sasakabilang-bahay. Eh, may option ka pang isa sa harap ng bahay niyo. Doon sa Intsik mong manliligaw. Mahirap na."
"Baliw ka talaga." Natatawa na naman ako sa mga sinasabi niya. Kanina puro inis ngayon naman ay puro tawa?
"Okay lang naman mabaliw." Ngumiti siya. "Basta sa'yo lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/682360-288-k951577.jpg)
BINABASA MO ANG
♡ Playing Love Games ♡
Novela Juvenil"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with us. And we don't know when the perfect time is for us again." ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED...