Still Playing ♡ Chapter 14 & 15

13.9K 172 26
                                    

Chapter Fourteen

Mark's POV

"Mark, nasaan ba ang kapatid mo? Bakit hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon?" tanong sa akin ni Mama.

May kapatid ba ako? Akala ko only child ako? Tss... ang lintek na Renz na 'yon?! Namumuro na siya sa akin! Kapag nakita ko ulit ang pagmumukha niya, babangasan ko siya! Lahat ng sinasabi ko sa kanya noong nakaraan ay ibinabalik lang niya sa akin. Kundi ba naman abnormal ang isang iyon!

Maganda na sana ang buong linggo ko kahit pinagsusungitan ako ni Lianne noong Lunes kung hindi ko siya nakita sa unit ni Lianne. At mukhang doon pa siya natutulog! Lintek talaga! Baka bigla na naman siyang topakin at pormahan na naman si Lianne. Idagdag na ang isa pang lintek na si Ejhay! Ang aga-aga umakyat ng ligaw! Intsik ba talaga siya?

Gusto ko lang namang makita si Lianne tuwing Lunes para gumanda ang buong lingo ko dahil hindi ko na siya araw-araw nakikita. Pero ang dalawang unggoy na iyon, mga panira! Kahit pa nga pinagsungitan lang ako ni Lianne ay okay lang basta wala sila sa landas naming dalawa!

"'Ma, hindi na raw siya uuwi," walang gana kong sagot. Nagugutom na kasi ako at kanina pa ako nag-aabang sa bini-bake ni Mama. Nakakagutom mag-isip kung paano ko aalisin sa landas namin ang dalawang lintek na iyon.

Narinig kong bumuntong-hininga si Mama. "Ang batang iyon talaga..." Then she sighed again.

Pati tuloy ako napabuntong-hininga na rin sa pagkainip sa paghihintay ng pagkain. Gusto ko nang sabihin kay Mama na bilisan mag-bake pero dahil mabait na anak ako—hindi katulad ni Renz na palaging pinag-aalala ang mga magulang namin—ay hindi ko iyon ginawa.

"Baka nagpapabaya na ang batang iyon ng sarili niya..." nag-aalalang sabi pa ni Mama.

"Mama..." nagugutom na po ako, gusto ko na talagang idugtong iyon pero iba ang sinabi ko. "Hindi na bata ang bunso mo. Ang laki-laki na ni Renz. Kaya na ngang gumawa ng bata—aray ko, 'Ma!" Tinuktukan ako ni Mama ng measuring cup na hawak niya.

"Ikaw talagang bata ka... puro ka kalokohan!" May irap pang kasama iyon. "Pumapasok ba 'yon palagi? Baka puro bulakbol lang ang ginagawa..."

"Sinabi mo pa, Mama..." sang-ayon ko at nagugutom na talaga ako.

"Ano?!" Napaharap pa sa akin si Mama.

"Ha?" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Mama. "Hindi po nag-enroll si Renz, 'Ma," gulat ko pa ring dagdag.

"Hindi nag-enroll?!" ulit ni Mama sa mas malakas na tinig.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at iniharap ulit sa bini-bake niya. "Kalma lang, 'Ma..."

"Anong kalma?! Bakit hindi nag-enroll ang kapatid mo?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?! Anong ginawa niya sa pera na tina-transfer ko sa account niya?! Winawaldas niya lang?! Ano'ng pumasok sa kokote ng kapatid mo at nagloloko ngayon?!" sunud-sunod niyang tanong at hindi ako makapag-isip ng matinong sagot dahil sa gutom.

"'Ma, wala akong alam doon. Tsaka—"

"Anong wala kang alam?!" Tinuktukan na naman niya ako ng hawak niyang measuring cup. "Wala kang pakialam sa kapatid mo?! Ikaw ang mas matanda, dapat alam mo kung ano'ng ginagawa ng kapatid mo! Anong klaseng kuya ka?!"

Ouch... "Mama—"

"Alam mo namang pasaway ang kapatid mo kaya dapat ay ginagabayan at pinagsasabihan mo siya! Hindi mo ba naaalala na muntikan nang hindi maka-graduate ng high school ang kapatid mo dahil nag-cutting at nag-swimming kasama ang mga barkada niya?! At iyong nangyari noong muntik na siyang makasagasa dahil nag-drive ng lasing!"

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon