She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44

16.3K 170 31
                                    

Chapter Forty-Two

Lianne's POV

Four days na lang...

"Be my girlfriend for two months."

Naalala ko pa nang sabihin ni Mark sa akin iyan. Nakakatawa dahil pinatulan ko siya. Ang baliw lang talaga niya pero alam ko mas baliw ako sa pagpatol sa kanya.

Five days from now, two months na kami.

Pero ang hindi ko alam kung aabot pa nga ba kami ng two months. Wala naman kaming problema. Ako lang talaga, eh... ako lang talaga itong magulo. Kasi naman...

"And second, we'll find happiness by giving it to the ones we love."

Aish! Nanaginip lang naman ako noong isang kagabi, 'di ba? Hindi ko nakausap si Ejhay. Wala siyang sinabi sa akin. Tulog lang ako ng gabing iyon at hindi ako lumabas ng bahay.

O, sige... mag-deny ka pa, Lianne! Hayan nga at nandiyan pa rin ang ebidensiya sa braso mo, o. Nagkapasa ka sa pagkurot mo sa sarili mo at hanggang ngayon hindi pa rin nawawala!

Napasimangot ako.

Hay... ano ba itong ginawa ko sa sarili ko? At ano ba itong mga iniisip ko? Puwede ko namang sabihin kay ate na kami na ni Mark, 'di ba? For sure maiintindihan niya naman iyon, eh. Mabait siya at siguro naman ay reasonable din siya.

But that's the thing... mabait si ate Hannah. Kaya kahit masasaktan siya, sasabihin niyang okay lang siya at magpaparaya na naman siya para sa akin. Kaya ko pa rin bang gawin iyon sa kanya? Lalo na ngayon na nagiging close na kami, parang hindi ko yata kayang magkaroon na naman ng pader sa pagitan namin na ako rin ang may gawa noon.

Pero... paano naman ang nararamdaman ni Mark?

Agh! Ejhay! Kasalanan mo ito!

Kasalanan niya kung bakit ako naguguluhan ngayon! Pero naguguluhan naman na talaga ako bago pa man kami nagkausap, 'di ba? At kinumpirma lang ni Ejhay ang nasa utak ko na gagawin. Hindi lang talaga mapapayag ng utak ko ang puso ko.

My heart says, Mark is mine and it doesn't want to let him go. But my head says otherwise.

Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Nananakit kasi ulo ko kakaisip at kulang rin ako sa tulog nitong mga nagdaang gabi.

Hay... Ejhay, bakit ba kasi ang pogi mo?

Ay? Ano ba 'yon? Bakit biglang ang kapogian ni Ejhay ang pumasok sa isip ko? Sobrang ang gulo talaga ng utak ko, ano?

Nawala lang ang kaguluhan at kalandian sa utak ko nang marinig akong katok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, male-late ka na. Hindi ka pa ba babangon?" si Mommy ang nasa labas ng pinto.

Gusto ko sanang tumayo para lumabas na ng kuwarto ko pero nang gumalaw ako ay kumirot ang ulo ko at medyo nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na pinilit pang tumayo. Baka matumba na naman ako at madala sa ospital ng wala sa oras katulad noong nakaraan.

"Mom, ang sama po ng pakiramdam ko," medyo paos pa ang boses ko. Pagkatapos ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang footsteps ni Mommy papalapit sa akin. Hindi ako kumilos at hinintay ko lang siya na makalapit.

Naramdaman ko ang paupo niya sa gilid kama ko. "Anong masakit sa 'yo, anak?" tanong niya kasabay ng pagdampi ng kamay niya sa leeg ko. "Mainit ka. Sandali lang at ikukuha kita ng pagkain at gamut," nag-aalala niyang dagdag.

Lumabas na ulit si Mommy ng kuwarto at bumalik din kaagad wala pang limang minuto.

"Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot," sabi niya at narinig ko ang paglapag ng tray sa side table.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon