Bet Your Heart ♡ Chapter 13

24.1K 262 66
                                    

Chapter Thirteen

Mark's POV

I watched Lianne while floating in the pool. She's wearing yellow pair of swimsuits that fits her model like body. Bagay sana siya maging model kung tumangkad pa sana siya ng mga ilang inches. Pero maganda na din na ganyan siya kaliit. Ayokong mag-model siya. Kasi... basta ayoko lang.

Siya lang ang tao sa pool ng hotel na tinutuluyan namin at feel na feel niya talaga ang pagpo-floating sa pool.

Hindi ako nakuntento sa pagtingin sa kanya mula sa bintana ng kwarto naming ni Renz kaya naisipan kong bumaba.

Heto na naman ako... sa lahat na lang ng oras gusto ko siyang makasama. Nararamdaman ko na ito dati pa. Ang native na ng feeling na ito sa akin. Pero hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit gusto kong palaging malapit sa kanya.

Ewan! Basta gusto ko siyang makasama palagi. Parang daig ko pa nga yata iyong naglilihing babae ngayon at napili kong paglihian si Lianne.

Hay... siguro attracted ako sa kanya. Pero ewan ko talaga! Ang alam ko lang gusto ko itong nararamdaman ko.

Psh! Ano ba? Hindi ko nga alam kung ano ba itong nararamdaman ko at kung bakit ko ba siya gustong makasama palagi, 'tapos gusto ko itong pakirandam na ito?

Ang gulo lang.

Nakarating ako sa pool area at umupo ako sa poolside. Nagpo-floating pa rin si Lianne habang nakapikit.

And I just found myself smiling while looking at her.

∞∞∞

Lianne's POV

Hay... ang sarap magbabad sa tubig, nakaka-relax. Idagdag pa na ako lang ngayon ang tao dito sa pool area. Walang makakaistorbo sa pagre-relax ko.

Nakakawala ng problema ang relaxation na dulot ng tubig. Ang sarap. Lasang chocolate. Char!

Pero medyo nilalamig na rin ako dahil kanina pa nakababad sa tubig. Lagpas dalawang oras na siguro. Kaya minabuti kong umahon na bago pa ako mapulmunya.

Nagmulat ako ng mata at lumangoy papuntang pool side para umahon. Nang makaahon ako, may napansin akong tao sa kabilang gilid ng pool at hindi ko inaasahang si Mark ang makikita ko.

Napasimangot ako.

Ano naman kayang ginagawa niya rito? Nagtatanggal pa lang ako ng stress tapos nasa paligid lang pala ang nagbibigay sa akin ng stress. Tsk!

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso lang ako sa pool bed na hindi kalayuan sa mismong pool. Umupo ako roon at hinanap ang dala kong lotion para mag-apply sa katawan ko. Nakaka-dry kasi ng balat ang tubig sa pool at medyo nakakaitim din dahil sa chlorine na nakahalo sa tubig.

Pero hindi ko makita ang hinahap. Alam kong dala ko iyon kanina nang bumaba ko dito at ipinatong ko dito kasama ng towel ko. Pero towel na lang ang narito ngayon. Saan naman kaya napunta iyong lotion ko? May nagnakaw? Pero wala naman sigurong nakakapasok na magnanakaw rito, 'di ba?

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa paligid pero wala talaga akong nakita. Nalunod na yata sa pool? Ay, naku naman, o! Kainis naman. Saan na napunta iyon?

"Lotion?"

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko at siyempre, si Mark ang nakita ko. Siya lang naman at ako ang nandito, eh. Sino pa ba ang aasahan kong magsalita maliban sa sarili ko? Alangan iyong mga halaman sa paligid.

Nakita kong hawak niya ang bagay na hinahanap ko nang nakalapit na siya sa akin.

Nasa kanya lang naman pala! Nakakaasar itong lalaking 'to! Napaka pakialamero!

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon