Chapter Ten
Lianne's POV
Hindi ako mapakali. Pabalik-balik akong naglalakad sa apat na sulok ng kwarto na para bang inahing hindi mapaanak.
Ekk! Ano ba naman iyan? Ang ganda ko namang inahin!
Tumigil ako sa paglalakad sa tabi ng bintana at napabuntong-hininga ako.
Pagkatapos ng usapan kanina, nagpaalam ako na magpapahinga na lang sa room ko. Ayokong sumama sa kung saan man sila mamamasyal ngayon dahil kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang pinagpaplanuhan nilang kasal namin ni Mark.
Hindi kami pwedeng makasal! Hindi ako papayag! Mas mabuti nang tumandang dalaga kaysa makasal ako sa lalaking hindi ko mahal. OA na kung OA pero hindi talaga ako papayag.
Oo na, playgirl ako pero kahit ganoon ako, may pagka-hopeless romantic pa rin naman ako. At magpapakasal lang ako lalaking mahal ko at gusto kong makasama habang-buhay.
At si Mark pa ang makakasama ko habang-buhay? Eh, sawang-sawa na nga ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos na nakikita at nakakasama ko siya, eh! Dahil puro pang-iinis at pang-aasar lang naman niya ang napapala ko. Huhu! Kaya hindi ko talaga siya pwedeng makasama habang-buhay. Mamamatay ako agad sa inis at asar sa kanya!
Grabe, ano ba ang nangyayari sa buhay ko? Ano'ng nangyayari sa mga parents namin at naniwala sila kay Mark? Kay Mark na siraulo. Bakit hindi sila makinig sa akin? Ganoon na ba sila kadesperado't desperada na maging isang pamilya kami?
Kanina nga, bago ako makapunta dito sa room ko, kung anu-ano pang conclusion ang nasa isip nila.
∞∞∞
"Mom, hindi na muna ako sasama. Medyo masama po kasi pakiramdam ko, eh," paalam ko nang matapos na kaming kumain at may ilang sadali nang nagpapahinga.
"Ah, ganoon ba, anak? It's okay. Sige, magpahinga ka na lang sa room mo," pagpayag naman ni Mommy.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas, makakagawa ako ng plano kung paano ko lulunurin sa dagat si Mark mamaya! Joke! Pero sana nga, pwede kong gawin iyon. Pero maldita lang ako at hindi mamamatay-tao.
"Naku, anak!" singit naman ni Tita Belle. "Nararamdaman mo na yata ang mga signs," dagdag pa niya na parang tuwang-tuwa.
Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko ma-gets kung ano ba ang sinasabi ni Tita. "Signs?"
"Oo, anak," nakangiting sagot naman ni Mommy at hinaplos pa ang buhok ko. "Ganyang-ganyan din ako noong ipinagbubuntis kita."
Buntis?! sigaw ko sa isipan ko at nanlaki na lang ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano ang iniisip nila.
Buntis?! Sino?! Ako?!
Ay, hindi. Baka si Mark ang buntis! sagot naman ng isang parte ng utak ko.
Shoot! Hindi naman ako buntis!
"Naku, Lea, mukhang maaga-aga tayong magkakaapo," tuwang-tuwa pang sabi ni Tita Belle kay Mommy.
"Oo nga, Belle. Ang bilis lang talaga ng panahon. Parang kahapon lang, tayo ang nagbubuntis sa mga anak natin. Pero tingnan mo ngayon, ito Lianne ko at Mark mo naman ang mag-uumpisa," sagot naman ni Mommy kay Tita Belle.
Tuwang-tuwa silang dalawa. Habang ako... jeez! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi nila! Huhu!
"Mommy, Tita—"
"Anak, call me Mama Belle, okay?" putol ni Tita Belle sa pagsasalita ko. "Masanay ka nang ganoon ang tawag sa akin, anak."
"Ah... eh..." Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang wala akong maisip na sasabihin. Hindi naman ako makatanggi dahil baka magtampo si Tita sa akin.
BINABASA MO ANG
♡ Playing Love Games ♡
Novela Juvenil"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with us. And we don't know when the perfect time is for us again." ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED...