Bet Your Heart ♡ Chapter 7

27.7K 296 57
                                    

Chapter Seven

Renz' POV

Shit! What was that? hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.

Naihilamos ko sa mukha ang palad ko. Gusto kong isipin na namalik-mata lang ako. Pero...

I really saw her kissing my brother! And yeah, it's creeping me out because I am jealous, for Pete's sake, kahit hindi naman dapat!

Alam ko na wala akong karapatan na magselos. Sa katunayan, ako pa nga itong palaging nang-aasar sa kanila, 'di ba? Pero ang totoo, ako talaga ang may gusto sa best friend ko!

At hindi lang simpleng pagkagusto iyon.

Mahal ko na si Lianne simula pa noong mga bata kami. Hindi ko lang inaamin dahil natatakot ako. Hindi ko lang pinapahalata at ayaw ko ding ipahalata sa kahit kanino! Ayoko namang magkasira kami nang dahil lang dito sa nararamdaman ko.

Pero hanggang kailan ko ba itatago itong nararamdaman ko?

Front ko lang naman talaga 'yong pang-aasar ko sa kanilang dalawa. Kasi alam kong malabong magkagustuhan sila. Pero sa nakita ko kanina...

Pumikit ako at pinilit kong alisin ang imahe na nakita ko sa loob ng kwarto ni Lianne.

She kissed my brother...

Ang sakit lang sa mata pero mas masakit sa dibdib. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, hindi ko na lang sana sila iniwang dalawa kanina. Pero nang nakita ko kasi sila kanina na halos magkayakap, nag-init kaagad ang ulo ko at umiwas na lang ako para maitago ko ang pagseselos ko.

Kung aminin ko na kaya sa best friend ko na mahal ko siya? But, no! Hindi puwede. Siguradong magagalit siya sa akin and worst, baka masira pagkakaibigan namin.

Argh! Nakaka-frustrate naman itong buhay ko!

Heto tuloy ako ngayon, naglalakad pabalik sa bar. Magpapakalunod sa alak hanggang sa mawalan na lang ng malay.

Dalawa lang naman ang pagpipilian ko... ang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko na alam kong makakapagpabago sa pakikitungo niya sa akin o mas piliing huwag ipaalam ito sa kanya at ibaon sa limot ang lahat para maibaling sa iba ang pagtingin.

∞∞∞

Lianne's POV

Aww! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkirot niyon. Gusto ko sanang bumangon pero pati ang buong katawan ko ay masakit din. Para akong binugbog ng sampong amasona.

Grabe naman itong hangover na 'to?! Ang konti lang naman ng nainom ko kagabi, ah? Bakit parang sobra naman ang epekto sa akin ng alak na ininom namin ni Mark?

Hindi ko na pinilit ang sarili ko na tumayo. Pumikit na lang ulit ako pero hindi para matulog, nagre-relax lang muna ako. And as I closed my eyes, may naalala ako... ang napanaginip ko kagabi.

Napadilat ulit ako at awtomatikong napahawak ako sa mga labi ko.

Sa panaginip ko, hinalikan ko daw si Mark sa lips. Ewan ko ba? Para kasing totoo. Pero imposible naman mangyari iyon, ano?!

Asa naman siyang hahalikan ko siya! At bakit ko naman gagawin iyon, 'di ba?

Iyong mga naging boyfriend ko nga, hindi ko hinalikan at never din akong nagpahalik sa kanila sa labi, eh. 'Tapos siya hahalikan ko? Eh, hindi ko naman siya totoong boyfriend!

Duh! Sinuswerte naman yata siya kung ganoon?!

Inaalala ko pa din ang panaginip ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kahit ayaw ko pang bumangon dahil nga sa mabigat ang katawan ko, pinilit ko nang tumayo sa higaan.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon