An Official Affair

3.8K 13 1
                                    

CHAPTER ONE

Ngingiti-ngiti pa si Hyacinth habang kipkip sa isang brown envelope na nilalaman ang kaniyang twenty-five thousand pesos na napanalunan niya sa lotto. Ilang gabing tinayaan niya sa lotto ang mga numerong iyon at tila isang panaginip lamang ng manalo nga siya ng nagtumataginting na twenty five thousand pesos.

   Noong una ay hindi siya makapaniwala na nanalo siya sa lotto. Parang lumilipad pa sa hangin ang kaniyang pakiramdam hanggang ngayon.

   Naroroon siya sa isang banko kung saan balak niyang i-invest ang kaniyang napanalunan. Balak niyang mag-impok para sa kaniyang munting negosyong matagal na niyang nais itayo. Buhat ng manalo siya ng ganoon kalaking halaga ay parang nangangati na ang kaniyang mga kamay na gastusin ang perang iyon. Wala siyang trabaho ng mga sandaling iyon dahil nainis siya sa pinagtatrabahuhan niyang call center. Ang sabi kasi ng boss nila ay humina na raw ang Kompaniya kaya mag-li-lay off. At isa nga siya sa mga natamaan ng kamalasan. Binigyan naman siya ng separation fee subalit in-inevest niya lahat ng iyon sa kaniyang munting negosyo ang magpautang. Dealer siya sa mga direct selling companies tulad ng AVON, Natasha, Fullerlife, MSE, at napakarami pang iba.

   “Hold up 'to!” sigaw ng isa sa mga costumer sa loob ng banko. May inilabas itong isang baril at may mga kasama pa ito na apat na katao. Bale lima silang lahat. Dinamuhog ng kaba ang kaniyang dibdib. Para bang isa iyong eksena sa pelikula.

    Napahigpit ang hawak niya sa brown envelope na nakaipit sa kaliwang kili-kili niya. Wala sa sariling tumayo siya sa kaniyang kinauupuhan at pasimpleng naglakad palabas sa pintuan. Subalit hindi pa man siya nakakalapit sa pinto ay may sumundot na lamang na matigas na bagay sa kaniyang likuran. Napasinghap siya ng rumehistro sa utak kung ano iyon.

     “Saan ka pupunta?” tanong ng isang lalaking balbas sarado.

     Pumihit siya paharap dito hindi pa rin naiibsan ang kaba. “Na-si-CR po ako.” Palusot niya. Kahit ang sarili niya ay hindi niya kayang paniwalain sa palusot niya.

     “Wrong timing ka naman Miss. Nasa gitna tayo ng Hold-up-an saka ka pa naiihi.” Nagtawanan pa ang mga tao sa loob. Nais niyang batukan ang iba pang mga tao roon kabilang pa ang mga cashier dahil nagsitawanan pa ang mga ito na para bang joke-joke lang ang nangyaring iyon.

   “Ganoon ba? Naku, Sir.” Pumalatak pa siya saka bahagyang inilayo sa tagiliran niya ang hawak nitong baril. “Huwag naman kayong magbiro ng ganiyan. Baka makalabit niyo ito at pumutok.” nilangkapan niya pa ang sinabi ng pagak na tawa. Bahagyang inilayo niya sa katawan ang nakausling baril.

    “Miss, baka gusto mong paputukin ko ito sa iyo.” Namayani ang tawanan sa loob ng bangko. Hindi siya ganoon ka LG (Low Gets) para hindi malaman ang ibig nitong ipahiwatig. “Ano? Kalian ka ba libre Miss, baka gusto mo ng date?”

   “A-je-je-je.”

   “'Ta mong babaeng 'to. O! Ano 'yang hawak-hawak mo?” tanong nito na sinubukang agawin sa kaniya ang kaniyang brown envelope.

    “'La 'to. Mga napkin. Gusto mo?” sarkastikong sabi niya.

     “Lokohin mo ang lelang mo.” Inagaw nito sa kaniya ang kaniyang kayamanan.

     Nais niyang maglupasay sa sahig at mag-iiiyak sa kamalasang nangyari sa kaniya. Pinanood na lamang niya ang lalaki habang binubuksan ang kaniyang envelope. Napamura ito ng matunghayan ang kaniyang nagtutumaginting na beinte singko mil.

    Shit, inaateke na naman siya ng kaniyang pagkapraning. Sumisikdo na naman ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba. She should keep her mouth shut baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niyang hindi kaaya-aya na magpapahamak sa kaniya.

An Official AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon