MASAYANG sinalubong si Hyacinth ng kaniyang mga ka-barangay pagka-uwi niya sa kaniyang inuupahan. Ang tuwang-tuwang Ruffa ang agad na sumalubong sa kaniya. Ang mga kapit-bahay niya ay may mga banner pang ginawa para sa kaniya na nakasabit sa mga kani-kanilang bahay. Ganito ang mga nakasulat doon: MABUHAY HYACINTH CAPINO!
Maluha-luhang tiningnan niya ang bawat isa. Alam niyang si Ruffa ang nagbalita sa mga ito na lumabas siya sa tv. Malamang hindi nakita ng mga ito na lumabas siya sa tv dahil halos lahat ng mga ito ay sa GMA nanonood. Ang nag-interview sa kaniya ay reporter ng TV Patrol. Kaya sa ABS-CBN siya makikita.
“Thank you very much!” pinahid niya ang mga mata, as if naman may luhang bumagsak doon.
“Naku, mare, sikat ka na. Pa-autograph nga.” Sabi ni Ruffa.
“Pautang naman diyan.” Sabi naman ng isa.
“Pa-Jollibee!”
“Magpa-fiesta ka na rin!”
“Kailan ba shooting mo?”
“Magkano suweldo mo?”
“Sino ang manager mo?”
“Puwede bang ako na lang ang manager mo?”
“Ako make-up artist.”
“Ako hairstylist.”
“Ako driver.”
Parang mabingi siya sa mga kabaranggay niya. “O, sige. Kayo na lang ang mag-artista.”
“Naku, mare. Ang galing-galing mong mag-speech kanina sa tv, ah.” Puri sa kaniya ni Ruffa, ang totoo nitong pangalan ay Rudolfo Tecson. “In fairness, para kang Venus Raj.”
“Shuki! Hindi iyon acting. Nahold-up ako.” Sabi niya.
“Na-hold-up ka?!” bulalas ni Ruffa. Nagka-re-motion naman ang mga ka-baranggay niya. Parang chainmis ang mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, naririnig naman niya ang mga pinagsasabi ng mga ito.
“Eng-Eng! Napanood niyo siguro ako sa TV PATROL. Naku, na-interview lang ako doon.” Sabi niya. Hinagod niya ang buhok na bahagyang tumabing sa kaniyang mukha.
“False alarm lang pala.” Sabi naman ng isang intrimidita.
“Na-hold-up ka?” tumango siya. “So it means…chong na iyong anda?” tila nanghihinayang na pahayag nito.
“Tumpak!”
“Akala ko pa man din, may kapitbahay na tayong artista.” Nanghihinayang na pahayag ng isa.
“Fake lang pala….” 'tamo sa kaniya pa nagalit.
Daig pa nito ang nawalan ng isang bilyon sa hitsura nito. Siya nawalan lamang ng twenty-five pesos. Ito more than a billion. Napabuntong hininga siya. “Ruffa paano na 'yung dream parlor natin?”
“'Di chong na rin.” Sabay pang bumagsak ang mga balikat nila. Kung kanina ay na-over amplified siya ng interview niya sa tv, tila ngayon niya lang na-realize kung gaano kalaki ang nawala sa kaniya. It’s more than a twenty-five thousand pesos. It’s her dream-to-be.
Hindi nila napansin, unti-unti na rin palang nawala sa kanilang harapan ang mga people of the world. Nalaman lang ng mga ito na hindi naman pala siya artista ay parang m-in-agic na mag-disapear ang mga ito. Back to business na ang bawat isa. Inakbayan siya ni Ruffa saka naglakad na sila papasok sa loob ng kanilang inuupahan na dorm.
BINABASA MO ANG
An Official Affair
ActionPaano kung nagmahaal ka sa kabaro mo? BROMANCE? pero may natatagong lihim...sssshhh....