Chapter Five

644 5 1
                                    

NAALIMPUNGATAN si Hyacinth sa narinig niyang kaluskos sa loob ng kaniyag tinutuluyang kuwarto. Pagod na pagod kasi siya ng araw na iyon dahil sa kaniyang ‘solong’ pamamasyal. Pagkatapos kasing mag-instruct ni Anne ay binigyan kasi sila ng kanilang organizer ng libreng oras para mamasyal at nagtagal nga iyon ng buong araw. Siya naman ay mag-isang nilibot ang Subic at nag-window shopping. At buong araw din niyang hindi nakita ang kaniyang ka-roommate na iyon buhat ng paglabas nito ng pinto ng kanilang tinutuluyang hotel room.

     Sa una ay ininda niya ang kaniyang narinig na sa kaniyang tantiya ay guniguni niya lamang subalit ng muling marinig ang kaluskos ay hindi na siya nakatulog pa. naramdaman niya ang pag-ihip ng aircon sa kanilang kuwarto. Kinabahan siya. may multo yata sa kanilang kuwarto.

     Sa kaniyang pagkatakot ay nagtalukbong siya ng kumot at nagdasal ng makailang ulit. Nang muling maulit ang hindi na kaluskos kundio sa pagkakataong iyon ay kalampagan na ng mga gamit ay naghinala na siya. Di kaya’y masamang tao. Nilooban sila ng masamang loob. Nakakunot ang noong bumaba siya sa kaniyang kama at hinagilap ang kaniyang unan. Pupungas-pungas na bumagon siya. Dahan-dahang naglakad siya sa karimlan ng kuwarto. Hindi niya namalayang tumama siya sa isang bulto. Napahiyaw siya.

    “Rapist!” halos mapatid ang litid sa kaniyang leeg sa pagsigaw. “Ni-ri-rape ako! Tulong! Tulungan ninyo Ako!” nagsisitakbo siya sa kuwarto na kahit madilim ay hindi niya alintana kung anuman ang mangyari sa kaniya. Basta ang importante ay makalabas siya ng kuwartong iyon.

   “Huwag po mamang rapist! Huwag ninyo po akong gahasain.” Nagmamakaawang wika niya.

     Ngunit walang sumagot sa kaniya hanggang sa matapilok siya at natumba sa malambot na kama.. Lumikha iyon ng lagabong sa kamang kinabagsakan niya. Mabuti na lamang at nakasubsob ang mukha niya sa malambot na kama. Nais niyang mapahiyaw hindi dahil sa sakit kundi sa kahihiyan nang biglang nagsindi ang ilaw. Bumalot ang liwanag sa buong kapaligiran.

     Dahan-dahang umunot siya paupo hanggang sa matagpuan niya ang isang matipunong lalaking nakahubad-baro sa kaniyang harapan. Nakahalukipkip ito. And this gorgeous man is the rapist? She couldn’t believe it.

    “Johnny Depp, ikaw ba 'yan?” she bursted.

HINDI MALAMAN NI Magin kung magugulat o matutuwa sa babaeng nasa harapan niya, nakahiga mismo sa kama niya. Confirmed na nga ang kaniyang hinala, babae nga ang ka-roommate niya. aunthenticated and genuine. Alam niya iyon dahil sa hitsura nitong hindi matutumbasan ng isang Diyosa sa kagandahan. Kakaiba ang boses nito sa dating naririnig niya, it was loafully like music in his ears everytime she talk…her scream, panicking. Ang akala siguro nito ay may nakapasok na rapist sa kuwarto nila.

   Well, sino nga ba ang hindi makakapagkamalan siyang masamang loob. He didn’t even knock at the door nor turn the switc on. Basta lang siyang nagubad ng kaniyang mga damit then, he went to his bed. Hindi niya naman akalain na gising pa pala ito. It was already one in the morning.

     “What are you doing on my bed lady?” tanong niya habang nakahalukipkip sa harap nito.

     “Did you know I’m a girl?” bulalas nito. Then it comfirmed his thought. He was right, she was a girl all along. Kaya naman pala ganoon na lamang ang atraksiyon na nararamdaman niya rito. Ngunit may magagawa ba siya para mailayo ang puso sa unti-unting pagkahulog sa babaeng ito. Atleast, napatunayan niyang hindi siya natuluyang maging bakla.

   “You said it.” Sabi na lang niya. hindi na niya binanggit ang kaniyang naiisip. Bahala na ito sa kung anumang isipin nito. Pero sa kaniyang pagtataka ay nakamulgat lamang ito. “Wala ka bang balak umalis sa kama ko? I’m really tired and I wanna get my sleep.”

An Official AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon