Chapter Four

657 5 0
                                    

CHAPTER FOUR

NALULA si Hyacinth pagpasok niya pa lamang sa Hotel na gaganapan ng kanilang kauna-unahang activity. Ang orientation. Impressed siya sa kabuuan ng lugar. Napakaganda niyon kung ikokompara sa mga napasukan na niyang mga Hotels noon. Nasa Subic sila ngayon. Doon kasi idaraos ang Miss Galactica 2010.

       Kanina ay hinatid siya ni Ruffa sa main office ng Miss Galactica kung saan may naghihintay sa kanilang mga buses. Hindi na pinasama si Ruffa dahil marami raw itong aasikasuhin pero nangako ito sa kaniyang manonood at susuportahan siya nito sa Coronation night.

       Bahagya pa siyang kinakabahan baka mabuko siya na hindi naman talaga siya totoong bakla. Pero ang mas kinakabahan siya sa mga baklang nakapaligid sa kaniya. Ang tingin ng mga ito sa bawat isa ay mga kalaban at kakompetensiya. At isa siya sa umaani ng masasamang tingin mula sa mga ito.

    “Okay, Girls!” tawag ng isan bakllang nakasuot ng pink shirt na may naka impring na organizer sa likuran. Nagsitipun-tipon sila sa harapan nito. Nakatayo siya sa gawing gilid. “Good morning everyone!”

    “Good morning!” halos sabay-sabay na sabi nila.

     “By the way my name is Anne. As in Anne Curtiz.” Nilangkapan nito ng bahagyang tawa ang corney-ing joke nito. Nagsitawanan naman ang mga federacion. She didn’t find it funny pero nakitawa na rin siya para hindi siya OP. kahit pa mas kamukha ito ni Vice Ganda kaysa ni Anne Curtiz ay hindi na siya nagkumento pa.

    Sa kaniyang pagtawa ay bahagyang nahagip ng paningin niya ang isa sa mga contestants na nakatayo lamang sa gilid ng reception area ng hotel. Wearing that yellow fancy wig, naalala niya ito, he was the same guy she saw while she was going to leave the place. Hindi pa rin nagbabago ang expresiyon nito. Same serious but naughty expression. May pagkamysteriuos ito pero reluctant. Guwapo pero suplado. Sexy pero snob. How could she say different things in one guy. Weird.

       Maybe she’s a pervert! Palagi na lang niya itong pinapansin kahit na hindi ito nagpapapansin sa kaniya. She couldn’t help but to sigh. Nanghihinayang siya. Guwapo pa naman ito pero iyon nga lang…berde ang dugo.

     Saying ng lahi mo 'tol! Nais niyang sabihin dito.

          Mataman itong nakamasid sa paligid. Tila wala naman sa nagsasalitang bakla ang diwa nito. He was just standing there. All alone. Gusto niya sana itong lapitan at makipag-make friends pero baka ibahin nito ang meaning ng pakikipagkaibigan niya. Tulad na lamang ng isa sa mga mahaderang baklang ito. Ang akala siguro ay nakikipag-kaibigan siya sa isang iyon dahil gusto niyang ahasin ito. Iba na talaga ngayon ang ikot ng mundo. Pabaliktad.

       So she just decidfed to stand there. All alone.

    “Now let’s start the room sharing!” naagaw ni Anne ang kaniyang pansin. Room sharing so it means makiki-share siya ng room sa mga ito. No way! Paano kung mabuko siya kapag naghubad siya? Paano kungf manyakin siya? Pero hindi naman siguro mangangahas ang mga ito. Pare-pareho lang naman ang layunin nila sa buhay kaya malabong rape-in siya ng mga ito.

    “Let’s start with Ferdinand and Leo. Both of you are in room 401.” Simula nito. Parang mga tangang sabay-sabay pang nagtilian ang mga bakla. Hindi man lang ba nahihiya ang mga ito sa iba pang guests ng hotel? As what she expected. Malapit ng maubos ang mga tao sa reception dahil pagkasabi ni Anne ng mga kuwarto ng isa’t-isa ay nagsituluyan na ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto. Two occupants per room ang policy. Now she’s starting to bore. Ang tagal-tagal niyang matawag. At last there were only four of them. “Rudolfo and Magin. You are in room 415.”

    Napaangat siya ng tingin. Pangalan ni Ruffa ang tinawwag nito na pansamantalang pangalan na rin niya. Well, hindi ba naman oviuos ay pinayuhan siya ni Ruffa na maglagay palagi ng makapal na make-up at magsuot na rin ng red wig para walang makahalata ng tunay na kulay niya. Sa ganoon kasi ay nagmumukha siyang bakla so okay lang. makapal din ang mga damit na sinusuot niya to hide the curves. At lalong nakakatago sa kaniyang pagkababae ay ang makapal na eyeglasses na nakapatong sa kaniyang mga mata.

An Official AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon