PAGMULAT NI hyacinth ng mga mata ay lumarawan ang pagkalito sa kaniyang mukha. Hindi siya pamilyar sa karangyaang namulatan ng umagang iyon. taliwas sa kaniyuang inaasahang maliit na kuwarto ang mumulatan niya. that room is way too far from her room.
Ilang sandal pa ay rumehistro ang pagkakakilanlan sa lugar sa kaniyang utak. Oo nga naman pala, naroroon siya sa Subic dahil doon gaganapin ang Miss Galactica 2010 na sinalihan niya.
Nilinga niya ang silid, siya lamang ang naroroon kaya nag-init muna siya bago niya naisipang maligo. Sunod niyon ay dumiretso na siya sa kaniyang banyo para gawin ang dapat gawin. Ilang minuto pa ang lumipas ay tapos na siya at nakapaligo na rin. She put on her lovely red wig thick glasses and the very outrageous glittery dress. Nagmukha na naman siyang baklang betty la fea.
Lumabas na siya ng kaniyang kuwarto at tumuloy sa function hall. Doon kasi ginaganap ang kanilang opening sa umagang iyon at sa mga susunod pang umaga. Doon sila kumakain puwera na lamang kung may outdoor activities sila at napakalyo pa para umuwi.
Pagpasok niya roon ay marami na ang tao at nagsisimula ng magsikainan ng kaniya-kaniyang agahan ang mga Contestants. Kabilang siya sa table three dahil contestant number thirteen siya. of all numbers bakit siya pa ang pinalad na maging contestant number thirteen. 'Di ba malas iyon? She certainly hopes not.
“Good morning.” Bati niya sa mga kapwa contestants na busy sa pagkain. Kilala na niya ang mga ito. Ito kasi ang ka-group niya. nakaupo sila sa round table. Sa kaniyang kanan ay si Francis, “Fe” for short. Sa kanan naman nito ay si Lester, “Leslie” for short. Sa kanan naman nito ay si Michael, “Mitch” na lang daw. Sa kanan naman nito ay si Kenneth, “Kelly” for all. And obviously ang sa kaliwa niya si Magin, and she doesn’t know what to call him. Ito ang pinakaseryoso, pinakatahimik, at pinaka-“OP’ sa kanilang lahat.
Magsisimula na sana siyang kumain ng magsalita si Kelly. “Saan ba nagsuot itong ka-partner mo, ha, Hyacinth?”
“Anong ibig mong sabihin?” ang tinutukoy nitong kapartner niya ay si Magin na tila walang naririnig at kumamakain lamang. Ang motto siguro nito ay ‘MIND YOUR BUSINESS’.
“Kahapon hyindi naming siya nakita. Saan ba siya nagpunta?” si Leslie ang nagsalita.
Napakunot noo sioya. Maging siya ay hindi rin alam kung saan nagpunta si Magin. Teka bakit siya ang tinatanong ng mga ito? Nandiyan lan naman si Magin bakit hindi na lang tanungin ng mga ito. Iyon ang sinabi niya. “Ayan si Magin ,o, bakit hindi niiyo siya tanungin?”
“Ikaw na lang magtanong sa kaniya.” Si Fe na hindi man lang siya binaluingan ng tingin.
In one second alam na niya kung bakit. Marahil ay kanina pa siguro sinubukang kausapin nito ang lalaki ngunit kanina pa ito hindi sumasagot. Maging siya ay nahirapan rin namang kausapin ito. Naku, kung hindi nga lang siya… natigil siya sa akmang pagsasalita ng may maalala siya. and it was last night. Totoo ba ang nangyari kagabi o bahagi lamang iyon ng panaginip niya.
Hindi niya malaman kung titingnan ito o hindi na lang papansinin dahil alam na nito ang kaniyang sekreto na hindi siya bakla. Baka magsumbong pa ito pero wala naman siguro sa ugali nito ang magsumbong. Pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala.
“Hyacinth, ganiyan ba talaga ang ka-partner mo. Hindi siguro uso sa kanila ang tsismis, ano?” parunggit pa ni Kelly na animo nag-li-leader-leader-an sa kanilang grupo. Mabait naman ito kaso nga lang ganoon ito, magaling magparinig at kung anu-ano pa. hindi ito prangkang tao pero matinik ang dila.
“Huwag ka namang magsalita ng ganiyan. Kumakain kasi siya kaya hindi kayo masagot. Remember, “DON’T TALK WHEN YOUR MOUTH IS FULL.” Paalala niya sa mga ito. Actually, ipinagtatanggol niya lamang si Magin laban sa mga etsoserang mga baklang ito.
BINABASA MO ANG
An Official Affair
AksiPaano kung nagmahaal ka sa kabaro mo? BROMANCE? pero may natatagong lihim...sssshhh....