Chapter Ten

1K 14 1
                                    

CHAPTER TEN

NAKAPILA NA siya sa counter ng isang expressmart nang mabunggo ng cart niya ang nakasalubong na cart. Pareho pala ang tinatahak na direksiyon ng mga cart nila ng lalaking ito.

   Hindi niya maulinigan ang mukha ng lalaki dahol nakabaseball cap ito. Basta ang tanging masasabi niya rito ay matangkad ito, mabango, at weird. Weird kasi nagkabunggo na ang kanilang mga cart ay nakatayo pa rin ito roon na tila walang balak umiwas. He was looking at her kahit hindi niya makita ang tinutumbok ng mga mata nito.

    Sa pagkakataong iyon ay bigla na namang nagrigodon ang kaniyang puso. Pamilyar sa kaniya ang damdaming iyon dahil iyon mismo ang nararamdaman niya sa tuwing malalapit noon kay Magin. Teka, is she falling in  love again? Malamang dahil hindi na naman niya ma-kontrol ang kaniyang puso.

      Ang kaniyang atribidang puso ay hindi na naman nadala sa pag-ariba niyon at sa kung sino lang na lalaki ay bumibilis na ang tibok niyon. Nahihigit niya ang kaniyang hininga ng tinangka ng lalaking alisin ang sombrero nito. Nang tuluyan ng tumambad sa harapan niya ang mukha ng lalaki ay nais niyang himatayin.

  It was none other than, Magin himself.

    Yumuo lamang siya at sinamantala niya ang pangyayari at itinulak ang kaniyang grocery cart. Siya na ang susunod sa pila kaya inilapag na niya ang mga pinamili niya. mabilis naman ang pagkilos ni Magin at ito ang umukupa sa kasunod niya.

   Tila musiko sa kaniyang pandinig ng magsalita ito. “Hi Hyacinth.” Bati nito sa kaniya. “Long time no see.”

   Oo nga naman, long time no see dahil almost three days na silang hindi nagkikita. At ang three days na hindi niya ito nakita ay para ng katumbas ng tatlumpong dekada. Hindi pa rin masyadong magaling ang sugat niya kaya hanggang ngayon ay paika-ika siyang maglakad. Ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat ng lumuhod sa likuran niya si Magin.

     “Tumayo ka na diyan baka isipin ng mga tao, nasisiraan ka na ng bait.” Sabi niya at tinulungan itong makatayo.

    “Akala ko hindi mo na ako papansinin.” Sabi nito. May napansin siya rito, hindi pa rin ito nagbabago subalit sa pagsalita nito ay tila wala na itong ganang mabuhay. Guni-guni lang ba niya ang nakita niyang kalungkutan sa mga mata nito?

    “Hi. O, ayan pinansin na kita kaya huwag ka ng gumawa ng eksena.” Sabi niya saka binalingan ang nasa cashier. Sa pagkamalas-malas ay umalis ang tagabalot at mag-isang binalot ng sales lady sa napakalaking kahon ang mga ipinamili ng costumer. Ngalingaling siya na ang mgalagay sa kahin ng mga piamili ng babae sa sobrang bagal ng sales lady sa paglagay ng mga iyon. nagkakaroon pa kasi siya ng oras na makatabi si Magin. At sa bawat segundong lumilipas ay parang natutunaw na siya sa mga titig nit.

  “Hindi ka pa rin nagbago Hyacinth. Maganda ka pa rin.” Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha niya. ibabalik n asana niya ang ipininid nitong buhok niya ng pigilan ng mga kamay nito ang kamay niya. sa muling pagdadaiti ng kanilang mga kamay ay nais niya himatayin sa daloy ng nakakakiliting kuryente doon.

    “Magin, please stop this.” Sabi niya.

      “How can I stop loving you if my heart always say you are the one his looking for.” Itinapat nito sa puso nito ang kamay niyang hawak-hawak nito. Hindi pa rin nito iyon binibitiwan. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya sa sobrang bilis na tibok ng puso nito. Napansin niyang parang nagdu-duet ang mga ritmo na nililikha ng kanilang mga puso at nagsusulot iyon ng napakagandang musiko sa kaniyang tainga. “Can you feel my heart beat? Do you want to hear me first explain or you just continue feeling my heart beat?” tanong nito.

    Doon niya lang napansin na wala na ang kamay nito sa ibabaw ng kaniyang kamay. Mag-isa na lamang iyon na nakadikit a dibdib nito and for a weird thing she is enjoying her hand.

   “Sorry.” Sabi na lang niya. Nahihiya kasi siya sa inasal ng kaniyang kamay subalit sa kaniyang pagkainis ay hindi niya matanggal-tanggal sa dibdib nito ang kaniang kamay. She just love feeling his heart beat.

   He just chuckled. Para hindi siya mapahiya ay ibinalik nito ang mga kamay sa ibabaw ng kamay niya na nakapatong sa dibdib nito. His other hand holds her free hand.

     “Sige na nga, by the way, last day I called weren’t I?” tumango lamang siya. “The things I said to you was all crap. Nasabi ko lamang iyon sa iyo dahil kinakabahan ako na baka sundan mo na naman ako sa pupuntahan ko.” Napakunot ang noo niya. akma sana siyang magsasalita ng pigilan ng daliri nito ang pagbuka ng bibig niya. “Wait sweetheart, I’m not finish yet. Ayokong mag-alala ka kapag nalaman mo kung nasaan ako. I’m sure pagkalabas mo ng kospital ay pupunta ka sa office naming at magtatanong ka kung nasaan ako. Kaya inunahan na kita.” Nais niyang mahiwagaan sa utak nito, paano kaya nito nalaman iyon na nangangati na siyang puntahan ang opisina nito. “Tatapusin ko kasi ang misyon ko kay Alfred Maragas. At pupuntahan ko siya sa kaniyang pinagtataguan. Delikado roon. Ngunit hindi natuloy ang paghuli naming sa kaniya ng sumuko siya a amin ng mabalitaan niyang nadakip at napatay na ang ibang kasapi ng sindikatong sinalihan niya. Thanks to Jason at siya ang kumumbinsi kay Alfred Maragas na sumuko nab ago pa naming salakayin ang hide-out niya. at sa wakas, naging proud na rin sa kaniya ang Papa niya.

   “Tuwang-tuwa ako sa mga pangyayari so I decided ibabalita ko sa iyo ang lahat ng iyon. pinuntahan kita sa hospital na dinalhan ko sa iyo at nakita nga ako roon ng kaibigan mo. Inaway niya ako dahil pinaiyak raw kita at it only hit me about sa pinag-usapan natin sa cellphone last day. Nais n asana kitang Makita subalit pinabawalanniya ako. Ang sabi niya pa sa akin na ‘dadanak ang dugo kapag nagpumilit pa akong makita ka’. So I’ve been waiting outside the hospital. Kinuntsaba ko pa nga ang nurse mo para tanungin kung kumusta ka na and she said your fine at maaari ka na raw lumabas ngunit hindi pa rin ako mapakali kaya sa labas na lang ako ng hospital naghuintay sa paglabas mo kahapon. Gusto n asana kitang lapitan ngunit naalala ko ang sinabi mo sa akin. Kaya hinatid ko na lang kayo ng tingin hanggang sa makapasok kayo sa tinitirhan niyo.” Mahabang pagkukuwento nito sa mga bagay-bagay na ikinagalit niya.

   “You did that?” hindi makapaniwalang tanong niya.

    “Bakit na turn-off ka ba sa akin? Mukha na ba akong stalker mo?” insecure na tanong nito sa kaniya.

   “Paano kung sabihin kong oo?” pagbibiro niya.

   “Miss.” Tawag nito sa sales lady na hindi pa rin matapus-tapos sa paglalagay ng mga pinamili sa kahon dahil nakiki-usyoso ito sa kanila. Nilingon sila nito na tila nahihiya ngunit nginitian lamang ito ni Magin. Gusto niyang magselos ngunit sa sumunod na sinabi ng binata ay ang mas lalong ikinagulat niya. “Puwede bang kayong dalawa ang mag-witness sa first stage ng panliligaw ko sababaeng ito?”

   Tumango ang mga ito.

   “Kailangan pa ba ng witness?” nagtatakang tanong niya.

    “Siyempre naman.” At unti-unti itong lumapit sa kaniya. “Dahil ito ang pinakaunang halik na igagawad ko sa mga labi mo.”

     When his lips lightly touch her lips she just close her eyes and feel his lips amazingly making wonderful taste on her mouth.

   “May nakalimutan akong sabihin.” Sabi nito pagkatapos ng halikang iyon.

    “Na mahal mo ako?”

    “More than that, na mahal na mahal na mahal na mahal kita!”

     “Talaga nga? Pa try.” At muling siniil siya nito ng halik.

Wakas

This is the final installment of the story. wala na pong epilogue, this is really the last. Thank you very for reading and stil spporting my works. i want to express my warmest gratitude to all of you! Thank you!

God bless!

An Official AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon