Chapter Three

748 6 0
                                    

CHAPTER THREE

“ANO ba naman ito Ruffa?” naiinis na tanong niya sa kaibigan habang nakapila sila sa napakahabang hilera ng mga kabaklaan. Tirik na tirik pa naman ang araw ng mga sandaling iyon. Bakit naman kasi ganoon karaming bakla ang nangangarap palaring manalo sa Miss Galactica 2010? Hindi niya alam kung ano ba ang mechanic ng beauty contest na iyon. Malamang ay para itong binibining Pilipinas.

    “Ganito talaga rito. Kita mo naman, out of thousands fifteen lamang ang papalaring makapasok sa magic circle. Naku, kapag nakapasok ako roon magtatalon na ako sa kasiyahan.” He said dreamily.

   “Tangi! Ang tinutrukoy ko ay ang make-up mo sa akin.” Sabi niya. Kanina kasi bago sila tumulak doon ay minake-up-an siya nito ng pagkakapal-kapal. Hindi niya alam kung bakit pero may masama siyang kutob sa ginawa nito sa kaniya but still she couldn’t say anything. Nang tingnan niya ang sarili niya sa salamin ay mukha siyang bakla na ilang gabi ng hindi nakakatulog dahil sa itim ng ilalim ng kaniyang mata. Ang sabi nito, ganoon raw talaga ang eye liner. Tapos ang bigat-bigat pa ng talukap ng kaniyang mga mata. May inilagay kasi itong pekeng pilik mata roon at binahiran pa ng mascara. Isa pa, ay ang pulang-pulang lipstick na pinahid nito sa mga labi niyang mapupula nang talaga.

   Nag-suggest pa ito na magsuot siya ng micro mini na tinanggihan niya ng lubos. Kahit magkamatayan na ay hindi siya nito mapagsusuot ng micromini not through her lovely body. Dahil nagtampo ito ay miniskirt na lang ang sinabi niyang isusuot niya tapos pinagsuot siya nito ng tube na kulay pula. Mukha tuloy siyang si Rubi---Angelica Panganiban---ang baklang version ni Rubi. Dahil may hiya pa naman siya kahit kaunti kaya pinatungan na lang niya ng bolero ang pulang tube na ipinasuot nito sa kaniya. And the last, a red wig!

   “Shit!” mura nita sabay pahid sa nalulusaw na makapal na make-up sa mukha nito. Nabahiran ng maiitim na colorete ang ibaba ng mata nito kung kaya’t pinahid niya iyon. Mali yata ang ginawa nito dahil na brush off sa mukha nito ang kulay.

   “Anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang binalingan niya si Ruffa na mangiyak-ngiyak na sa hitsura nito habang sinisipat ang sarili sa salamin. Kung bakit naman kasi nagkaganoon ang kaibigan niya ay nais niya itong tulungan subalit wala siyang alam sa pagmi-make-up.

   “Wait lang sister, madali lang ako. Mag-re-retouch lang ako sa pinakamalapit na comfort room.” pagpapaalam nito.

   “Bilisan mo ha. Malapit na tayo sa mga judges.” Sabi niya. Tumango lamang ito saka patakbong nilisan ang lugar. Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang unti-unting pag-isod niya sa pila.

    Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naghihintay roon ngunit hindi pa rin bumabalik ang baklang Ruffa. Sa bawat segundong pumapatak sa kaniyang relo ay bumibigat ang kabang nararamdaman niya. Tila yata nawawala na si Ruffa. Kailangan niya itong hanapin subalit sila na ang susunod. Paano na kaya ito? Paano naman kung hinanap niya ito tapos umalis naman siya sa linya subalit dumating naman ito? Now, many complications are flooding. Sa wakas ay siya na ang nasa unahan ng linmya. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin kung kaya’t ipinasa na lang niya sa unahan ang resume nito. Kinakabahan man ay maayos siyang nagsalita subalit taksil ang kaniyang boses pumiyak siya habang nagsasalita. Tumikhim siya bago ipinagpatuloy ang nais sabihin.

    “Rudolfo Tecson.” Tawag sa kaniya ng tagapagsalita. Kanina kasi ay nagpalista na sila at iyong tunay na pangalan nga ang ipinalilista upang tawagin at walang lituhan.

    “Pasensiya po, subalit---” hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin nang magsalita ang babaeng nasa gitna.

   “Umikot ka nga.” Utos nito.

    Umikot naman siya saka nakakunot-noong tiningnan ang mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito. Pagkatapos niyon ay nagsitanguan ang bawat isa sa mga ito. Ayaw niya sanang umalis subalit pinapaalis siya ng mga ito.

An Official AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon