Naiilang si Hyacinth habang naka-pose siya sa harap ng camera. Nakatingin kasi sa kaniya ang lahat ng mga miron at mgha contestants. Hiondi niya kayang mag-pose kapag ganoon dahil nawawala ang kaniyang composure.
Naalala tuloy niya ang isang tip sa pagpose kapag nakaswim suit, nakuha niya iyo dahil sa panonood niya ng America’s Next Top Model. At ang huli niyang napanood ay ang Cycle thirteen. Just the same as her number. Ginaya niya si Nicole---ang babaeng paborito niya sa mga katunggali nito. Dapat ay naka dollshoes ang kaniyang mga paa at dapat lumabas ang mga angle niya from head to toe.
She twisted her butt to emphasize her curves but not that vulgar but with classic and fashion.
“Very good.” Anang photographer na nakipag-high-five sa kaniya.
Napa-“oh” ang mga ato sa sumunod sa kaniyang magpipictorial. Walang iba kundi ang antipatikong crush niya. si Magin. Naka-swimming trunks ito exposing his muscular chest. Napanganga siya. sino ba namang nasa tamang katinuan ang mag-su-swimming trunks na may yellow wig. Siya nga naka-two piece na may suot na red wig ay mukhang tanga ito pa kaya? Nasisiraan na nga yata ang isang ito.
When she look at the photographer nagpupuyos na ito sag alit dahil sinuway ni Magin ang require ment na dapat ayu magsuot ang mga contestants ng two piece. Ibangh klaseng bakla ito. Hindi ito ang baklang mahilig sa mga pambabaeng gamit ngunit bakala ito sa puso. But her heart keeps on arguing, Can’t you see? He’s not gay!
Napailing na lamang siya. napakahirap paniwalaan ang sinasabi ng puso niya dahil lantad na sa harap niya ang ebidensiya. Pero paano kung mali siya. paano kung hindi naman talaga bakla ang lalaki at sumali lamang ito sa gay beauty contest ay dahil katulad niya. dala ng kahirapan ay nangangailangan dfin ito ng pera. And that’s the onlyhiope she could hold on to. Hindi niya kasi matanggap na sa kauna-unahang beses niya pang ma-inlove ay sa bakla pa. at higit sa lahat ay hindi niya hahayaang ang kasinguwapo ni Johnny Depp ay masasayang lang ang lahi.
She continued looking at his photoshoot. Sa wakas kahit hindi itro naka-two piece ay natuloy din ang photoshoot nito. Kakaiba talaga ang karisma ng isang ito. Ang taong ito ang hindi9 mo kayang tanggihan dahil ang puso niya mismo ay hindi ito matanggihan hanggang sa tuluyan na nitong nasakop ang mahina niya depensa.
“All right!” sigaw ng photographer.
Naglakad na nga palayo si Magin.
Wala na rin lang naman siyang gagawin kaya umalis na rin siya sa umpok ng mga miron na nakikinopod ng kanilang photo shoot. Tutal, mainit na rin naman ang sikat ng araw baka magka-sunburn pa siya kaya umalis na rin siya. Kanina pa siya nakapagpalit sa kaniyang damit kasi hindi siya mapakali sa suot niyang two piece naiilang siya. balak niya sana itong sundan subalit nauhaw siya kaya tumuloy na lamang siya sa nadaanan niyang restaurant.
Maganda naman ang restaurant ngunit hindi iyon kasing sosyal ng iba pang mga restaurant sa paligid. Kaunti pa lamang ang mga diners dahil pasado alas-nuwebe pa lamang. Ang sabi sa kanila ni Miss Anne ay alas-diyes daw nabubuhay ang bayang iyon.
Self-order ang restaurant kaya pumunta na siya sa counter at doon pumili ng kaniyang bibilhing pagkain.
“Good morning…Miss?” mas tanong iyon kaysa pagbati sa kaniya ng isang lalaking naka-apron. Napangiti siya, ganoon ba talaga siya mukhang bakla? Napakibit balikat na lamang siya saka sinagiot ito.
“Sir, Pare.” Inilahad niya ang kamay sa harapan nito na hindi naman nito tinanggap. Sino ba naman kasing costumer ang makikipagkamay sa cashier.
“Ano pong order niyo…Sir.” Parang after thought na lng nito ang salitang Sir.
“Pagbilhan nga ng isang chicken buger at fourseason.” Sabi niya saka dumukot ng isang daan sa kaniyang bulsa.
BINABASA MO ANG
An Official Affair
ActionPaano kung nagmahaal ka sa kabaro mo? BROMANCE? pero may natatagong lihim...sssshhh....