CHAPTER NINE
HINDI ALINTANA ni Magin ang kaniyang pinasok na hide-out upang hanapin si Boggie. Napakadilim ng pasilyo niyon at tanging malamlam na ilaw lamang ang nagbibigay ilaw sa daanan. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya kapag nagkita sila nito at baka patayin na lamang siya.
Nakarinig siya ng nagsisigawan sa bandang dulo ng pasilyo. Naalala niya wala nga siyangdalang baril ng mga sandaling iyon. ang nasa kaniya lamang ay ang kaniyang ever reliable ballpen-cum-knife. Nakasiksik iyon sa kaniyang damit kaya hindi na siya nahirapan pang kapain iyon. Hinawakan niya iyon sa posisyong nakaawang ang patalim. Baka gamitin niya kung sakali.
Dahan-dahang lumapit siya at sumilip sa nakaawang na pintuan. Doon niya pinanood ang mga kaganapan sa loob. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Ang lalaki kaninang tumatakbo ay nakikipag face-to-face sa baril ng isang lalaking katangkaran at kalbo.
“Huwag po Sir. Ayoko pa pong mamatay.” Sabi ng lalaki.
“Malinis ba ang pagkakapatay mo kay Alfred?”
“Sir naman, kay Sam nga muntik pa akong mahuli ng mga guwardiya niyo.” Sumbong pa nito.
“To hell with that guards.” Sumigaw ito at pinaputok ang baril.
Napapikit siya. ngunit sa kaniyang pagkagulat ay sa bahagi niya iyon pinaputok.
“Lumabas ka riyan!” utos nito na alam niyang alam na nito na naroroon siya.
Lumabs na nga siya sa kanaiyang pinagkukublihan. Napamaang ang lalaking kausap nito pagkakita sa akniya. Hindi na niya kailangan pang magtanobng kilala na niya kung sino ang lalaking may hawak ng baril. Si Boggie.
“Me. Magin Anthony Bron the third. Bisita ka pala naming.” Sabi nito na sinuri ang kaniyang tingin mula ulo hanggang paa. Humalakhak ito na para bang nasisiyahan. “Don’t tell me Mr. NBI nagpanggap kang contestant sa Miss Galactica para manmanan kami.” Sabi nito.
“Boggie, tama ba ako?” tanong niya.
“Boggie nga.” Sabi nito.
“I need to cooperate with you. Kailangan naming mahanap si Alfred Maragas at mapigilan ang pagpapasabig sa hotel na ito.” Sabi niya.
“What the freaking hell are you talking about?!” bulalas nito.
“Nakatanggap kami ng mensahe mula sa Fardel Sagaram na ang sunod na papasabugin ng Black Knights ay ang venue ng Miss Galactica 2010.” Sabi niya. “Kilala mo ba sio Fardel Sagaram?”
“Traidor talaga kahit kalian ang Alfred na iyan.” Sabi nito. “Sabihin mo nasaan siya!” utros nito saka itinutok sa kaniya ang hawak nitong baril. Napataas siya ng dalawang kamay na sumusuko. Wala nga naman siyang laban ditto dahil may baril ito pero hindi pa rin siya padadaig.
“Hindi naming alam kung nasaan si Alfred. Basta ang alam lamang naming ay papasabugin ang hotel mo. Kung nais mong magpatuloy pa ito ay ituro mo sa amin an glider niyong si Mando. I’ll take care sa kaso mo at tiyak bababa ang sintensiya mo kung sakali.” Paniniguro niya.
“Si Mando? Bakit ako hinuhuli mo?! Alam mo ba na ako ang may-ari nitong Hotel na ito kaya alam ko kung may magpapasabog dito. Huwag ka ngang magsalita na may magpapasabog sa luagr ko!” sabi pa nito na hindi na niniwala sa kaniya.
“Kung ayaw mo, 'di huwag. Hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin. Kung gusto mo ay hayaan mo na lang na sumabog itong pinakamamahal mong hotel!” pagkasabi niya noon ay biglang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
An Official Affair
ActionPaano kung nagmahaal ka sa kabaro mo? BROMANCE? pero may natatagong lihim...sssshhh....