Unknown POV
This midnight makakauwi na ako. I miss the Philippines! Especially, siya. Magkikita na kami. Sa wakas. Ano kayang magiging reaksyon niya? Sana hindi siya galit. Sana hindi masama ang loob niya. Sana matanggap niya ako. Ulit. Teka. Tumatawag sya...
"Bro!"
"Yow bro!"
"Ano oras uwi mo?"
"Uhmmm. Mga 4:00 in the morning dadating na kami dyan."
"Okay.. See you!"
"See you! I'll hang up now."
Kinakabahan ako. Haaay. Saka ko na nga iisipin ang mga mangyayare. Bahala na nga.
Jam
Good morning sunshine! Haaay. It's Saturday! Mall day! Dadaan muna ako sa bookstore sa mall bago kumain. Syempre wala akong kasama.
"Dad! Alis na po ako!" Inaayos na naman niya ang mga halaman niya sa bakuran.
"Sige anak! Ingat sila sa'yo!"
"Daddy naman!"
"Hahaha! Ingat anak!"
Sanay akong pinagtitinginan sa school. Pero sa jeep? Sobra na ito. -_-
"Pakisuyo ho! Bayad ho."
"Saan ito 'neng?"
"Sa SM po."
Pagbaba ko sa jeep, salamat sa mabangong usok mula sa tambutso ng jeep. Natuwa ho ako dun. -_-
Pagpasok ko sa mall, diretso na ako agad sa bookstore. Tumingin muna ako ng mga libro. Kailangan ko kasi ng mga books para sa Physics eh. Mahirap kasi talaga.
Pagkatapos kong bumili ng mga libro, dumaan muna ako sa foodcourt para kumain. Isinabay ko na rin ang pagbabasa ko ng libro. Medyo nagtagal ako dun ng konti. Pagkatapos, pauwi na ako nang biglang...
"Hey! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" sigaw sa lokong ito. Makabangga naman ito wagas!
Dire-diretso sya sa dinadaanan niya. Parang walang naririnig. Pagtingin ko ulit, naka-headset pala! Dali-dali kong tinanggal yung headset niya.
"Hey! Ano ba? Bulag ka na bingi pa! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo? Ha?"
"What? I can't understand you!"
"I can't understand, I can't understand! I can't understand mo yang mukha mo! Get lost!"
"What's your problem?!" He shouted at my face.
"Problem problem... Problem mo mukha mo!"
Mga bastos! Hindi marunong mag-excuse! Gwapo sana eh, bulag naman at bingi. Mukha pang snobero. Pasalamat sya nasa isang mataong lugar kami, kundi, sinuntok ko na yung hinayupak na yun!
Ken
Nasan ka na ba? Lumayo lang siya saglit, nawala na. Ma-text nga...
"Bro!" Nandito na pala. Nasa mall kasi kami.
"Saan ka ba galing? Sabi mo sa bookstore ka lang?"
"Napadaan kasi ako sa foodcourt kanina. Nagutom ako eh. Tapos, ayun. May nakabangga kasi sa akin kanina. Hindi ko alam kung tao ba yun o aso dahil sa bangs niyang mahaba. Anong breed kaya ng aso yun at nakakapagsalita?"
"Babae? Mahaba ang bangs sa mukha? Teka teka. Describe mo pa siya. Dali!"
"Uhmm. Maputi, matangkad, uhmm... Ano pa ba?..." SI JAM!
![](https://img.wattpad.com/cover/93097866-288-k752039.jpg)
BINABASA MO ANG
Invisible Love
Teen FictionSomeday, may isang taong makakakita ng halaga mo. May isang taong magpapahalaga sa'yo at ipaparamdam sa'yo kung gaano sila kaswerte sa'yo.