CHAPTER EIGHT: THE TRUTH

2 0 0
                                    



Flashback:

I still remember when mom left us. I was four that time. We were happy together at the park. When we arrived home, I realized, we were not.

"Hindi ko na kaya! Aalis na ako!"

"Please. May anak ka. Wag mo siyang iwan."

"Nagawa ko ngang iwan ang lalaking pinakamamahal ko para lang sa inyo. Nakalimutan mo bang arranged ang lahat, Robert?"

"Ano ba ng problema? Mag-aanim na taon na tayong nagsasama!"

"Yun na nga. At apat na taon ko na rin siyang hindi nakakasama. Hayaan mo't susuportahan ko si Mille. Hindi ko siya pababayaan."

I can't understand...

Jam

It's already late. Gising pa rin ako. Hindi ako makatulog. Hindi dahil sa nangyari na hindi pagsipot ni Ken. Kundi, sa tumawag na kung sino man siya. Pagbaba ko, nadtnan ko si dad sa sala. Nanonood pa siya ng T.V.

I decided to talk to him about that mystery guy who called me a while ago.

"Dad."

"Hmmm?"

"Where is mom?"

Nakita kong natahimik si dad. Nagbago rin ang expression ng mukha niya. Lumungkot ito.

"Alam mo naman kung nasaan siya, hindi ba?"

"My brother called me a while ago."

Nagulat si dad sa binanggit ko.

"Hindi tayo ang nauna, hindi ba, dad?"

"Sorry anak." So I was right. "Arranged marriage lang ang nangyari sa amin ng mom mo. May anak na siya kay Rafael noon. Hindi niya talaga ako nagawang mahalin."

"But I love you, dad."

"I know anak. I love you too."

"Hindi po kita iiwan."

Ayoko talaga sa mga taong nang-iiwan. At lalo ko siyang kinamumuhian...

5 pm pa lang, nasa cafe na ako. Ewan ko ba. Hindi ako mapakali. Naka-tatlong kape at 3 doughnut na ang naubos ko. Basta. Hindi ko maipaliwanag.

"Jamille?"

Isang matangkad na lalaki. Gwapo. Maputi. Mapulak ang foundation? Bakit may mascara? Tsaka, naka-scarf? Confirmed.

"Uh-Yes?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Nagulat na lang ako ng i-beso beso niya ako. Pagkatapos nun, umupo na kami.

"Ay. Girl. Ang dami mo namang kinain? Kanina ka pa ba dito?"

"O-opo." Kinakabahan talaga ako.

"By the way, Chris L. Rivera. I'm already 20. And alam mo na siguro kung kaanu-ano mo ako?..." Tumango ako. "...Pak! At malapit ko ng i-celebrate ang debut ko. Sa Next Sunday na! Yeheeeey! So ang gusto kong iregalo mo sa akin..." Demanding si koya? "...Pumunta ka sa debut ko. Nandun si mama, gustung-gusto ka niyang makita." Lumungkot ang boses niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Makita? Eh hindi ba iniwan niya kami? Pinabayaan nga niya kami eh. Ano bang gusto niyang mangyari?! Ha?!"

"Ay. Ganern. Titiisin mo na lang siya, ineng?"

"Bakit? Natiis rin naman niya ako ah."

"Hindi mo alam ang pinagsasasabi mo."

"Hindi alam?! Sige. Sabihin mo nga 'po' kung alin dun ang hindi ko alam! Iniwan niya kami. Iniwan niya ako. Maliwanag na explanation na yun na hindi niya kami gusto. Wala siyang pakialam sa nararamdaman namin! Selfish siya!!!"

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon