CHAPTER TWO: PUSH AND PULL

8 0 0
                                    



Jam

"Guys!" Salamat nahanap ko din sila.

"Bakit ang tagal mo? Saan ka ba nanggaling?" Agad-agad? Nainip? Ilang minuto pa lang ah.

"Huh?..." Anong sasabihin ko? "...Diyan... Diyan lang." Wew.

"Anong diyan lang?" Ginigisa na ako.

"Teka. Bakit ganyan ka tumingin? Wala akong ginagawang masama ah." Ano ba yan?! Wala namang ganyanan.

"Wag mo sabihing..." napatakip na lang ng bibig si louise. Ka-OA-han ay umiiral na naman. -_-

"Oy! Oy! Anong iniisip mo?" tanong ko.

"OH. MY G." Napaka-OA talaga nitong dalawang to (Shaina and Louise)

"O'sya. Sya. Tara na at baka gabihin tayo."

"Uhmm..." Saan ba kami pupunta? "...saan ba tayo pupunta? Hehe."

"Hay nako. Hindi ba tinext kita? Sinabi ko pa sa'yo kaninang tanghali." Huh?

*kruuu kruuu*

"Oo na. Sige na. Pupunta tayo sa harap ng tindahan ni Manang Pacing. May nagtitinda doon ng fishball. Ulyanin ka na!"

"Ay, oo." Oo nga pala. Hahaha. Sareh!

"Girl! Girl!" Pangungulit ni Louise.

"Oh?"

"Saan ka ba nanggaling?" Oh no! Ginigisa na nila akooo...

"Ha?..." Ano na?

"Kilala kita. Yang mga ganyan mong sagot. May tinatago ka. Sabihin mo na." banta ni Shaina na parang lalamunin ako ng buong-buo.

"Okay. Sige na. Oo na. Galing ako sa rooftop."

"ROOFTOOOOOOP?!!" in chorus na naman sila.

"Oo. Rooftop. As in R-o-o-f-t-o-p."

"Wag! Please! Kung may problema ka bes, sabihin mo. Makikinig kami. Wag sa ganitong paraan please. Wag."

Teka. Ano? Ano ba tong... Ano ba tong iniisip nila? Tingin ba nila magpapakamatay na ako? Haaay. Emote pa more.

"Ano bang pinagsasasabi niyo? Wala akong problema, okay? Stop the drama please? Hindi pa kasi ako tapos. Kasama ko dun yung mokong."

"MOKONG?" they said in chorus.

"Oo. Si Ken."

"WHAT?!" Ano bang problema nila?

"Anong what?" Ano na naman ba? -_-

"Bes, bakit hindi mo sinabi? Kelan pa?"

Ano? Anong kelan pa?

"Bes, wag mo nang itago. Wag ka ng mahiya. Matagal na tayong magkakasama sa buhay."

Hindi ko na talaga sila maintindihan lalo. =.= The hell!

"Bes, we're happy for you."

"WHAT THE?! Teka nga. Guys, guys. Ano bang iniisip niyo ha?" -_-

"You're in a relationship, right?" Ngiting sagot ni Shaina na ikinabigla ko.

"WHAAAAT?! Hahahahaha. You're funny. Nagpasama lang sa akin yung tao. Nag-usap lang kami. Nagkuwento tungkol sa family niya. Ano bang iniisip niyo? Na kami? Jusko. Haha. Kakain na lang ako ng buhay na ipis noh kesa maging kami! Manong, apat na fishball nga po. Tig-wawalo po yung laman ah! Mayaman ako ngayon guys!"

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon