CHAPTER NINE: THE NEW JAM

3 0 0
                                    



Jam

Heto na naman ako. Naglalakad pauwi. Since malapit lang naman at hindi naman ako tamad, lalakarin ko na lang. Sayang din naman yung 10 pesos na pamasahe 'no.

Biglang may humintong van sa tapat ko. Itim na van. Oh no. Hindi po kami mayaman! At tama ang hinala ko. Kidnappers!

"Tulooooooong!"

"Tumahimik ka."

"Tuuuu--"

"Sumakay ka na lang, please?"

Wow. Saan ka nakakita ng humihingi ng pakiusap na kidnapper? Wala na akong nagawa. Nakakahilo yung amoy... Wala na akong makita... Malabo... Inaantok na ako...

Bakit ganito? Ang sakit ng ulo ko! Nakakahilo. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Nasa isang magandang kwarto ako. Medyo feminine ang kwarto. May mga teddy bears. At nang makita ko ang picture.

"WHAT?!" bulalas ko. Picture ni kuya?!

"Finally. Gising ka na, my dear." Si kuya nga.

"Anong ginagawa ko dito?"

"Relax. Wag kang mag-alala, hindi ito 'kidnapped for ransom' kapatid."

"Eh ano?"

"Pina-kidnapped kita para ayusan! Make-over! Wapak!"

Ha? Hindi ko maintindihan!

"Tingin nga sa akin... Hmmm... Etong bangs mo mahaba masyado... Luma na si sadako. Ryzza na ngayon..."

"What?!"

"...Chos lang! Ito naman. Hindi mabiro. Hmmm. Kilay? Ay. Ang kapal. Jusmiyo. Tapos... Ano ba 'yang labi mo, ineng? Parang disyerto. Dry na dry... Tara na."

"Ha? Saan?"

"Sa kabilang room. I-mamake over kita."

"Ayos lang po ako."

"Hindi kita ibabalik hanggang hindi ka naaayos. Sabi nga ni Cross: 'Wag kang maarte. Hindi ka maganda' kaya tara na."

Oh noooooooo... Make over? Imposible. Isa na sa mga nanganganib mawala sa mundo ay ang mukha ko. Wala na itong pag-asa...

Gaano ba katagal ayusan itong mukhang ito? Ganun ba ka-pangit at kaya ganito katagal? 8:00 na. Hindi pa rin ako nakakauwi.

"Ayan! Tapos na." Inabutan ako ng salamin.

Oh. My. Gosh.

This. Is. Impossible.

"Sino 'to?" gulat kong tanong.

"Ikaw! Oh, di ba? Ang ganda?"

Babaeng maputi. Dark brown ang buhok. Hindi masyadong mahaba, sakto lang. At yung bangs, hindi na hanggang ilong. Nasa side na. At yung kilay, napakaayos tignan. Tapos yung labi ko, ano ba itong nilagay? Mukha siyang anime.

"You're really beautiful..." Pagpapatuloy niya. "...Just like me."

Nagulat ako sa sinabi niya. -_- Just like, him? Maniniwala na sana ako eh, pero, just like him?

"Iuuwi na kita sa inyo. See you on my debut."

On the way na kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ilang minuto na akong speechless.

"Salamat po pinaganda niyo ako." Ngumiti lang siya at niyakap ako.

"Maganda ka naman talaga, pero itinatago mo lang, kapatid."

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon