CHAPTER FOURTEEN: THE FIRST DANCE

6 1 0
                                    



Jam

Noooo! Acquaintance party is... Duh! Ano bang ginagawa dun? Eh hindi ba may partner partner yun? Sinong partner ko? Yung statue na nakadisplay sa labas ng school?

"Anak! Mag-ayos ka na!" Mag-ayos? Duh. Hindi ako pupunta dad.

"Ayoko dad!" matigas kong pahayag.

"What? Pumunta ka." Ha?

"Kung gusto mo po dad, ikaw na lang po." Kanina pa kinakatok ni daddy ang pinto pero ako? Eto. Nagmumukmok.

"Pupunta ka."

"No!"

"Pupunta."

"No!!!"

"Sinabing pupunta ka."

"Sinabing NOOOO!"

"Wala kang allowance ng isang buong buwan." Allowance?

"Daaaaaaaaaaad! Wait!" Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Are you serious?" Agad kong tanong.

"Mukha ba akong nagjojoke? Hala. Sige. Magbihis na at ihahatid kita hanggang dun."

"Pero daaad."

"May allowance o wala?" Talo na ako.

"Okay. Magbibihis na po." -_-

I hate parties! -_-

Pagbaba ko...

"Haaay. Bagay mo talaga kahit anong damit anak."

"Okay daddy, where's my monthly allowance?" bored kong tanong.

"Didn't I tell you na ibibigay ko lang yun pag-uwi mo dito?"

"WHAAAAAAAAAAAT?!"

"Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo, binibini." banta ni daddy.

"But dad..." kontra ko.

"No ifs, no buts, let's gooo!"

Wala na talaga akong choice. I swear I hate parties! Isinusumpa ko! Hindi ako makikipagsayaw! Neveeeerrr!

Pagbaba ko sa sasakyan, may mga bilin pa si daddy. At syempre may kasamang banta. Pagpasok ko, pinagtitinginan nila akong lahat. I was wearing a black dress na three inches above the knee and my silver stiletto. Nag-ayos ako. Marunong naman ako mag-make up. Tinuruan ako ni kuya nun. Hindi ko alam kung mali ba ang suot ko dahil pinagtitinginan nila ako.

Nang matanaw ko na sila Shaina with her pink dress and black stiletto, Yanna with her silver dress with silver stiletto and Louise with her royal blue dress with her silver stiletto, kumaway na ako sa kanila. Agad naman nila akong pinuntahan.

"Girl. Wow. Lalo kang gumanda." sabi ni Shaina

"Ayoko ng pambobola mo."

"Okay. Hindi na ako makikipagtalo." sabay taas ng dalawa niyang kamay bilang tanda ng pagsuko.

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon