CHAPTER ELEVEN: FULL OF HATRED

3 0 0
                                    



Jam

Ngayon na ang debut ni kuya. Pupunta. Hindi. Pupunta. Hindi. Pupunta. Hindi. Pupunta. Hindi. Pu---

"Anak! Magbihis ka na."

"Hindi po ba talaga kayo sasama?"

"Tapos na ang lahat sa amin ng mama mo."

"Pero da-"

"Masaya na siya."

"Pero ikaw, hindi."

"Sinong maysabi? Matagal na akong masaya. Simula nang ipanganak ka." Sabay halik sa noo ko.

"Dad."

"I love you, anak."

"I love you too, dad."

"Oh, tama na ang drama. Mahuhuli ka na."

"Bye dad!" At lumabas na ako sa pinto.

Pag dating ko sa reception, napakagara. Parang palasyo ang bahay. Banyo lang yata nila ang bahay namin. Marami nang tao. Wala man lang akong kakilala. Sa di kalayuan, nakita ko si kuya. May dala naman akong regalo sa kanya eh. Nakita niya na ako. Kumaway ako sa kanya. Sinalubong niya ako.

"Happy Birthday kuya." Sabay beso sa kanya.

"Mabuti naman at pumunta ka, my dear. Come. Come."

"Si..."

"Si mama? Nasa loob. Sabik na sabik na siyang makita ka." Nakangiting sagot ni kuya.

*speechless* Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ipakikilala kita mamaya." What?

"Po?"

Ngumiti lang si kuya. Oh no. Lagot na!

May babaeng nakaupo sa may salas. Nagbabasa ng magazine. Babaeng may edad na. Parang si...

Tumingin siya sa akin. Hindi lang basta tingin. Titig. Unti-unti siyang tumayo. Nagtatalo na ang emosyon na rumerehistro sa utak at puso ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nang makalapit siya sa akin, iniwan muna ako ni kuya. Bigla niya akong niyakap. Poot. Galit. Hinagpis. Iyan ang nararamdaman ko ngayon.

Habang yakap niya ako. Tinanong ko siya, "Bakit mo kami iniwan?"

Tumingin siya sa akin, pinagmasdan, "Patawarin mo ako, Mille."

"It's Jam, not Mille!" Nag-umpisa na siyang umiyak.

"Patawarin mo ako, anak, hindi ko ginustong iwan ka."

"Hindi ginusto? Pero nagawa mo na. 13 years. 13 years na tiniis mo kami? Wow. Just, wow!"

"Anak, hindi mo naiintindihan!"

"Unang-una sa lahat, hindi mo ako anak. Pangalawa, sige, ipaliwanag mo 'po' kung alin dun ang hindi ko maintindihan?"

"Hindi kami magkasundo ng daddy mo, arranged marriage lang ang lahat. May sakit ang kuya mo kaya kinailangan ko kayong iwan. Pero hindi ko kayo pinabayaan. Hindi kita pinabayaan. Nagpapadala ako ng pera buwan-buwan pangsuporta sa'yo"

"Hindi pera ang kailangan ko." malamig kong tugon.

"Please, anak. Give me another chance. Patutunayan ko sa'yong mahal na mahal kita, anak. Please?"

Hindi ko alam kung saan papunta ang mga paa ko. Dumaan ako sa isang convenient store para bumili ng alak. Nang makabalik ako sa realidad, na-realize kong kanina pa ako palakad-lakad sa gilid ng kalsada. Naramdaman ko ring kanina pa basa ang mga mata ko at pisngi ko. Umiiyak na rin pala ako. Naisipan kong magpahinga dahil kanina pa ako palakad-lakad. Umupo muna ako sa tabi ng kalsada at yumuko.

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon