CHAPTER TEN: THE BEGINNING

2 0 0
                                    



Jam

Ngayon, nasa classroom kami at pinag-uusapan ang Talent Fair. Tama. Talent Fair. Wala akong ganun, wag kang mag-alala.

"Okay. Kailangan ng representative ng school para sa iba't ibang categories of talents. Mayroon sa singing solo, singing duo, choral, modern dance individual and group, folk dance group, contemporary dance, musical play and etc. Ang audition ay mag-uumpisa tomorrow afternoon at 2:00 pm sa AVR."

"Girl! Girl!" Pangungulit sa akin ni Louise.

"Oh?"

"Saan ka sasali?" Pffft. Gusto kong matawa sa tanong niya.

"Nagbibiro ka ba? Pfffft." Nagpipigil na lang ako ng tawa.

"Mukha ba akong nagbibiro?" I looked at her. Tama. Poker face.

"Fine! Syempre wala. Nakita mo ba akong sumali sa mga ganyan."

Sa sobrang tagal kong nakalingon kay Louise eh ako na pala ang tinitignan ng klase.

"Pwede niyo bang i-share sa whole class ang pinag-uusapan niyo, Ms. Ruiz and Ms. Sandoval?" Oh no.

"Uhmmm..." Tumayo na ako as a sign of respect.

"Tinatanong lang po ako ni Jam, Miss, kung saan daw po ba siya pwedeng sumali." Confident na sagot ni Louise. Nalintikan na!

"Totoo ba yun Ms. Ruiz?"

"Uh..." No choice! "Yes... Yes, Ma'am."

"Saan mo ba gustong sumali?"

"Ahhhhh..."

"Sa modern dance individual category daw po Miss." WHAT THE?!

"Okay. Tomorrow. Hihintayin kita sa AVR, Ms. Ruiz. Goodbye Class!"

At tuluyan nang umalis ang MAPEH Teacher namin. Lumingon ako kay Louise at binigyan siya ng isang death glare. Nalintikan na! Anong gagawin ko?! Syete.

Habang nagmumuni muni at naglalakad sa hallway, nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Sasali ka ba talaga?"

"Hmmm?" Si Red.

"Manonood ako." Ngiting alok niya.

"Pero, hindi ako marunong sumayaw."

"Imposible." Natawa na lang siya.

"Promise!"

"I will cheer you up, tomorrow. Manonood ako. Bye!"

Kinabahan ako na parang namula. Ewan ko ba. Para akong tangang nakangiti sa gitna ng hallway.

Ken

Habang binigyan ng death glare ni Jam si Louise, parang nasa tipo naman ni Jam ang sumayaw. Pero sabi din nila Yanna, hindi pa nila narinig na kumanta si Jam. Hindi pa nila ito nakitang mag-act sa isang theatrical play at hindi pa nila ito nakitang sumayaw.

Sinusundan ko lang siya kanina pang recess time. Kung saan-saan na siya nakapunta. Una, sa canteen, sunod sa tapat ng AVR, naikot na niya ang Gym at ngayon nasa hallway na siya. Mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi kaya tungkol ito sa audition?

Nakita kong lumapit sa kanya si Red. Nag-usap sila saglit at umalis ito agad. Napansin kong nag-blush si Jam. Napakaganda talaga niya. I'm happy for her.

Red

Since hindi pa nakakauwi si Jam, yayayain ko muna itong kumain. Hindi sa restaurant, kundi sa mga nagtitinda sa tapat ng school namin. Baka lang naman gusto niyang kumain ng street foods. At, sakto!

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon