Jam
Saturday Morning. This is it. Anong isusuot ko? Hmmm. Eto bang pink dress or black? Teka. Bakit ba dress ang hinahanap ko? Haaay. It's not a date! Huh? Sino bang maysabing date? Whaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Erase erase!
"Anak!" Kumakatok si dad. "Kanina ka pa diyan sa loob ng kwarto mo? Hindi ba aalis ka? Anong oras na? 9:15 na. Bilisan mo!"
"Opo! Sandali lang." Hmmm. Bahala na nga.
Suklay saglit. Bakit ganun? Parang 123,456 years ng hindi nasuklay? Pulbo saglit. Parang mapulak? O maputi lang talaga ako? Pabango saglit. Ano ba ito? Bakit ko ba pinaghahandaan ang lakad namin ni Ken?!
Pagbaba ko. Nagdidilig na naman si dad ng halaman.
"Dad! Alis na po ako!"
"Sige. Anong oras ka uuwi anak?"
"Mga 5:00 po dad."
"Sige anak! Ingat sila sa'yo!"
"Daaaaaaaaad!"
"Teka. Bakit naka-dress ka? Magsisimba ka?"
"Daddy naman. Bawal po ba?"
"Hindi naman anak. Ihawi mo 'yang bangs mo, para mas maganda lalo. Ang dalaga ko, may pinagpapagandahan na."
"Daddy naman, una na po ako! Bye! Iloveyou dad!"
"Bye anak!"
Haaaaaaay. Baka naghihintay na siya dun. Ayoko siyang paghintayin...
Bakit wala pa siya? 10:00 na. Ang tagal naman. Sabi niya eh. O-order muna ako ng pagkain. Nasa cafeteria kasi ako.
Teka. Si Red ba yun? Oooops. Nakita na niya ako. There's no other way out. Bahala na.
"Jam!" ngiting tawag niya sa akin.
"Hey! You're here."
"Uhmm, yes. Hinihintay ko kasing mag-2:00."
"Uhmm, pero 10:05 pa lang."
"Anong gusto mo?"
"Ha?" Ano daw?
"Sige na. My treat."
"Hindi na. Hinihintay ko kasi si Ken.'
"Si Ken? May pupuntahan daw siya eh. Sa hospital. Sinamahan niya yung pinsan niya magpa-check up."
Nabigla ako dun. Sabi niya, lalabas kami. Siya pa nag-aya.
"Hey!" Hanggang sa bumalik ako sa reality.
"Yes?"
"Um-order ka na."
"Kahit ano."
Natawa siya. "Pero walang kahit ano dito."
Natauhan ako bigla.
"NAGTATAGALOG KA?!"
"Ha? Oo. I'm half-Filipino, half-Japanese."
"WHAT THE?!"
"Hahaha. Sorry. Hindi ko pala nabanggit sa'yo."
Um-order na siya ng pagkain namin. Isang honey-glazed doughnut at isang iced tea sa akin. Black coffee at chocolate doughnut naman sa kanya.
"Bakit parang malungkot ka?" Napansin mo pala.
"Wala."
"Dahil ba hindi nakasipot si Ken?"
"Ha? Hi-hindi."
After naming kumain, nanood kami ng sine. Diretso kami sa mall. Pagkatapos, kain na naman. Tapos pumunta kaming bookstore. Bumili ako ng ilang pocket books. Aminado naman akong nag-enjoy ako, pero siguro mas enjoy kung kasama ko siya.
"Nag-enjoy ka ba?"
"Ha? O-oo naman. B-bakit mo natanong?"
"Wala naman. Ang ganda mo ngayon. Pero mas lalo kang gaganda diyan sa suot mong pink dress kung nakahawi 'yang bangs mo." Ngiting sabi niya.
"Wag. Wag mo ng ihawi."
"Bakit?"
"Pangit ako."
"I don't believe you. Hindi ka ba nahihirapan? Wala ka ng masyadong makita niyan."
"Sanay na ako."
"Okay. So, eto na yung apology ko ha? Nakabawi na ako. I promise, hindi na mauulit. So, see you on Monday?"
"Yeah. See you on Monday."
"Bye!"
"Bye!"
Pauwi na ako ng may mapansin ako. Si Ken ba yun? Akala ko ba galing siya sa hospital kasama ang pinsan niya? Wala naman siyang kasama? Galit ba siya sa akin?
Ken
Napakaganda niya sa suot niya. Pero mas maganda siya lalo kung nakahawi yung bangs niya, gaya nung umuulan na kung kailan ko siya nakitang umiiyak at umuulan. Mukhang masaya naman siya sa maghapon kasama si Red. Mas okay na rin na idinidistansya ko ang sarili ko. Nang pauwi na siya. Bakit parang nakatingin siya gawi ko? Nahuli niya kaya ako? Nakita niya kaya ako? Kailangan ko ng umalis.
Sorry Jam. Gusto sana kitang makasama ngayon, kaso, hindi pwede...
Red
Bakit kaya hindi nakasipot si Ken? Ang sabi niya kasi sa akin hindi daw siya makakapunta kasi sasamahan daw niya ang pinsan naming maysakit na pumunta sa hospital. Pero nang makita ko ang location niya, eh nasa malapit lang siya. Kung tutuusin, baka nga nadito rin siya sa cafe.
Jam
I was so disappointed with Ken. Pinaghandaan ko pa naman ito. I came back into my senses when my phone ringed. New number...
"Hello? Who's this?"
"Is this Jamille Ruiz?"
"Speaking." Sino 'to?
"Oh, hi! It's me. Chris."
Chris? What? "Who is it?"
"Oh, sorry! I forgot to introduce myself. I'm Christopher Lozano Rivera..."
Lozano... It's...
"...Call me Chris. And I'm your brother. Your elder brother."
WHAT?! "Elder... What? Hey! Are you insane?"
"No, I'm not. Tomorrow. 6 pm. At the cafe nearby your school. See ya! Bye!"
C.A.L.L. E.N.D.E.D.
Elder Brother? Pero... Wala nabanggit si dad. What is happening to the world?
0
![](https://img.wattpad.com/cover/93097866-288-k752039.jpg)
BINABASA MO ANG
Invisible Love
Teen FictionSomeday, may isang taong makakakita ng halaga mo. May isang taong magpapahalaga sa'yo at ipaparamdam sa'yo kung gaano sila kaswerte sa'yo.